"Ang lalim ata nang iniisip ng bestfriend ko."
Napalingon si Sunghoon sa boses na narinig. "Ikaw pala, Jake. Kakauwi mo lang?" tanong niya matapos makita ang kaibigan na nakausot ng uniporme.
Kagaya ni Sunghoon ay ipinatong din ni Jake ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng sementadong pader.
"Hmm," pagsang-ayon ni Jake. "Papasok na sana ako sa loob kaso nakita kita," dagdag niya.
Matalik na kaibigan ni Sunghoon si Jake. Nakatira lamang ito sa unit na katabi nang kanila Sunghoon.
"Ahhh..." Muling binalik ni Sunghoon ang paningin niya sa harapan.
"Ano ba iyang iniisip mo? Mukhang malalim ata," usisa ni Jake.
"Wala naman."
"Sus. Kilala na kita. Kapag nakakunot ang noo mo nang ganyan, siguradong may lumiligalig sa isip mo."
Napabuntong-hininga naman si Sunghoon. "May weird lang kasi na nangyari kanina," saad niya.
"Weird? Kagaya ng ano?"
Humarap si Sunghoon kay Jake at saka na ipinatong ang kaliwa niyang braso sa ibabaw ng pader. "Alam mo iyong feeling na may gusto ka sanang gawin pero biglang hindi mo magawa?"
"Ahhh!" Napailing-iling si Jake at saka na hinawakan ang kanang balikat ni Sunghoon. "Mahirap iyan, pre. Kailangan mo ng memo plus gold."
Agad na iniling ni Sunghoon ang kanang balikat niya. "Hindi iyon!"
Itinaas ni Jake ang kaliwa niyang kamay sa ere. "Ah, hindi ba? Linawin mo kasi. Mas malabo ka pa sa test paper e."
Napailing na lamang si Sunghoon. "Kanina kasi may lalakeng dumalaw kay Yeji. Sunbae niya sa Chilbo."
"W-W-Wait! Dumalaw? As in umaakyat ng ligaw? O boyfriend niya na?"
Lalong kumunot ang noo ni Sunghoon. "Hindi ah! Walang gano'n. At saka hindi ako papayag na maligawan si Yeji. Not on my watch," ismid nito.
Napa-atras naman nang bahagya ang ulo ni Jake sa narinig. "Not on my watch? As if naman mababantayan mo iyong kapatid mo. E lagi ka naman nasa training. Bihira nga lang kitang makita e."
"Ah basta. Hindi mangyayari iyon," pirming saad ni Sunghoon. Isinandal niyang muli ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng pader.
Nagkibit balikat na lamang si Jake. "Okay, sabi mo e. Pero anyways, mabalik tayo. So anong weird? Iyong lalakeng dumalaw kay Yeji?"
"Hmm," pagsang-ayon ni Sunghoon.
"Bakit? Panget ba siya? Mukha ba siyang alien? Mukha ba siyang kriminal?"
Natahimik nang sandali si Sunghoon. Inalala niyang muli ang hitsura ni Sunoo habang idinidiin niya ito kanina sa sofa. "Ani... He's actually... very pretty. He's even prettier than my sister."
Napataas ang kanang kamay ni Jake at saka na tinakpan ang bibig niya, matapos ay napangiti siya nang malawak.
"Okay, so—" Tumabi si Jake kay Sunghoon. "—apparently may gusto kang gawin dito sa sunbae ni Yeji. And let me guess, gusto mo siyang suntukin. But for some reason, hindi mo magawa?" nakangisi niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ni Sunghoon at saka na napatingin kay Jake. "Oo, t-tama! Tama, nakuha mo! 'Di ba ang weird?"
Napayuko naman si Jake at saka na natawa. "Yeah, weird. Ang weird na hindi mo alam," bulong niya.

BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanfictionSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.