We knew.

72 2 1
                                    

Hindi mapakali sina Sunoo at Sunghoon habang nakaupo sa tapat nina Jungwon at Ni-Ki. Hindi maalis ni Sunoo ang tingin niya sa lamesa, habang pinipilit naman ni Sunghoon kumalma habang nakatingin sa dalawa.

"So... You guys are really dating?" pagku-kumpirma ni Jungwon habang seryosong nakatingin sa dalawa. Nakahalukipkip ang mga braso niya habang nakasandal sa kinauupuan niya.

"Ne..." sagot ni Sunoo habang hindi pa rin siya makatingin sa mga kaibigan niya.

Dahil sa bugso ng damdamin ay hindi na niya napagtanto na kasama niya sina Jungwon at Ni-Ki kanina. Pinangunahan siya ng inis bago pa niya maisip na hindi nga pala alam ng mga kaibigan niya na sila ni Sunghoon.

Napatayo si Ni-Ki at akmang aabutin si Sunghoon sa kwelyo nito. "Are you cheating on Sunoo?" asik niya pero agad na humarang ang kaliwang braso ni Sunoo.

"Stop, Ni-Ki," pagpupumigil ni Sunoo. "Jebal," aniya habang nagsusumamo ang mga mata niya kay Ni-Ki.

Wala namang nagawa si Ni-Ki kung hindi muling umupo sa upuan niya. Even if he has already sorted out his feelings for Sunoo, he still deeply cares about him.

"I'm not cheating on Sunoo. Hinding-hindi ko gagawin iyon," sagot ni Sunghoon. "Pinilit lang ako ng teammates ko para sumama sa blind date na 'yon. I only did it for them," paglilinaw niya.

"That's for Sunoo to decide whether to believe you or not," saad ni Jungwon at saka na napatingin kay Sunoo na hindi pa rin makatingin nang deretso sa kanya.

Napaimpis ang mga labi niya habang tinitignan ang kaibigan. "We already know that you guys are dating. We're not stupid enough to not notice," aniya.

Napatingin si Sunoo kay Jungwon. "You... knew?"

"Hmm," pagkompirma ni Jungwon. "It was so obvious. Para saan pang maging magkaibigan tayo for nine years para hindi namin mapansin. We are just waiting for you to tell us," dagdag niya.

Napapikit si Sunoo at saka na napahinga nang malalim. Muli siyang napatingin kina Jungwon at Ni-Ki.

"I'm sorry," paumanhin ni Sunoo at saka na napayuko nang bahagya. "Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sa inyo. I was also confused and had to sort out my feelings."

"We figured that out and it's a bit disappointing," saad ni Jungwon. "Sa totoo lang, rerespetuhin naman namin kung sinong magugustuhan mo. Your feelings are yours and not ours. It's just that you forgot you have friends who you can turn to during those times you are confused. We are not only friends during good times, Sunoo-ya."

Tuluyang napayuko si Sunoo. "Mian..."

Napalunok naman si Ni-Ki habang pinagmamasdan si Sunoo. He felt disappointed too. He was upset by the fact that Sunoo used to tell them everything. But could he blame him? He's also guilty for not telling Sunoo that he used to like him very much.

Napahawak si Ni-Ki sa balikat ni Jungwon at saka na tinignan ito. Napatingin din sa kanya si Jungwon. Umiling si Ni-Ki nang bahagya. Hinawakan ni Jungwon ang braso ni Ni-Ki at saka na tinapik ito nang marahan. Muli silang napatingin kay Sunoo.

"As I said, it's a bit disappointing," saad muli ni Jungwon. "Pero 'yun lang 'yon. Hindi pa rin no'n mabubuwag ang pagkakaibigan natin."

Napatingin si Sunoo kay Jungwon at Ni-Ki. Ngumiti ang dalawa sa kanya at napangiti na rin si Sunoo. He felt relieved. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Pero sa ngayon, iiwan muna namin kayong dalawa," saad ni Jungwon at saka na tumayo.

"Eh? Bakit?" naguguluhang tanong ni Ni-Ki at saka na napatingala kay Jungwon.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon