Napangiti nang bahagya si Sunoo nang mapalingon siya sa kanan niya. Nakadantay ang ulo ni Yeji sa lamesa habang nakapikit ang mga mata nito. Sa palagay ni Sunoo ay napagod ito sa maghapon nilang pag-aaral, kaya naman nakatulog na ito habang minamarkahan ni Sunoo ang sinagutan ni Yeji kanina.
Hinubad ni Sunoo ang suot niyang dyaket at saka na isinuot ito sa likuran ni Yeji. Matapos ay muli niyang itinuon ang sarili sa minarmarkahan niyang papel. Maya-maya pa ay napalingon siya nang marinig niya ang tunog mula sa pintuan. Napangiti siya nang malawak nang pumasok si Sunghoon mula rito.
Magsasalita sana si Sunghoon ngunit napatikom ang bibig niya nang idikit ni Sunoo ang kanang hintuturo nito sa sariling labi nito. Napatingin si Sunghoon sa direksiyon ni Yeji at napagtanto niya kung anong dahilan. Dumeretso na lamang si Sunghoon patungo kay Sunoo.
"Come," bulong ni Sunghoon at saka na inilahad niya ang kanang palad niya kay Sunoo.
Napatingin si Sunoo sa kamay ni Sunghoon, matapos ay napatingala siya. "Wae?" mahina niyang sagot.
Tumango lang si Sunghoon. Napangiti na lamang si Sunoo. Hinawakan niya ang kamay ni Sunghoon at saka na dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Nang makatayo na siya ay hinila siya ni Sunghoon patungo sa kwarto nito.
Agad na sinara ni Sunghoon ang kwarto niya at saka na niyakap si Sunoo. "I miss you," aniya.
Niyakap din siya ni Sunoo at saka na ngumiti. "Nado."
Napayakap nang mahigpit si Sunghoon kay Sunoo at saka na ibinaon niya ang ulo niya sa balikat ni Sunoo.
"Wae? Are you tired?" tanong ni Sunoo.
Tumango-tango si Sunghoon.
Napangisi si Sunoo at saka na bumitaw siya mula kay Sunghoon. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila si Sunghoon patungo sa higaan. Umupo si Sunoo sa kama ni Sunghoon, matapos ay pinaupo niya si Sunghoon sa sahig. Nang makapwesto na sila ay sinimulang imasahe ni Sunoo ang balikat ni Sunghoon.
Pumikit lamang si Sunghoon habang mainam na hinihilot ni Sunoo ang balikat at batok niya.
"Eottae? Does this make you feel better?" tanong ni Sunoo.
"Hmmm..." huni ni Sunghoon.
Napangiti naman si Sunoo at saka na tinuloy ang ginagawa niya. "'Bat ang aga mo nga pala ngayon? I thought you'd come home by seven in the evening," usisa niya.
"Because you said you'd go home at six. I want to see you; that's why I went home early," sagot ni Sunghoon.
"Hmmm..."
"Kumusta ang pagtu-tyutor kay Yeji? Hindi ka ba nahirapan?" usisa naman ni Sunghoon.
Kaya rin siya umuwi nang maaga dahil nag-aalala siya.
Sa totoo lang ay nag-alinlangan siya no'ng sinabi ni Sunoo na tuturuan niya si Yeji. Hindi niya kasi maipalagay sa isip niya kung anong gagawin ng kapatid niya kung maiiwang mag-isa si Sunoo kasama nito. Yeji's actions are hard to predict, more so because she's too young. Padalos-dalos ito at hindi nag-iisip kung minsan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi masabi ni Sunghoon ang relasyon nila ni Sunoo.
Gayunpaman ay hindi naman niya maaaring pigilan si Sunoo dahil nangako na ito.
"Okay naman. Nakikinig naman siya sa akin. I guess it runs in the blood?" pagngisi ni Sunoo.
"Mabuti naman. Mabait naman si Yeji kahit na gano'n kami magbangayan. She's kind to everyone, but she can be very sensitive and be selfish at times too."

BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanfictionSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.