Crush

153 6 2
                                        

"Ginabi ka na ata."

Napalingon si Sunoo sa kaliwa niya at saka na napangiti nang malawak. "Heeseung hyung!" aniya.

Napangiti rin si Heeseung at saka na sinabayan maglakad si Sunoo.

"Busy ba ulit sa student council?" usisa niya.

"Hmmm," pagtango ni Sunoo. "Ikaw hyung, katatapos lang ba ng practice mo?"

"Hmmm... Marami akong t-in-rain na mga trainees ngayon," sagot ni Heeseung.

"Eh?"

Ngumiti nang bahagya si Heeseung at saka na nilingon si Sunoo. "Binigyan ako ng posisyon sa BigHit. Trainee representative na ako sa New Staff Development Team."

Napabuka ang bibig ni Sunoo. "Woah, daebak! Ang galing mo, hyung!" pagpuri niya.

Napayuko si Heeseung. "I'm still an idol trainee thou. Pero nagpapasalamat ako na na-recognize ako ng kompanya."

Tumango si Sunoo. "Achievement iyan, hyung. Proud ako sa 'yo," pag-ngiti niya.

Ngumiti rin si Heeseung.

"So paano iyan, hyung? Hindi ka na ba a-attend ng school? Lalo na ngayon at mas busy ka na."

"I'll still attend. Pero baka mas marami na iyong araw na hindi ako makapasok," sagot ni Heeseung.

Napanguso naman si Sunoo at saka na yumuko. Napatuon ang mga mata niya sa mga paa niyang naglalakad.

Nilingon siya ni Heeseung at saka na ngumiti. Kahit hindi masyadong maliwanag dahil tanging mga ilaw lamang mula sa mga street lamps ang nagpapa-ilaw sa kalsada, ay kitang-kita pa rin ni Heeseung kung gaano ka-cute ang ekspresyon ng mukha ni Sunoo.

Ipinasok ni Heeseung ang kaliwang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon at saka na may inilabas na bagay mula roon. Inilahad niya ito sa nakayukong si Sunoo.

"Woah, fox!" muling pag-ngiti ni Sunoo nang makita ang nasa kamay ni Heeseung.

Huminto si Heeseung sa paglalakad at saka na kinuha ang kaliwang kamay ni Sunoo. "Para sa 'yo iyan. Sumahod ako ngayon kaya naisipan kitang bilhan," aniya at saka na inilagay sa kamay ni Sunoo ang fox keychain na hawak niya.

"Ah, jinjja?" tauli ni Sunoo.

Halos wala nang itataas pa ang pag-angat ng mga labi niya habang nakatingin sa fox keychain na hawak niya.

"Gomawo, hyung," aniya habang nakatitig pa rin sa hawak niya.

Ngumiti si Heeseung at saka na hinawakan ang ulo ni Sunoo. Kyeopta—iyon ang salitang nasa dila niya habang pinagmamasdan si Sunoo. Pero hindi niya ito sinabi. He wanted to keep to himself what was really on his mind.

"Tara na, Sunoo-ah," pag-aya na lamang ni Heeseung.

"Hmmm," pagtango ni Sunoo at saka na naglakad silang muli.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay huminto rin sila sa mga kabahayan.

"Good night and rest well, Sunoo-ah," saad ni Heeseung.

Itinaas ni Sunoo ang kaliwa niyang kamay kung saan nakasabit sa daliri niya ang keychain na binigay ni Heeseung. Winagayway niya ito sa ere. "Good night, hyung. See you later," ngiti niya.

Ngumiti rin si Heeseung at saka na winagayway ang kanan niyang kamay.

Naglakad pa-atras si Sunoo habang tinitignan si Heeseung. "Good night, hyung."

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon