To get close

167 7 11
                                        

"How to be close with someone?"

Mabilis na sinara ni Sunghoon ang laptop niya at saka na napatalikod mula sa kinauupuan niya.

"Jake!" tigalgal niya. "'Bat hindi ka kumakatok?!"

"Kailan pa ako kumatok, Park Sunghoon-ssi?" sagot ni Jake habang nakatungo ito sa kanya. Umayos siya ng tayo at saka na umupo sa higaan ng kaibigan. "At ano ba iyang niri-research mo sa internet?"

Napaiwas ng tingin si Sunghoon. "Ah, ano—assignment," dahilan niya.

"Assignment? Do you seriously think I'll buy that?"

Napalunok si Sunghoon. "A-Ano ba kasing ginagawa mo rito?" paglayo niya ng usapan. Napalingon siyang muli kay Jake.

"Wala. Kakamustahin ko lang sana iyong pag-i-imbestiga mo ro'n sa senior ni Yeji."

"A-Anong imbestiga? Hindi ko siya ini-imbestigahan 'no!"

"Ah, hindi ba? E ano pala? Inaalam mo lang paano maging close sa kanya?" tudyo ni Jake.

Napatayo si Sunghoon. "B-Bakit ko naman gugustuhing maging close sa kanya?!" bulyaw niya.

Napangisi naman si Jake. Isa talagang kasiyahan sa kanya ang pagiging depensibo ng kaibigan.

"Chill ka lang. Malay ko bang hindi mo pa rin alam kung bakit."

"Mwo, mwo? Ang ano?!"

"Kung bakit ka slow," tudyong muli ni Jake.

Napadampot si Sunghoon sa pambura na nasa lamesa niya at saka na binato ito sa kaibigan. Agad namang iniwasan ni Jake ito at saka na natawa.

"But seriously, bakit kailangan mo pang i-search sa internet iyan?" usisa ni Jake at saka na tumango sa direksiyon ng laptop ni Sunghoon. "Nandito naman ako, ang bestfriend mo. Pwedeng-pwede mo akong tanungin."

Kumunot naman ang noo ni Sunghoon. Napaupo itong muli sa upuan niya. "Ano namang alam mo?"

Sinuklay ni Jake ang buhok niya gamit ang kanyang kanang kamay at saka na napangisi. "Kung hindi mo naitatanong, ako si Jake Sim, ang pinaka-popular sa Dwight School Seoul."

Napataas naman ang kilay ni Sunghoon. Hinalukipkip niya ang kanyang mga braso at saka na napakrus ang kanyang mga binti.

"Sige nga. Ano namang mapapayo ng isang Jake Sim ng DSS?"

Marahang napatawa si Jake. "Una—"

Matamang na nakinig si Sunghoon, habang nakapokus ito sa sasabihin ng kaibigan.

"—alamin mo muna kung may boyfriend ba."

"Ha?! 'B-Bat ko naman aalamin kung may boyfriend siya?!" tigalgal ni Sunghoon.

"Hahahahaha!" paghalakhak ni Jake. Halos maging kulay kamatis na kasi ang pisngi ni Sunghoon.

Hinampas-hampas ni Jake ang sariling dibdib upang pigilan ang sarili sa katatawa. "Eh kasi malay mo 'di ba?" pagpipigil niya sa tawa niya. "Baka may sabit na pala."

Napahawak si Sunghoon sa kwadernong nasa lamesa niya at saka na hinagis ito kay Jake. Agad naman itong naiwasang muli ni Jake.

"Lumayas ka na nga! Kung ano-anong sinasabi mo sa 'kin!" ismid ni Sunghoon.

Bakit nga ba siya umasang may sasabihin itong matino sa kanya? Halos makalimutan na niyang ang pag-uudyok ni Jake ang dahilan kung bakit siya nag-enroll sa Chilbo. Ngayon naman ay kung ano-ano na naman ang ipinapasok nito sa utak niya.



Let Me In (SunSun AU)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon