FINALE

102 3 3
                                    

Napapaihip nang malakas na hangin si Sunoo, habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng tablet niya. Ang kaliwa naman niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ni Sunghoon.

"Babaliktad yata ang sikmura ko," saad ni Sunoo.

"Relax ka lang." Pilit na pinapakalma ni Sunghoon ang kasintahan.

Nakatambay sila ngayon sa isang café sa Seoul, habang hinihintay ang darating na e-mail mula sa Sungkyunkwan University. Ngayon kasi ilalabas ang resulta ng lahat nang nag-apply sa unibersidad.

"Hindi ko na kaya." Napatayo si Sunoo. "Ikaw na lang ang maghin—"

"Nandiyan na!" bulyaw ni Sunghoon.

Agad na napaupo si Sunoo at saka na napatingin sa screen. Isang bagong dating na e-mail mula sa Sungkyunkwan ang natanggap niya.

Nangangatog niyang pinagalaw ang cursor patungo sa e-mail na natanggap niya at saka siya napatingin kay Sunghoon.

Tumango si Sunghoon sa kanya.

Huminga nang malalim si Sunoo at saka na tumango rin. Napatingin siyang muli sa tablet at saka na naglakas-loob pindutin ang e-mail mula sa Sungkyunkwan. Pagkapindot niya ay napapikit siya nang mariin.

"Sunoo-ya..."

Dahan-dahang dinilat ni Sunoo ang mga mata niya at nang mabasa niya ang mga salitang, 'Congratulations! I am please to inform you that you have been accepted as a student of Department of Acting for Theater, Film & TV at Sungkyunkwan University.' ay napasigaw siya.

"Wahhh!!!"

Sabay na napatayo sina Sunghoon at Sunoo. Napayakap sila sa isa't isa nang mahigpit.

"Natanggap ako, hyung!" naiiyak na saad ni Sunoo.

Tumango-tango si Sunghoon. "I'm proud of you."

Napansin naman niya na nakatingin na sa kanila ang mga customers sa café. "Natanggap siya sa Sungkyunkwan," anunsiyo niya.

Nagpalakpakan naman ang mga customers sa narinig. May ilang nagsabi ng 'congratulations' kay Sunoo. Pati ang may-ari ng café ay binigyan pa sila ng libreng slice ng cake.

"Congratulations," saad ni Sunghoon habang pinupunusan ang mga mata ni Sunoo.

"Gomawo, hyung."

Ngumiti si Sunghoon. "I know you can do it," aniya.

Ngumiti rin si Sunoo at saka na pinunasan ang mga mata niya. "Sasabihin mo na ba sa akin anong sinadya natin dito?"

Niyaya lang kasi siya ni Sunghoon na bumyahe patungong Seoul. Ang sabi lang sa kanya nito ay malalaman niya kung anong sinadya nila rito matapos nilang makita ang resulta ng application.

Ngumiti si Sunghoon. "Hmm," pagsang-ayon niya. "Pero hindi rito," aniya at saka na inilahad niya ang kamay niya kay Sunoo.

Napatingin si Sunoo sa kamay ni Sunghoon. Ngumiti siya at saka na hinawakan ito.

Lumabas sila ng café. Pumara si Sunghoon ng taksi at saka na binulong ang address sa drayber nito. Tumango naman ang drayber sa kanya.

"'Bat may pabulong pa? May surprise ka ba?" natatawang tanong ni Sunoo nang makasakay na sila ni Sunghoon sa loob ng taksi.

Napabuka ang bibig ni Sunghoon. "Woah... Iba talaga ang mga estudyante ng Sungkyunkwan. Ang galing niyong manghula," aniya at saka may inilabas siyang panyo mula sa bulsa ng pantalon niya.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon