Napabuga ng hangin si Sunoo habang naglalakad pauwi. Para kasing sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang mga katagang, Yes, I like you, Sunoo at ang huling mga salitang binitawan niya kay Sunghoon.
Napahinto siya sa paglalakad. "Bakit mo naman sinabi iyon, Sunoo? I'm sorry? Para mo naman siyang b-in-usted," aniya sa sarili.
Napailing siya. "Bakit? Ano ba dapat? Ligawan mo muna ako?" sagot niya sa sarili, sabay na ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa buhok niya at ginulo ang mga ito. "Sira! Anong pinagsasabi mo?!"
Hindi na niya maintindihan ang gusto niyang mangyari. Hindi naman niya naisip na may gusto talaga sa kanya si Sunghoon. Akala niya kasi ay pinagti-tripan lang siya nito palagi kaya hinarap niya na ito kanina. Gusto niya sanang tigilan na ni Sunghoon ang mga akto nito dahil nalilito siya sa nararamdaman niya kay Heeseung. Malay ba niyang may gusto pala talaga sa kanya ito.
Hindi siya handa sa biglaang pag-amin ni Sunghoon kaya hindi niya rin napag-isipan nang mabuti ang mga sinabi niya kanina.
Muli siyang naglakad nang mapatuon ang mga mata niya kay Heeseung na kalalabas lamang mula sa Convenience Store.
"Hyung!" pagtawag ni Sunoo.
Napalingon naman sa kanya si Heeseung.
Ngingiti na sana si Heeseung nang makita si Sunoo pero agad siyang napatingin sa paligid. Mabilis siyang nagtungo kay Sunoo at saka na hinawakan ang kamay nito, sabay na hinila niya si Sunoo palayo. Nagtataka naman si Sunoo sa kinilos ni Heeseung pero sumunod na lamang siya. Nagpasikot sikot sila sa mga eskinita na para bang may tinataguan sila.
Hinila ni Heeseung si Sunoo sa isang makipot na eskinita. Sa sobrang kipot ay halos magdikit na ang katawan nilang dalawa roon.
Napalingon si Heeseung sa labas ng eskinita. Nang makita niya nang dumaan ang lalakeng hinihinala niyang nagmamanman sa kanya at kumukuha ng mga litrato niya ay agad siyang nakahinga.
Napatingin siya kay Sunoo. "Sorry, Sunoo. Okay ka lang?" pag-aalala niya.
Napatingala si Sunoo sa kanya. "Hmm ayos lang, hyung," aniya.
Natigilan si Heeseung dahil napagtanto niya kung gaano sila kalapit ni Sunoo sa isa't isa. Madilim sa eskinita pero sapat pa rin ang liwanag mula sa labas upang makita niya ang mukha ni Sunoo. Napatingin siya sa mga mapupula at kaenga-enganyong mga labi nito. Napalunok siya habang napapatulala siya roon.
He knows he should not do it, but he could not control his mind while hearing Sunoo's breath and his body being so close to him.
"Sunoo-ya," bulong ni Heeseung.
"Hyung?"
Hinilig ni Heeseung ang ulo niya papalapit sa mukha ni Sunoo. Ngunit bago pa tuluyang madikit ni Heeseung ang mga labi niya kay Sunoo ay umiwas ito sa kanya.
"H-Hyung," tigalgal ni Sunoo.
Hindi niya maintindihan bakit gano'n ang naging reaksiyon niya. Was it because it was unexpected? Was it because he wasn't prepared for it? But why would he second-guess when he likes Heeseung? It had always been one of his dreams.
Napakurap si Heeseung at saka na nilayo ang mukha niya. "Mian, sunoo-ya."
He knows his action was out of the blue after running and hiding in such a narrow space. The situation and the place do not scream for a kiss. Pero hindi niya maiwasang madismaya sa pag-iwas ni Sunoo.
What was changed? Did Sunoo's feelings for him change? Was it because he did not confront his feelings? Or is it because of Sunghoon? He felt anxious, yet he did not have the right to. After all, he could not decide whether to express his feelings for Sunoo or put his career first.
![](https://img.wattpad.com/cover/352417840-288-k910717.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanficSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.