Pumalakpak nang dalawang beses ang guro habang nakatingala siya sa mga estudyanteng nakahalayhay sa entablado.
"That's it for today's practice! Good job, guys!" papuri ng guro.
Agad na naghiwa-hiwalay ang mga estudyante matapos marinig ang anunsiyo. Nagtungo naman ang guro sa kanang hagdan ng entablado at sinalubong doon ang isa sa mga estudyante.
"Kim Sunoo-ssi?" tawag ng guro.
Mabilis na lumapit si Sunoo sa guro. "Saem?"
"Busy ka ba? O may importante ka bang gagawin ngayon sa Student Council?" tanong ng guro.
"Hmmm, wala naman po kaming meeting ngayon, saem. Bakit po?"
"Ah kasi si Park Yeji, iyong isa sa mga choir members natin. Hindi kasi siya um-attend ngayon sa practice. Tinanong ko na rin ang homeroom teacher nila pero mukhang absent talaga siya. E siya kasi iyong naiisip ko na pwedeng isali sa singing competition. Gusto ko sanang dalhin mo ito sa kanila," paliwanag ng guro at saka na iniabot kay Sunoo ang isang papel.
"Application form iyan. Malapit na kasi ang deadline e. E baka hindi pa siya pumasok. Gusto ko sanang tanungin mo siya kung gusto niyang sumali," dagdag ng guro.
Napatuon ang mga mata ni Sunoo sa papel at saka na napatango. "Sige po, saem. Pupuntahan ko po siya," pagpayag niya.
Malawak namang napangiti ang guro at saka na hinawakan ang balikat ni Sunoo. "Maaasahan ka talaga."
Ngumiti lamang si Sunoo.
Isa sa mga magandang katangian ni Sunoo ay ang pagiging masunurin. Madali siyang lapitan, pala-kaibigan, at hindi marunong tumanggi. Kaya naman palagi siyang nilalapitan ng mga estudyante at ng mga guro. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit naging Class President siya at Vice President ng Student Council.
"Sunoo-yah!"
Napalingon si Sunoo sa lalakeng agad na tumalon sabay akbay sa kanya.
"Jungwon-ah," bati ni Sunoo.
"Wala tayong meeting ngayon. Tara noraebang?" pag-aaya ni Jungwon.
"Nako, pasensya ka na Jungwon-ah. May lakad kasi ako ngayon e. May inutos sa 'kin iyong instructor namin sa choir," pagpapaumanhin ni Sunoo.
"Ay gano'n? Ano ba iyon? Samahan na lang kita," alok ni Jungwon.
Ngumiti si Sunoo. "Hindi na. Balitaan na lang kita bukas," pagtanggi ni Sunoo.
Napaimpis ang mga labi ni Jungwon. "Hmmm, sige. Kakao na lang tayo," saad niya at saka na humiwalay kay Sunoo. "Kitakits bukas."
Itinaas ni Sunoo ang kanang kamay niya at saka na winagayway ito kay Jungwon. Winagayway rin ni Jungwon ang mga kamay niya at saka na tumakbo na ito palabas ng gate ng eskwelahan.
Nang makarating na si Sunoo sa mga kabahayan ay agad siyang napatingin sa maliit na papel na hawak niya. Nakasulat kasi roon ang kumpletong diskurso nang pupuntahan niya.
Muli siyang napatingala sa mga establisyemento at doon ay nakita niya ang apartment na hinahanap niya. Agad siyang nagtungo roon at hinanap ang unit na nakasaad sa papel.
Hindi naman siya nahirapang hanapin ito dahil nasa pangalawang palapag lamang ito at malapit sa elebeytor.
Muli niyang sinilip ang maliit na papel na hawak niya at saka na tumingin sa numerong nakapaskil sa may pintuan, upang masiguro na tama ang unit na kakatukin niya.
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanfictionSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.