Siblings

65 3 0
                                    

Napalupaypay ang balikat ni Jake nang makita si Sunghoon na nakaupo sa gilid ng kalsada. Nakayakap ang mga braso nito sa dalawang binti nito, habang nakabaon ang ulo nito sa dalawa niyang tuhod.

Lumapit si Jake sa kaibigan. Lumuhod siya sa harapan nito at saka na napatuon ang mga mata niya sa mga paa ni Sunghoon na pulang-pula na.

Pumalatak ang dila ni Jake. "Sinasabi ko na nga ba," aniya at saka na ibinaba ang botang bitbit niya sa aspalto.

Inangat ni Sunghoon ang ulo niya nang marinig ang boses ni Jake.

Napabuga naman ng hangin si Jake. "Change your footwear and let's go to the hospital."

Napatingin si Sunghoon sa botang nasa aspalto. "Hanapin muna natin si Yeji," aniya.

Umiling si Jake. "You can't even walk," pagpapaalala niya. "Ako ng bahala kay Yeji. But let's go to the hospital first."

Napalingon si Sunghoon sa gate ng bahay nila Sunoo. He's been hoping that Sunoo would come out of that gate, but he didn't.

Naiintindihan naman niya kung bakit naging gano'n ang reaksiyon ni Sunoo. He had all the time to tell Sunoo about it, but he never did. He was busy contemplating how to tell Yeji that he forgot that he needed to tell Sunoo about Yeji's feelings.

But he knows it isn't an excuse. He had failed to be a responsible brother and a boyfriend all at once.

Napatuon ang mga mata ni Sunghoon sa dumating na taksi.

"Let's go," saad ni Jake at saka na tinulungan niyang makatayo si Sunghoon.



Meanwhile...



Napasinghot si Yeji, sabay punas sa mga mata niya nang makatungtong siya sa Mulbit bridge. Dumantay siya sa barandilya ng tulay at saka na tinanaw ang lawa.

Hindi pa rin nawawala ang epekto ng tanawin na ito sa kanya. It has always made her calm, ever since she was a kid. Kaya nga sa tuwing malungkot siya noon ay palagi siyang pinupuslit noon ng kuya niya para dalhin dito. Kahit ang kapalit noon ay samu't-saring sermon mula sa mama nila na tinatanggap naman nang malugod ni Sunghoon. Remembering those memories made her smile bitterly.

They were so close, but they suddenly grew and started bickering with each other. Nagsimula 'yon no'ng makapasok ang kuya niya sa National Team. Sunghoon had stopped playing with her; he had stopped bringing her into this bridge, and Yeji started growing up, forgetting how they were as kids. And now they even like the same person.

Hindi niya matanggap na ang taong nagugustuhan niya ay sa kuya pa niya napunta. She felt betrayed—no, she felt like his brother did not even care about her at all.

Lumayo si Yeji sa barandilya at maglalakad na sana siya nang may bumangga sa kanya. Napayuko siya sa batang babae na bumangga sa kanya na tumingala na rin sa kanya.

'She looks familiar,' Yeji thought.

Nagkatitigan muna sila nang sandali ng bata, hanggang sa nagsimulang umiyak ito.

"Wahhh!!!" hagulgol ng bata.

Hindi mapakali ang mga kamay ni Yeji habang iniisip kung paano patatahanin ang bata sa harapan niya.

"Yeji!"

Napatuon siya sa batang lalake na tumatakbo patungo sa kanila. Natigilan si Yeji dahil nakikita niya sa bata ang kuya Sunghoon niya no'ng maliit pa sila. Agad na lumapit ang batang lalake sa batang nasa harapan niya at lumuhod sa harap nito.

"Yeji, okay ka lang? Sabi ko kasi sa 'yo 'wag kang tumakbo e," malumanay na saad ng batang lalake.

Nakatitig lang si Yeji sa dalawang paslit na nasa harapan niya. The scene was familiar to her. It's almost as if she's watching a replay of an old movie.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon