Isa-isang nagbabaan ang mga estudyante ng Chilbo Highschool mula sa dalawang bus na nakaparke sa labas ng Jaman Mural Village.
Maririnig ang tinig ng mga guro habang hinahanay at binibilang nila ang mga estudyante sa bawat seksyon—sinisigurong kumpleto at walang nawawala.
Abala naman ang mga miyembro ng Student Council sa pakikiugma sa Village Head at sa iba pang mga taga nayon na handang gabayan ang eskwelahan sa gagawing aktibidad.
"Kagaya po nang napag-usapan ay apat na aktibidad ang gagawin namin," paliwanag ni Jungwon kay Mr. Bang at sa iba pang mga taga nayon. "Una ay ang paglilinis ng kalsada. Kasama na po roon ang pagwawalis at pangungulekta ng mga basura. Pangalawa ay ang pagpipintura ng mga kumupas na myural. Pangatlo ay ang paglilinis ng mga ito, at sa pang-apat naman ay busking performance para sa lahat ng mga bisita."
Tumango-tango si Mr. Bang. "Ano pang hinihintay natin? Simulan na natin ang aktibidad!" anunsiyo niya.
Sa hudyat ng village head ay isa-isa nang nagsitungo ang mga estudyante sa kanya-kanyang nakatalaga sa bawat-isa. Bawat grupo ay may kanya-kanyang bitbit na mapa ng nayon na pinagpuyatang ayusin at markahan ni Sunoo.
Sa mga kupas na myural nagtungo ang klase nila Sunoo upang magpintura. Sa ibang klase naman nakatalaga ang pagwawalis at paglilinis.
Habang abala at seryosong nagpipintura si Sunoo ay napansin niya sa gilid niya ang panay na pagsulyap ni Sunghoon. Gusto sana niyang magpokus sa ginagawa niya kaya lang ay kanina niya pa ito napapansin.
Napalingon siya rito. "Mag-focus ka nga! Hindi ka naman yata nagpipintura e," turol niya.
"Paano ako magpo-focus sa pagpipintura e katabi kita," sagot ni Sunghoon.
"Eh kung ikaw kaya 'yong pinturahan ko?"
Napataas naman nang bahagya ang kanang kilay ni Sunghoon at saka na tumungo papalapit sa mukha ni Sunoo. "Mamarkahan mo na 'ko ngayon?" bulong niya.
Nasamid sa sariling laway si Sunoo at saka na umiwas ng tingin. "Puro ka talaga kalokohan," aniya at saka na dinikit ang hawak niyang paint brush sa kinukulayan niyang puso sa dingding.
Ngumiti nang bahagya si Sunghoon. Nagtungo siya sa likuran ni Sunoo at saka na dinikit ang katawan niya rito. Tumungo siya upang magpantay ang tingin niya sa tinitignan ni Sunoo, dahilan upang maramdaman ni Sunoo sa likod niya ang mainit na katawan ni Sunghoon at ang paghinga nito sa gilid niya.
Dinikit rin ni Sunghoon ang hawak niyang paint brush sa kinukulayan ni Sunoo. "Hindi matingkad iyong pagkakakulay mo. Dapat ganito kapula," bulong ni Sunghoon.
Pakiramdam ni Sunoo ay kailangan niyang ilipat ang nakaguhit na puso sa dingding, patungo sa loob nya dahil parang kakawala ang sarili niyang puso.
Alam niyang mainit ang panahon pero mas mainit ang katawan ni Sunghoon. Para siyang nakukuryente sa likuran niya. Idagdag pa na parang hinihila ang kaluluwa niya ng boses nito sa tainga niya.
Whenever Heeseung talks to him or does something unexpectedly, it always brings him butterflies. He would feel happy, and it would make him smile the whole day. But Sunghoon is different. While Sunghoon's actions give him butterflies, he makes him nervous too, as if he takes his breath away.
"E-Eh 'di ikaw na magtuloy!" lumayo si Sunoo mula sa harapan ni Sunghoon. "T-Tutal mas magaling ka pa lang magkulay," dagdag niya at saka na lumipat sa kabilang myural.
Natawa lamang si Sunghoon at saka na itinuloy ang kinukulayan ni Sunoo.
Matapos ang ilang oras na paglilinis at pagpipintura ay nagpahinga na ang mga estudyante. Ang iba ay nagtungo sa mga café, habang ang iba naman ay nagtungo sa rest area para manuod ng busking ng kanilang mga kaklase.
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanfictionSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.