Heart POV
"HINDI AKO PAPAYAG". Yan agad ang bungad na sigaw ni alex pagkatapos kung sabihin sa kanya ang pag tawag sakin ni Ale kagabi.
Ngayong umaga lang kasi syang umuwi dahil sumama sya sa mga police at militar mahanap at makita lang si Alexa.
" Pero alex kailangan kung sundin kong ano ang gusto nya". Nanginginig ang mga labi ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Hindi ko pwedeng pabayaan si Alexa sa kamay ng baliw na iyon.
"Pero paano kung mapapahamak ka?". Kitang kita MO sa kanyang mga Mata ang pag aalala at tila ayaw nya sa Plano namin.
" Hindi ako mapapahamak Alex. Dahil alam kung darating ka para iligtas kami sa kamay ni ale". Saad ko at saka ko hinawakan ang mukha nito.
Hinawakan naman nito ang kamay ko at saka ako niyakap. Napangiti ako dahil alam kung nag aalala sya samin ni Alexa. Pero alam kung ito lang ang paraan para makuha ko si Alexa sa kamay ni Ale.
"Natatakot ako Wife! Paano kung saktan kanya?". Saad nito.
" Ano kaba kaya ko ang sarili ko Alex. ". Saad ko at saka tinignan ang oras. Mag alas dyes na ng umaga.
" Oh sige basta lagi mong tandaan na nakasunod lang kami sayo". Saad nito at saka hinalikan ang noo ko.
"Salamat sa pag tiwala". Ngiting sabi ko at saka inayos ang sarili ko. Nakasuot ako ng Fitted white t'shert at fitted maong pants at pinarisan ng flat doll shoes!.
" Mag iingat ka wifey!". Dagdag nito! Ngumiti ako at saka tumango bilang sagot.
Sinabi ko kasi sa kanya pagdating nya na hawak ni Ale si Alexa at kailangan kung sumama sa kanya o tumakas sa bahay namin at kapalit non ang anak namin.
Kailangan nya rin malaman ang katotohanan lalo Nat sya ang ama ni Alexa. Sinabi ko rin sa kanya ang Plano ko. Gaya ng sinabi nya ay Hindi ako nag dala ng kahit ano at nakaipit ang buhok ko.
Wala akong kahit Wrist watch man lang at ang tanging dala kolang ay maliit na GPS at nilagay ko ito sa buhok ko para Hindi nya mahalata.
Napalunok ako ng lumabas sa loob ng bahay. Nakita ko rin sila Alex at ang mga bodyguards namin ay sumakay sa Van.
Samantalang ang mga police naman ay hinihintay Nalang nila ang cignal ni Alex.
Hindi ako nag pa halata at nakita ko sa likod ng bahay ang itim na kotse na tila ngayon lang dumating.
May malaking pader ang bahay namin at sa likod nito ay isang short cut na daan.
Napalunok at bigla akong nilukoban ng kaba at takot ng makita ko syang naka prenteng nakasandal sa sasakyan nya habang nakasuot ito ng purong itim na damit.
'Kamay nya seguro'
Napatingin ito sakin ng seryoso at tumingin sa paligid. Pero bumaling ang tingin ulit nito sakin at saka ngumisi na parang isang demonyo. Nanindig tuloy ang balahibo ko sa batok dahil sa nakakatakot nitong mukha.
"Are you ready honey". Malanding sabi nito habang lumalapit sakin na nakapamulsa.
Parang gusto ko tuloy tumakbo pabalik! Pero naisip ko na hawak nya si Alexa ang anak ko.
'Mamatay kana ngayon Ale'.
Ani ko sa isip ko at Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sakin at nilagay ang kamay nya sa harap ko.
" Kaya kung maglakad mag isa". Walang emosyong sabi ko at saka sya nilagpasan. Kailangan kung maging matapang at Hindi ipahalata sa kanya na natatakot ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/351968959-288-k706722.jpg)