Meeting his family

82 3 2
                                    

"Sunoo-ya."

Napalingon si Sunoo kay Jungwon na kalalabas lamang ng gusali nila.

"Nasaan si Sunghoon hyung?" usisa nito nang makalapit na ito kay Sunoo.

"May kinuha lang sa classroom," sagot ni Sunoo.

"Ahhh..." tauli ni Jungwon. "Siya nga pala. Ito 'yung brochure ng Jeonbuk National University."

Binuksan ni Jungwon ang bag niya at saka na nilabas mula sa loob nito ang kulay marung pulyeto ng JNU.

"Sinong mag-aaral sa JNU?" usisa ni Jungwon nang mailapag niya na ang pulyeto sa palad ni Sunoo.

"I'm planning to submit an application," sagot ni Sunoo.

"Eh?!" tigalgal ni Jungwon. "Eh 'di ba matagal mo ng pangarap mag-aral sa Sungkyunkwan University? Bakit biglang sa JNU?"

Binuklat ni Sunoo ang hawak niyang pulyeto. "Ang layo kasi ng Sungkyunkwan," aniya.

"Ngayon mo lang naisip na malayo?" usisa ni Jungwon. "Okay. Sige, malayo. Eh 'di ba matagal mo nang sinasabi sa amin na gusto mong kumuha ng theater course? E wala namang theater course sa JNU."

Hindi nagsalita si Sunoo. Patuloy lamang siya sa palakdaw-lakdaw niyang pagbabasa sa pulyetong hawak niya.

Napahinga nang malalim si Jungwon. Hinawakan niya ang hawak na pulyeto ni Sunoo at saka na hinila ito mula sa kamay nito.

"Don't tell me dahil 'to kay Sunghoon hyung?" usisa niya.

Hindi umimik si Sunoo at napatingin lamang kay Jungwon.

Napalupaypay ang mga balikat ni Jungwon at saka na napahinga. "I knew it," aniya. "Sunoo-ya. Sunghoon hyung has already built his career. Pero ikaw, aabutin mo pa lang 'yong iyo. Uunahin mo pa ba talaga siya kaysa sa sarili mo?"

"Hindi sa gano'n, Jungwon-a," sagot ni Sunoo. "'Di ba lagi mo namang sinasabi sa akin na kahit anong i-take ko, mag-e-excel ako dahil magaling ako? So siguro naman kahit anong kursong kunin ko—"

"You're gaslighting yourself," putol ni Jungwon kay Sunoo. "Alam mo sa sarili mo na mas may maganda kang future kung ga-graduate ka sa isa sa mga magagandang University sa Seoul. Lalong-lalo na sa Sungkyunkwan. Pero mas pinipili mong mag-aral sa mas malapit dahil ayaw mong mapalayo kay hyung. Kahit na ang kapalit no'n is future mo."

Napalunok si Sunoo. Hindi siya makapagsalita.

Pangarap na talaga niya simula pa lang noong elementarya na maging isang artista. Kaya naman lagi niyang sinasabi noon sa mga kaibigan niya na kurso sa pag-a-akting ang kukunin niya sa kolehiyo. At sa Sungkyunkwan niya napiling mag-enroll dahil dito nakapagtapos ang karamihan ng mga kilalang artista sa Korea.

"I can't support you on this, Sunoo-yah. And I don't think Sunghoon hyung will either," saad ni Jungwon at saka siya napatingin kay Sunghoon na nasa likuran na ni Sunoo.

Napalingon si Sunoo kay Sunghoon na nakatingin na rin sa kanya.

"Mauna na ako," paalam ni Jungwon sa dalawa at saka na iniwan ang magkasintahan.

"Kaja?" pag-aya ni Sunghoon. Inilahad niya ang kaliwang kamay niya kay Sunoo.

Ngumiti lamang nang bahagya si Sunoo at saka na hinawakan ang kamay ni Sunghoon.

Matapos ang kalahating oras ay nakarating din sina Sunoo at Sunghoon sa kalye patungo sa bahay ni Sunoo. Magkahawak-kamay silang naglakad sa kalye.

"Sunoo-ya."

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon