Let your way in

175 7 3
                                        

Napatingala si Sunghoon nang maramdaman niya ang malakas na pagsipa sa kanyang upuan. Naniningkit ang mga mata niyang napalingon kay Jay.

"Nandiyan na si saem," saad ni Jay.

Agad na napatingin si Sunghoon sa harapan niya. Hindi niya na namalayan na nakaiglip na siya sa kanyang kinauupuan habang hinihintay ang kanilang guro. Apat na oras lamang kasi ang tulog niya kumpara sa mas mahaba niyang tulog noong hindi pa siya pumapasok sa eskwelahan. Bukod sa hating gabi na siya nakauwi mula sa bago niyang training schedule ay kailangan niya pang gumising nang maaga para maghanda ng almusal nila ni Yeji.

Napakamot si Sunghoon sa mga mata niya. Umayos siya nang upo at saka na napalingon sa kaliwa niya.

Nararamdaman at nakikita naman ni Sunoo sa peripheral vision niya na nakatingin si Sunghoon sa direksiyon niya. Nilingon niya ito at sakto namang inangat ni Sunghoon ang paningin nito mula sa braso ni Sunoo patungo sa mukha niya.

"Is that because—"

Napailing-iling si Sunoo nang mabilis pero hindi masyadong magalaw. Hinilig niya ang ulo niya patungo sa direksiyon nang likuran niya.

Napalingon naman si Sunghoon sa likuran ni Sunoo at nakitang tinititigan na siya ni Ni-Ki nang masama.

Kumunot ang noo ni Sunghoon.

Sino ba ang lalakeng ito at ganito ang reaksiyon ni Sunoo? Boyfriend niya ba ito kaya ganito na lang ito kung makatingin sa kanya? Ito ang mga tanong na lumilipad sa isip ni Sunghoon.

Napatingin na lang siyang muli kay Sunoo na muling iniling ang ulo nito. Wala na lamang siyang nagawa kung hindi ibalik ang tuon sa harapan. Pero sigurado siya na dahil sa nangyari kahapon kaya nakabenda ang braso ni Sunoo. He felt guilty and worried at the same time. Gusto niyang may gawin pero para bang may kung anong elementong handa siyang saksakin sa likuran niya pag may ginawa siya.

Matapos ang ilang oras na klase ay tumunog na ang batingaw ng eskwelahan, hudyat na oras na para sa tanghalian. Mabilis na nagtayuan ang mga estudyante upang magtungo sa kapiterya.

"Sunghoon-ssi."

Kakausapin sana ni Sunghoon si Sunoo pero kinalabit siya ni Jay. Agad niya itong nilingon.

"Tara?" pag-aya ni Jay.

"Ah, sandali la—" Nilingon niya ang upuan ni Sunoo pero wala na ito sa kinauupuan nito. Agad niyang hinanap ito sa paligid at nakita na lamang niya itong palabas na ng silid kasama ang lalakeng may masamang tingin sa kanya.

Napahinga na lamang si Sunghoon.

"Oh ano, tara?" pag-ayang muli ni Jay.

Tumango na lamang si Sunghoon at saka na sinundan si Jay.

"Ako na kukuha ng pagkain mo," alok ni Ni-Ki kay Sunoo pagkarating nila sa kapiterya.

"Hmmm, salamat, Ni-Ki," saad ni Sunoo.

Ngumiti lang si Ni-Ki at saka na sumunod na ito sa mga nakapilang estudyante. Napatingin naman si Sunoo sa paligid at saka na napangiti nang makita ang nakataas na kamay ni Jungwon habang winawagayway ito sa ere.

Agad na nagtungo si Sunoo sa pwesto ni Jungwon.

"'Bat 'di ka pa kumukuha ng pagkain?" tanong ni Sunoo nang makaupo na ito sa tapat ni Jungwon.

"Hinihintay ko kayo e."

"Ahhh... Sige na pumila ka na. Hintayin ko na lang kayo rito."

"Mamaya na padating ni Ni-Ki."

Napangiti si Sunoo. "Jungwon-a, hindi ako bedridden. Sige na, iwan mo na ako," pagpupumilit niya.

Let Me In (SunSun AU)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon