Jaman Mural Village

95 6 12
                                    

Napahinto sa paglalakad si Sunghoon nang makita si Sunoo na nakatayo sa hindi kalayuan.

Hindi pa rin sila nakakapag-usap simula nang maghiwalay sila no'ng nakaraang sabado. Hindi rin siya nagkaroon nang pagkakataon na makausap ito kaninang umaga dahil mukhang abalang-abala ito.

Nagpasya na lamang siyang lapitan ito.

"Sunoo-ya?"

Napalingon si Sunoo na abalang tinitignan ang sarili niya sa screen ng kanyang cellphone. "Sunghoon hyung," aniya.

Napangiti nang bahagya si Sunghoon. "Anong ginagawa mo rito?" usisa niya.

"Ah, ano..." Napaiwas ng tingin si Sunoo. "Hinihintay ko si Heeseung hyung. Sasamahan niya kasi ako sa Jaman Village para mag-survey sa darating na community day."

"Ahhh..." tauli ni Sunghoon.

Muling sumagi sa isip niya ang gabi kung saan naabutan niya sina Sunoo at Heeseung. His excitement that night quickly vanished when he saw the two.

"Ikaw, hyung?" Napatingin si Sunoo sa kulay itim na trayanggulong bag na bitbit ni Sunghoon. Ilang beses na niyang nakita ito sa tuwing pupuntahan niya noon si Sunghoon sa ensayo nito. "Pupunta ka na sa training?" usisa niya at saka na napatingin kay Sunghoon.

"Hmm," pagsang-ayon ni Sunghoon. "Inagahan ko na lang para makauwi ako ng maaga ngayon."

"Ahhh..."

Natahimik naman ang dalawa matapos no'n. The atmosphere between them was still so awkward.

Gusto mang umalis ni Sunghoon ay tila ayaw sumunod ng mga paa niya. Bakit gusto niya pang manatili roon? Para makitang muli sina Sunoo at Heeseung?

"Wait lang, hyung. Tawagan ko lang si Heeseung hyung," paalam ni Sunoo upang maputol ang katahimikan nilang dalawa.

"Hmmm, go ahead," sagot na lamang ni Sunghoon.

Tumalikod muna si Sunoo at saka na d-in-ial ang numero ni Heeseung sa phone niya. Idinikit niya ito sa tainga niya at saka na hinintay na masagot ito ni Heeseung.

Napapasulyap siya kay Sunghoon habang hinihintay na sagutin ni Heeseung ang tawag. Halos mag-iisang minuto na kasi ay hindi pa rin ito sumasagot.

Agad siyang napangiti nang sagutin na ito ni Heeseung. "Hyung, nandito na ako sa labas ng building niyo," saad niya.

Pero hindi nagsasalita si Heeseung sa kabilang linya.

"Hyung? May ginagawa ka pa ba? Maghihintay na lang ako sa malapit na ca—"

"Sunoo-ya, I'm sorry, pero wala pala akong oras para samahan ka," putol ni Heeseung sa kanya.

Napayuko nang bahagya si Sunoo. "Ahhh gano'n ba, hyung? Ayos lang. Naiintindihan ko naman," aniya.

Bagamat naiintindihan niya ay nakaramdam siya nang kaunting pagkadismaya. Hindi niya maitatangi na nae-excite siyang makasama si Heeseung ngayong araw. He likes him afterall. Pero bukod din doon ay nais niyang ipaalala sa sarili niya na gusto niya pa rin si Heeseung.

"Sige na, Sunoo. May gagawin pa ako." paalam ni Heeseung.

"Arasseo, hyung. Kalke," saad na lamang ni Sunoo.

"Hmmm..."

Ibinaba ni Sunoo ang tawag at saka na napatuon ang mga mata niya sa suot niyang sapatos.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon