Parents

92 3 0
                                        

"A-Annyeong haseyo!" pagtungo ni Sunoo at saka na muling napatingin sa mama ni Sunghoon. "I'm Kim Sunoo. Classmate po ako ni Sunghoon hyung," aniya.

"Ahhh!" Lumapit ang ginang kay Sunoo.

Hindi alam ni Sunoo kung aatras ba siya o tatalon sa bintana. Kung kanina ay nag-aalala siya para kay Sunghoon, ngayon naman ay nine-nerbyos siya. Hindi sa ganitong paraan niya naisip na makikilala niya ang mama ni Sunghoon. Hindi siya handa para rito. Ni wala nga siyang dalang kahit ano man lang.

Bakit kasi hindi sumagi sa isip niya na baka makita niya rito ang magulang ni Sunghoon? Ito ang tinatanong niya sa sarili habang papalapit ang mama ni Sunghoon sa kanya.

"Ako nga pala ang mama ni Sunghoon," pakilala ng ginang nang makalapit na ito kay Sunoo.

Agad na nakipagkamay si Sunoo at saka siya tumungong muli. "Cheoeum boepgetseumnida, eomeoni," aniya at saka muling tinignan si Mrs. Park.

Pinagmasdan naman ng ginang ang mukha ni Sunoo.

Napapatanong tuloy si Sunoo sa sarili kung may dumi ba siya sa mukha o ayos lang ba ang hitsura niya.

Ngumiti ang ginang. "Ngayon lang ako may nakilalang kaibigan ni Sunghoon maliban kay Jake at sa mga ka-teammates niya," aniya.

Ngumiti lang din si Sunoo.

"Maupo ka." Minuwestra ng mama ni Sunghoon ang kamay nito patungo sa sofa na nasa gilid.

Napalingon si Sunoo kay Sunghoon. Tumango at saka na napangiti si Sunghoon sa kanya. Tinitiyak sa kanya na 'wag mag-alala.

Sumunod na lang si Sunoo at saka na umupo sa sofa.

"Siguro ay close kayo ni Sunghoon," komento ng ginang pagkaupo nito sa upuan na katabi ng kama ni Sunghoon.

Kinuha niya ang mansanas na nakapatong sa lamesa at saka na sinimulang balatan ito gamit ang kutsilyo.

Napatingin si Sunghoon kay Sunoo na mabilis na umiling sa kanya.

Hindi pa handa si Sunoo na magpakilala sa magulang ni Sunghoon. Natatakot siya na baka hindi siya matanggap nito.

"I tutored him that's why we became close," sagot na lamang ni Sunoo.

"Ahhh geurae?" tauli ng ginang. "Hindi ka ba nahirapan bilang matagal na mula nang huling pumasok si Sunghoon sa eskwelahan?" tanong nito habang nakatuon pa rin ang mga mata nito sa binabalatang mansanas.

"Hindi naman po," sagot ni Sunoo. "Sunghoon is responsible and persistent. Once he sets his mind to something, he'll do everything to accomplish it. He's admirable."

Napahinto ang kamay ng ginang at saka siya napangiti. Inilapag niya ang nabalatang mansanas sa pinggan na nasa lamesa at saka siya napatayo.

"Maiwan ko muna kayo," aniya. "Baka may pag-uusapan kayo."

Agad na napatayo si Sunoo. "O-Okay lang po."

Napatingin ang ginang kay Sunoo at saka na hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Sunoo. "I'll let you guys talk," aniya.

Binitawan ng ginang ang kamay ni Sunoo at saka na naglakad ito palabas ng silid. Nang makalabas na ito nang tuluyan ay napatingin si Sunghoon kay Sunoo.

"Sunoo-ya."

Napalingon si Sunoo kay Sunghoon.

"Come here," saad ni Sunghoon habang tinatapik nito ang higaan.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon