Chapter 33 Anger

99 8 0
                                    

Third Person POV

Mahigpit ang hawak ni Ale sa kanyang monebela ng makita ang limang tao sa labas ng bahay nila Heart.

"F**k ! So nag hired talaga sya ng mga tao nya huh?". Bulong nito sa sarili na puno ng galit ang nararamdaman.

Nakita nya naman ang isang pamilyar na kotse na lumabas at sumunod ang isang Van.

" Sige Alex bakuran MO. Dahil nag sisimula na ang ako". Ngising sabi nito at sinunod ang sasakyan nila.

'Ring'Ring'Ring'

Nabaling ang atensyon nya sa cellphone na nasa tabi nya lang at napakunot ang noo nya ng makita sa screen ang tumawag.

'Leo Calling'

Kumuna sya ng headset at saka nya ito nilagay sa tenga at pinindot ang answer button.

"What?". Inis nitong bulyaw sa kabilang linya.

" b-boss m-may p-problema t-tayo". Nauutal na sabi ni Leo sa kabilang linya. Halata MO sa kanyang boses ang kaba at takot.

"Spill it". Malamig na sabi ni Ale habang sinusundan ang Sasakyan nila Alex.

" Boss may sampung bodyguard ang anak nila Alex". Mas lalong humintig ang panga nya dahil sa narinig nya sa kabilang linya.

"THE F**K! GUMAWA KAYO NG PARAAN! AT HWAG NA HWAG NYONG IPAKITA SAKIN ANG PAGMUMUKHA NYO HANGGAT HINDI NYO KASAMA ANG ANAK KO. KUNDI PAPATAYIN KO KAYONG MGA INUTIL KAYO. NAINTINDIHAN NYO". Diing sabi nito at Tinapun ang headset dahil sa galit.

" Kahit libong tao ang kukunin MO Alex. Hindi parin ako titigil hanggat Hindi ko sila nakukuha". Bulong nito sa sarili nya!.
____________
Nakaupo lang si heart at tumitingin sa labas ng bintana. Naiwan kasi sa parking lot ng hospital ang sasakyan nya dahil Kay Ale. Kaya wala na syang nagawa kundi ang mag pahatid Nalang. Wala silang himikan sa isa't isa at kitang ang isip ni heart kaya Hindi nya naririnig o napapansin si Alex na kausap ang tauhan nito.

"Boss! May naka sunod na itim na kotse". Sabi ni Arnold gamit ang kanilang Earpiece!.

Napahigpit naman ang hawak ni Alex at halata MO ang galit sa kanyang mga Mata.

'Kaylan kaba titigil Ale? HIHINTAYIN MO bang patayin kita'.

Ani nito sa isip at binilisan ang pag dadrive nito at tinignan si Heart na walang ka alam alam sa nangyari.

" Segurado ba kayong tayo ang sinusundan nya?". Tanung nito na baka nagkakamali lang ang tauhan nya.

"Boss kanina pa eh. Kung San kayo lumiko don din sya".. Saad namn ni Arnold.

" saka boss mukhang napansin ko ang sasakyan na ito kanina sa labas mg bahay nyo". Sabi naman ni Kyle.

"Sa tingin ko boss ito ang kakambal MO". Nag aalalang sabi ni Cielo.

" Boss OBSSESS na talaga itong kambal MO na kunin lahat sayo". Parang Hindi makapaniwala si Alvin.

"Boss anong gagawin namin dito?". Tanung naman ni Daniel na halata sa kanyang boses at pagkairita.

" Harangin nyo ang daan nya kung maaari! At susunod kayo sa Hospital ". Mautoridad na sabi ni Alex sa kanila.

" Areglado boss". Sabay nilang sabi kaya pinutol na agad ni Alex ang communication nila at saka tinignan si Heart na malalim ang iniisip.

"Wifey Okey kalang ba". Tanung nito Kay heart na ngumiti lang sa kanya.

" Ah oo naman! Naisip ko kasi na Weekend bukas. Pwede ba tayong mamasyal bukas para naman maging masaya si Alexa ". Bigla nitong sabi at saka tinignan si Alex na ngayon ay malapad ang ngiti dahil sa narinig.

" Oo ba icacancelled ko Nalang bukas ang appointment ko para naman maging masaya si Alexa. ". Masayang sabi ni Alex na kinanganga ni Heart.

" Hala hwag Nalang pala. Mas mahalaga ang trabaho MO kesa sa bonding! Maintindihan naman iyon ni Alexa at saka sa susunod Nalang seguro". Sabi ni Heart.

"Ano kaba wifey! Okey lang saka trabaho lang yon. Gusto kung bumawi sa mga pagkukulang ko wifey sa inyo ni Alexa". Malungkot na sabi ni Alex.

" Ano kaba Alex. Nakabawi kana Kay Alexa hwag kanang malungkot at saka nandito na tayo". Nakangiting sabi ni heart!

"Kahit na wifey! Gusto kong ibuhos sa inyo ang oras ko! Sige basta hwag kang umalis kung wala sila Arnold wifey ah. Mabuti na Yong mag ingat". Mahabang lintaya ni Alex Kay heart.

Ngumiti si heart at saka hinalikan sa pisnge si Alex na kinatigas nito sa upuan nya at namumula ang pisnge dahil sa kilig.

" Hmm. Mag iingat ka bye". Mahinang usal ni heart na sapat lang na marinig ni Alex na hanggang ngayon ay nakatulala parin.

Napalunok at napaiwas naman ng tingin si heart at saka dali-daling lumabas ng kotse habang sapo nito ang mukha nyang namumula dahil sa ginawa nya.

"Bakit ko ginawa yon! Nako heart Hindi ka talaga nahihiya". Sermon nito sa sarili nya.

" Wifey". Napalunok at kumabog ng malakas ang dibdib nito ng tawagan sya ni Alex na ngayon ay nabalik na sa katinuan.

"B-bakit?". Nauutal na tanung ni heart at parang nag slowmo sa kanyang paningin ang paglalakad ni Alex papunta sa kanya.

Nagulat Nalang sya ng halikan sya ni Alex sa labi na kinalaki ng mga Mata nya.

Kumurap kurap pa ito na akala nya ay nanaginip sya sa pag halik sa kanya ni Alex. Pumikit sya at tumugon sa halik ni Alex.

Nagulat pa si Alex at the same time at napangiti ito sa kanyang kalooban dahil tumugon si heart sa kanyang halik.

Bumitaw sila sa pag nabalik ng kapusan na sila ng hininga.

" S-sige a-alis n-na a-ako ". Nauutal na sabi ni heart at saka mabilis na humakbang paalis.

Napapangiti naman sya at kinikilig na pumunta sa Van na kakarating lang.

" Boss masyado syang matinik nawala agad sya sa paningin namin". Nawala ang ngiti ni Alex at tumingin sa palibot baka sakaling makita ang sasakyan ng kambal nya.

"Bantayan nyo ang buong paligid. At ikaw Arnold At kyle bantayan nyo sa loob ang asawa ko. At kayong tatlo kapag may kahinala na kayong napapansin tawagan nyo agad ako. At Arnold tawagan MO kapatid MO kung okey lang ba ang anak ko. Kailangan kunang umalis". Sabi ni Alex na kinatango nila at saka na sila pumunta kung San sila nakaasign.

" Subukan MO lang galawin ang pag mamay-ari ko Ale at sisguraduhin kong Libingan ang bagsak MO". Malamig nitong bulong at saka umalis sa hospital.
_____
Galit na galit si Ale ng makita kung paano sila naghalikan at halata Mo dito na nag mamahalan silang dalawa.

"Damn Heart ako dapat ang hinalikan MO! Hindi sya". Tiimbaga nitong sabi at hinampas ang kamay sa monebela dahil sa galit.

" AKIN KALANG AKIN HEART! TANDAAN MO YAN HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KO KAYO NAKUKUHA". Diing sabi nito at pinaharurut ang kotse nito paalis sa hospital.
_______________

A/N: Good evening sa mga Readers ko! Pasensya na kayo kung ngayon lang ako naka UD... Please 🙏 Dont Forget To Vote And Comment 😁

The Blind WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon