Will you be?

79 5 9
                                    

Sunoo's days became miserable. At least for him. Mas may lalala pa pala sa hindi nila pag-uusap ni Sunghoon no'ng mga nakaraang araw. Mas malala pa pala na hindi niya ito nakikita.

He's been staring at Sunghoon's desk for days, as if he'll be summoned if he stares at it too much. He's been marking his calendar for Field Day. Not because he is excited for the event, but because Sunghoon will come on that day.

At hindi rin nakaligtas ang second grading exam results kay Sunoo dahil sa unang pagkakataon ay natalo siya ni Jungwon sa ranking. Mula sa top one ay nagkapalit sila ng pwesto ni Jungwon sa top two. Pero sa una ring pagkakataon ay walang pakealam si Sunoo sa naging resulta ng eksam. He was so focused on watching Sunghoon's tournament on stream that it made him jump in too much joy when Sunghoon grabbed the gold medal.

Nangingiti siyang pinapanuod ang performance ni Sunghoon sa kanyang cellphone, habang nakaupo siya sa loob ng bus patungong eskwelahan. Ilang beses na niya itong napanuod pero hindi pa rin siya nagsasawang panuorin ito.

Paano ba naman siya magsasawa kung napaka-elegante nang bawat pag-galaw ni Sunghoon sa ice rink? Alam niyang ilang beses na niyang nakitang gumalaw ito sa loob ng ice rink. Pero iba pala kapag totoong nagpi-perform na ito kaysa no'ng training. At isa pa, iba ang noon sa ngayon.

Napatigil si Sunoo sa panunuod nang makarating na ang sinasakyan niyang bus sa babaan patungong Chilbo High. Agad niyang itinago ang hawak niyang cellphone at saka na nagmamadaling bumaba ng bus.

Nang makababa na siya ay mabilis siyang naglakad patungo sa Chilbo. Inaabangan niya talagang dumating ang araw na ito—ang araw ng field day.

Napahinto siya sa tapat ng gate ng Chilbo High at napatingala sa napakalaki at napakahabang banner na nakapaskil sa entrance. Napangiti siyang nang mabasa ang nakasulat dito—Congratulations and Welcome back, Ice Skating Gold Medalist, Park Sunghoon. Katabi noon ay ang larawan ni Sunghoon.

Lalo siyang nakaramdam ng pagkatuwa. Iniisip niya kung nakita na ba ito ni Sunghoon. Sa palagay niya ay siguro naman dahil napakalaki nito para hindi mapansin ni Sunghoon. Dumeretso na lamang siyang papasok sa eskwelahan.

Kaliwa't kanan ang makikitang mga estudyante sa labas ng mga gusali. Maririnig ang hiyawan sa iba't ibang sulok ng eskwelahan dahil sa iba't ibang paligsahan na idinadaos.

Habang abala ang lahat ay abala rin ang mga mata ni Sunoo na nililibot ang tingin sa paligid. Ilang oras na kasi ang nagdaan at ilang kompetisyon na ang lumipas ay hindi pa rin niya nakikita si Sunghoon.

"Dadating ako sa Field day."

Paulit-ulit inaalala ni Sunoo ang pangako ni Sunghoon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

"Sunoo-yah."

Napalingon si Sunoo. "Heeseung hyung," aniya.

Napatingin naman si Heeseung sa paligid at saka na muling ibinalik ang paningin kay Sunoo. "May hinahanap ka ba? Parang kanina ka pa may hinahanap."

"Ah, w-wala, hyung," dahilan na lamang ni Sunoo. "Ikaw, hyung, may kailangan ka ba? Kailangan mo ba ng tubig?" tanong ni Sunoo at saka na tumungo siya sa freezer na nasa tabi niya. Nasa medical and food supplies booth kasi siya.

"Hindi. Hindi. Okay lang ako. Ikaw talaga ang sinadya ko," sagot ni Heeseung.

Humarap muli si Sunoo kay Heeseung. "Ah, ano iyon, hyung?"

Ngumiti nang bahagya si Heeseung. "'Di ba may promise ka sa 'kin? You said you'll root for me," pagpapaalala niya.

"Ahhh! Oo naman, hyung. Hindi ko nakalilimutan," ngiti ni Sunoo. "Iyon lang ba?"

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon