Nanlaki ang mga mata ni Sunoo nang makita ang mahabang listahan na nakapaskil sa School Bulletin Board. Hindi dahil nakasulat sa unang numero ang pangalan niya, kung hindi dahil sa pangalan ni Sunghoon na nasa numero dalawampu.
Napalingon siya kay Sunghoon na tulala sa tabi niya habang nakatuon ang mga mata nito sa listahan.
"Hyung!" masayang tawag ni Sunoo. Napatingin si Sunghoon sa kanya. "Nagawa mo! Nakapasok ka sa top twen—"
Naputol ang sasabihin niya nang niyakap siya ni Sunghoon.
"Nananaginip ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Sunghoon.
Napalitan ng ngiti ang pagkagulat ni Sunoo. Niyakap niya rin si Sunghoon. "Does this feel like a dream?"
Ngumiti si Sunghoon. Kung panaginip lang ito ay ayaw na sana niyang magising. Kaso napagtanto niyang nasa reyalidad sila dahil sa napakalakas na pag-ubo sa gilid nila.
Agad na bumitaw si Sunoo kay Sunghoon nang mapagtanto niya ang ginagawa nila. Hindi niya rin alam 'bat ginawa niya iyon. Pero ang alam niya ay masaya siya para kay Sunghoon.
Napalingon siya kina Jungwon at Ni-Ki na nakatingin na sa kanilang dalawa.
"Congrats, hyung," bati ni Jungwon at saka na nilahad ang kanang palad niya kay Sunghoon. "I'll drop the formalities. We are all friends now, aren't we?" tanong niya.
Hindi naman sa hindi naging maganda ang impresyon ni Jungwon kay Sunghoon dahil sa nangyari rito at kay Ni-Ki. Katulad ni Ni-Ki ay gusto lang rin masiguro ni Jungwon na hindi napapalapit si Sunoo sa mga maling tao. He did judge Sunghoon at first. Atleta rin siya, pero para sa kanya ay iba ang mga atleta na kagaya ni Sunghoon na ngayon lang pumasok sa eskwelahan. Pakiramdam niya kasi ay pabaya ang mga ito sa pag-aaral. One of his biggest pet peeves are irresponsible people.
Pero ngayon ay napatunayan niyang tama ang sinasabi palagi ni Sunoo sa kanya. For someone who did not attend school for years, he did an amazing job of entering the twentieth spot out of one hundred fifty senior students.
It made him acknowledge Sunghoon.
Napatitig naman nang sandali si Sunghoon sa palad ni Jungwon. No'ng nakaraan lang kasi ay nababahala siya kung may pagkakataon bang mapalapit siya sa mga ito.
Ngumiti siya nang bahagya at saka na kinamayan si Jungwon. "Thank you," aniya.
Ngumiti rin si Jungwon at saka na napatingin kay Ni-Ki. Tumango siya rito.
Napahinga si Ni-Ki at saka na nilapitan si Sunghoon. "Congrats," aniya at saka na nilahad ang kamay niya.
Kinamayan din siya ni Sunghoon. "Thank you."
Mabilis ding inialis ni Ni-Ki ang kamay niya mula kay Sunghoon at saka na nilayo ang tingin niya.
Napangisi lamang sina Jungwon at Sunoo sa reaksiyon nito.
"Pero, hyung, hindi ibig sabihin na magkaibigan na tayo e tinatanggap ka na namin para kay Sunoo, ah?" saad ni Jungwon.
Napakurap si Sunghoon sa narinig at saka na napabuka ang bibig niya.
"Jungwon-ah!" tigalgal ni Sunoo.
"E kasi 'di ba, nanlili—"
Naputol ang sasabihin ni Jungwon nang takpan ni Sunoo ang bibig niya. "'Di ba nga sabi ko hindi?" bulong na may kasamang pagririin ni Sunoo kay Jungwon.
Napatingin si Sunoo kay Sunghoon at saka na napangiting aso. "Huwag kang makikinig dito. Sa sobrang daming ginagawa sa student council e kung ano-ano nang pumapasok sa utak niya," aniya.
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanficSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.
