Back to School

161 6 0
                                    

"Sunghoon-a!"

Napakislot si Sunghoon nang hawakan ng mama niya ang pitsel ng tubig na nasa kamay niya. Imbis kasi na sa baso dumideretso ang tubig na laman nito ay sa mangkok ito nabubuhos ni Sunghoon.

"Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin iyang pagtulala mo," pag-aalala ng mama ni Sunghoon.

Napaiwas ng tingin si Sunghoon at saka na ibinuhos sa lababo ang tubig na laman ng mangkok. Kung kasama niya lang ngayon si Jake ay masasapak niya talaga ito. Kung hindi kasi dahil sa sinabi nito sa kanya ay hindi lumilipad ngayon ang utak niya.

"Sunghoon-ah."

Napalingon si Sunghoon sa mama niya. Nakikita niya ang pagkabahala sa nakakunot nitong noo.

Natahimik nang sandali si Sunghoon at saka na napabuka ang kanyang bibig. "Ma..." pag-aalinlangan niya. "I want to go back to school."

Natigilan ang mama ni Sunghoon sa narinig. Maya-maya ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay at saka na inabot ang noo ni Sunghoon. Kinapa naman niya sa kanyang kaliwang kamay ang sariling noo.

Napahinga si Sunghoon. "Ma, wala akong sakit."

Ibinaba ng mama ni Sunghoon ang kamay niya mula sa noo ng anak at saka na pinagmasdan ito.

"Kung gayon, wala bang nangyari sa 'yo sa training? Nadapa ka ba o nabangga ba ang ulo mo sa yelo?" usisa pa ng mama ni Sunghoon.

Napahukot ang mga balikat ni Sunghoon. "Ma, walang nangyari sa 'kin. Okay na okay ako. Wala akong sakit at wala rin akong injury," pagtitiyak niya.

"E kung gano'n—" Napahinga nang malalim ang mama ni Sunghoon. "—bakit gusto mong bumalik sa school? Hindi ba ikaw ang ayaw nang mag-enroll at mas gusto mo na lang mag home study dahil nahihirapan ka? At isa pa, senior ka na kapag bumalik ka pa sa school. Hindi ba't masyado nang huli para bumalik ka?"

Natahimik naman si Sunghoon. Hindi lang naman ang mama niya ang nakaiisip na isang malaking kalokohan ang bumalik siya sa eskwelahan. Dahil maski rin naman siya ay naiisip na isang malaking kahibangan ito. Pero hindi niya maalis sa utak niya ang sinabi ni Jake. Isa pa, tama rin siya noong naisip niya na hindi maganda sa mentalidad niya si Sunoo. Kapag naiisip niya kasi ito ay lalo siyang nahihimok sa ideya.

He knows the guy is dangerous for his mentality, but at the same time, he also has this inkling feeling that he wants to see him once more. Hindi niya maintindihan kung anong pakiramdam iyon. Basta ang alam niya lang ay gusto niyang alamin 'bat niya nararamdaman ito.

"Gusto ko po kasing maranasang maging estudyante ulit, ma. Alam ko pong masyado nang late. Pero at least makaga-graduate man lang ako sa school. At saka, ma, isang taon lang naman. Kahit sandali, maranasan ko man lang maging normal na estudyante," paliwanag ni Sunghoon.

Napahinga ang mama ni Sunghoon. "Sa tingin mo ba, kakayanin mo? Kapag bumalik ka sa school, kailangan nating ibalik ulit sa gabi ang training mo. Lalo na ngayon na babalik ka sa school as senior. Mas marami ng requirements na kailangan kumpletuhin para maka-graduate. Baka hindi ka na makapagpahinga."

Napayuko nang bahagya si Sunghoon. He knows fully well what he's getting into. Kaya nga sinukuan niya ang eskwelahan. But once his mind decides on something, he does not let it go. Even when things are tough, he pushes himself if he deems he has to do it. He became a professional skater because of this unyielding mindset in the first place.

"Kaya ko po, ma." Napatinging muli si Sunghoon sa mama niya. "Malaki na ako. Hindi na ako iyong batang Sunghoon na kilala niyo. I will make sure to manage my time at hindi ko po pababayaan ang training at school," pagtitiyak niya.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon