Heart POV
Tatlong araw! Tatlong araw kunang Hindi nakakatabing matulog ang anak ko. Ang mga tawa nya at ang paglalambing nito sakin.
Wala ding tigil si Alex sa paghahanap sa anak namin halos wala syang tulog at Kain dahil sa pag hahanap Kay Alexa.
Naglalagay na rin kami ng mga litrato nito sa mga posted at contact number namin.
Iniisip namin na kung kidnapped for Ransom ang kumuha sa anak ko ay tatawag agad sila samin at hihinge ng amount ng perang katumbas ng buhay ng anak ko.
Halos mabaliw na rin ako sa kakahanap sa mga kakilala nya at kaibigan. Hindi na rin ako nag duty sa trabaho ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at yakapin ang maneka ng anak ko. Sobrang miss na miss kuna sya.
At malakas ang kutob ko na maaring si Ale ang may kagagawan ng lahat ng to. At Hindi ko sya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa anak ko. Hindi ko yon kakayanin.
"Iha kumain kana! Hindi kapa kumakain". Humiling ako Kay manang Lucy habang walang tigil ang luha ko.
" wala akong (sniff) gana". Hagulgul ko na kinayakap ni manang Lucy sakin.
"Shhh. Tahana iha! Magiging ayos din ang lahat! ". Paghahalo nito sakin. Bumitaw ako sa yakap ng mag ring ang cellphone ko.
" Sasagotin kolang manang". Saad ko! Tumango ito at saka umalis.
'Unknown Calling'
Bigla akong kinabahan at pinagpapawisan ng malamig.
'Baka si alex ito at gumamit lang ng ibang number'.
Ani ko sa isip ko at saka inayos ang boses ko. Ayaw kong mag aalala sya. Baka mamaya uuwi sya dito na ng dahil lang sa medyo paos kung boses. Pero nirecord ko ang boses nya baka sakaling Hindi ito sya.
Kailangan kung makasiguro. Baka mga kidnappers ito at hihinge na sila ng pera.
"H-hello". Nauutal kung sabi at nanginginig ang buong kalamnan ko ng marinig ang buntong huminga nito sa kabilang linya.
" Heart". Halos binuhasan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses nya. Nanigas at tila may nakabara sa lalamunan ko.
"A-a-ale". Halos Hindi ko masabi ang pangalan nya dahil sa kabang nararamdaman ko.
" hmm. Oo ako nga! Namiss muna ba ako honey?". Nandidiri ako sa mga sinasabi nya. Ang kapal ng pagmumukha nya.
'Hayop ka! Ang kapal ng pagmumukha mong tumawag dito'.
Gusto ko yan isigaw sa kanya. Pero parang umurong ang dila ko dahil sa kaba at takot. Pero kailangan kong maging matapang!
Hindi dapat ako nag papaapekto sa isang katulad nyang baliw.
"Anong kailangan MO Ale". Napabuga ako ng hangin ng masabi ko itong Hindi nauutal.
" Woah! Pretending to be brave honey". Napapikit at kinuyom ko ang kamao ko ng marinig ko ang Malandi nitong boses.
"Pwede ba Ale. Wala akong panahon sa isang katulad mong baliw". Inis kung bulyaw at papatayan na Sana sya ng tawag ng marinig ko ang pamilyar na boses.
" MOMMY HELP ME! HE'S A MONSTER". Halos nanghina ako at bumagsak ang mga luha ko ng marinig ang boses ng anak kung nag mamakaawa.
"Hayop ka talaga Ale. Wala kang kasing sama! Ibalik MO sakin ang anak ko". Mahinang sabi ko at napaupo ako sa may sofa.
" Sa tingin MO ba heart! Ibabalik ko lang sya ng ganun ganun lang! ". Halata MO sa kanyang boses ang galit.
" Ano ba ang kailangan Mo huh? Pera? Magkano ang gusto Mo? Hwag MO lang sasaktan ang anak ko Ale. Pamangkin MO sya". Hagulgul ko sa cellphone na kinatawa nito sa Kabilang linya. Halos tumindig ang balahibo ko dahil sa malademonyong tawa nito.
"Hahaha! Alam MO ba kung sinu ang gusto ko heart?". Tanung nito! Napalunok ako at pumikit ng Mariin.
" A-ano?". Nauutal kung sabi na sapat lang maintindihan nya ang boses ko.
"IKAW HEART! IKAW ANG KAILANGAN KO! NAINTINDIHAN MO". Halos mabinge ako sa sigaw nya sa kabilang linya.
" Baliw kana Ale". Inis kung bulyaw! Walang tao sa sala at tanging ako lang.
"Nasa sayo ang disisyon Heart! Puntahan MO ako bukas sa Likod ng bahay nyo! At kapag Hindi ka dumating! Ipadala ko ang walang buhay mong anak". Halos nanlumo at nanginginig ang kalamnan ko ng marinig ko ang sinabi nya.
" napakasam MO ale! Demonyo ka". Mahinang sabi ko!
"MOMMY! HELP ME. DADDY I DON'T LIKE HERE". Mas lalo akong napahagulgul sa iyak ng marinig na naman ang sigaw ng anak kong nagmamakaawa.
" Please Ale gusto kong makausap ang anak ko". Nakikiusap Kung sabi sa kanya.
"Makakausap MO sya Heart! Kung susundin MO ang gusto ko. Hwag na hwag mong ipaalam Kay Alex o kanino man ito. Kundi malilintikan sakin ang anak mo. Alas 10 ng umaga dapat nandoon ka. Don't be late or else Alexa well die". Ale.
*tot*tot*tot*
Napahilamos ako saking mukha at saka pumikit. Paano na ito? Ayaw kung masaktan ang anak ko.
Paano si alex? Karapatan nya ring malaman ang totoo. Pero paano kung malaman ni Ale na sinabi ko Kay Alex ito.
Pero kailangan kong gumawa ng paraan. Gusto kong makita ang anak ko. At buo na ang disisyon ko.
Kailangan kulang maging matalino. Alex Hubby! Pangako magiging ligtas ako. At alam kung dadarating ka!
'Sa ngayon kailangan ko munang mag disisyon'.
Ani ko sa isip at saka umakyat sa kwarto. Kailangan matuntun agad ako nila Alex kung San man ako dadalhin ni Ale.
_______Please 🙏 Dont Forget To Vote And Comment 😁