"Okay, let's start," anunsiyo ni Jungwon, habang nakaupo ito at nakaharap sa iba pang mga miyembro ng Student Council. "Anong mga activities ang in-approve ng principal, EJ?" tanong niya sa secretary nila.
Napatingin naman si EJ sa mga papel na hawak niya. "Out of eleven activities na pr-in-opose natin, limang activities ang in-approve ni Principal Lee." Tumayo siya at saka na nagtungo sa white board na nasa harapan nila.
Isa-isa niyang isinulat ang mga nasa papel na hawak niya.
"Una-" Gamit ang white board marker ay itinuro ni EJ ang nakasulat sa numero isa at saka na humarap siya sa mga miyembro ng Student Council. "-Book donation project."
Tumango si Sunoo. "Pwede nating simulan iyan ngayon o sa end ng school year para magamit nila sa susunod na pasukan," aniya.
"I suggest we do it by the end of school year," suwestiyon ni Nicholas, ang committe chairperson ng Senior High. "Since meron pa tayong apat na approved activities, mas maigi kung mauuna iyong apat na iyon."
"Agree ako," komento naman ni Taki, ang Committe Chairperson ng Junior High. "And besides, mas marami tayong makukuhang book donation sa end of school year dahil magpapalit na ng books ang mga studyante."
Tumango naman si Jungwon. "Then for now, ilagay muna natin siya sa end of school year. What's next?"
Inilipat naman ni EJ ang white board marker niya sa pangalawang numero. "Community day," aniya.
"Talagang hindi palalagpasin ng principal ang community service," napasandal si Yuma, ang treasurer nila, sa kinauupuan nito at saka na napailing.
Napangiti naman si Sunoo na katabi lamang ni Yuma. Taon taon na lamang kasi ay hindi nawawala ang aktibidad na ito sa Student Council.
"Ayaw mo lang mainitan e," komento ni Nicholas na nasa tapat ni Yuma.
"Sino bang may gustong mainitan?" pakli ni Yuma.
Idinutdot ni Jungwon ang dulo ng hawak niyang ballpen sa lamesa. Agad na napatingin sina Nicholas at Yuma sa kanya at sabay na natahimik.
Napayuko si Sunoo at saka na napangisi. Muli siyang napatingin kay EJ. "Let's do that next month. For now, let's search for places we can do a cleanup drive, then we can reach out to community leaders to help us out," aniya.
Tumango si EJ. "I'll take note of that, bu-hoejang." Muli siyang tumingin sa white board at saka na tinuro ang nakasulat sa pangatlong numero. "Field day."
Napapalakpak si Taki. "As expected," aniya.
"Puro laro talaga nasa utak mo," komento ni Nicholas.
"E bata pa ako e. Hindi maiintindihan ng mga matatandang kagaya mo," pang-aasar ni Taki.
Tatayo sana si Nicholas pero muling dinutdot ni Jungwon ang dulo ng ballpen niya sa lamesa nang mas malakas kaysa sa kanina.
Muling napaupo si Nicholas, habang pinandidilatan naman siya ng mga mata ni Taki habang gini-gewang-gewang ang ulo nito.
Gustong matawa ni EJ sa nakikita niya, kaya nga lang ay seryosong nakatuon ang paningin ni Jungwon sa kanya. Kaya minabuti na lamang niyang pigilan ito.
"Let's do that after the second grading," suwestiyon ni Yuma. "Para stress reliever after ng exam."
Tumango si Sunoo. "After first grading, we can place a suggestion box in the hallways to ask students what competition they would like to have on the field day."
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanfictionSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.