Chapter 22 Unexpected Visitors

112 9 0
                                    

Third Person POV

Nakaupo sa sala si heart habang nagbabasa ng dyaryo at nakainom ng kape. Alas otso na ng umaga at dalawang araw na Simula ng makita ulit sila ni Alexander sa park.

Hanggang ngayon sariwang sariwa parin sa kanya ang lahat. Ramdam na ramdam nya ang sakit at lungkot.

Umagang umalis si liam , Harold at Helene dahil sa negosyo nila. Hindi na rin ito bumagsak kung tutuusin ay maraming nag aalok sa kanila ng partnership at Hindi naman nila ito tinanggihan.

Tanging sila lang ni Alexa ang nasa kabilang bahay at ang katulong. Pero tulog pa si Alexa.

"Manang! Pakitignan naman ho si Alexa kung gising na salamat po". Magalang nitong sabi sa isang katulong.

" Opo ma'am".magalang din nitong sagot. Sa dalawang araw na pagkikita nila ni Alex at nalaman nyang nabuntis si April at magpapakasal na sila. Wala syang ibang ginawa kundi libangin ang kanyang sarili sa pag basa ng dyaryo.

At hinatid sundo ang kanyang anak. Gusto nyang bumawi dito at Hindi naman pumalag si Liam. Dahil ALAM nyang yon kanyang gagawin para kalimutan lahat ng sakit na nararamdaman nya.

"Ma'am tulog pa po sya". Napatingin si heart sa taong pababa at ito si manang Lucy.

" thank you po manang". Magalang nitong sabi at ngumiti.

*Ding Dong*

Napakunot ang noo ni Heart ng may nag doorbell sa kabilang gate.

'Sinu naman ang bibisita sakin'.

Tanung Nito sa isip. Kung uuwi si liam ay Hindi na sya nag doorbell pa at ganun din ang kanyang magulang. Kaya Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan sya parang iwan at nanginginig ang kanyang kalamnan.

"M-manang ako na po ang magbubukas". Tila Hindi pa segurado na pagkasabi ni heart Kay manang Lucy. Tumango si manang Lucy at ngumiti.

Tumayo si heart at inayos ang kanyang sarili bago sya lumabas ng pintuan.

" Sandali lang". Sabi Nito at unti unting binuksan ang gate. Nakayuko pa ito at saka inangat ang kanyang mga tingin.

Nagulat at nanlalaki ang kanyang mga Mata ng makita kung sinu ang tao sa kanyang harapan. Hindi sya makapaniwala. Sa tagal tagal na panahon ay ngayon nya lang sila nakita.

"Tito Ace , Tita Alumina , Alexander". Gulat nitong tanung makita ang magulang ng kanyang EX-HUSBAND.

" Yes iha! How are you? Kakauwi lang namin galing Japan". Napangiti si heart dahil sa sinabi ng ginang.

"Pasok ho kayo". Naiilang sya lalong lalo na Kay Alexander na wala man lang emosyong nakatingin sa kanina.

Pumasok sila at binigyan ng maiinom. Kinakabahan si heart ng parang may hinahanap si Alex sa loob ng bahay ganun din ang dalawang matanda.

" Kamusta kana iha"?. Tanung ni Alumina Kay heart na ngayon ay namumutla dahil sa kaba.

"O-okey l-lang ho a-ako". Nauutal nitong sabi at umiwas ng tingin.

" So kelan pala ang kasal nyo ng anak ko". Halos nabulunan si heart kahit wala itong iniinom dahil sa tanung sa kanya ni ace. Na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.

"A-ah e-eh n-nagkakamali p-po k-kayo t-tito a-ace. H-hindi p-po a-ako". Nahihiyang sabi no heart Kay ace at namumula pa ang pisnge Nito.

" What do you mean? Alex what's this?". Bumaling ang atensyon ni ace Kay Alex. Ganun din si Heart.

'Ano bang trip Nito! At ako pa talaga ang sinabi'.

Inis na sabi ni heart sa kanyang isip. At kinuyom ang kamao Nito.

The Blind WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon