Nag-aalangang hinakbang ni Sunoo ang mga paa niya sa yelo, habang nakasuot siya ng skates. Tinuon niya nang maigi ang mga mata niya sa bawat tapak niya-sinisigurong hindi siya madudulas dito.
Nangingiti namang tumalilis si Sunghoon patungo sa harapan ni Sunoo. Inihain niya ang dalawa niyang kamay na agad namang tinignan ni Sunoo.
"Hold on to me if you're scared," alok ni Sunghoon.
"I-I'm fine-" pagtanggi ni Sunoo at saka na humakbang, pero agad din siyang nawalan ng balanse.
Mabilis na nahawakan ni Sunghoon ang mga braso niya.
"So, are you still fine on your own?" tudyo niya. "Kung gano'n-" binitawan niya si Sunoo ngunit agad na hinawakan nito ang mga braso niya.
"F-Fine!" nahihiyang utal ni Sunoo. "Just for a bit. Kailangan ko lang masanay."
Napangiti naman si Sunghoon at saka na hinawakan ang mga kamay ni Sunoo.
"I'll guide you. Sundan mo lang ako," aniya.
Tumango si Sunoo. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ni Sunghoon.
Sunghoon had never thought he'd see Sunoo with a worried expression. He would always act strong in front of him, but now that he sees a different side of him, he can't help but adore him.
Tama nga ang naging pasya niyang yayain ito rito.
Maingat at marahang naglakad si Sunghoon nang patalikod, habang nakaalalay kay Sunoo. Sinundan naman siya nito habang nakapokus ito nang maigi sa bawat paghakbang nila.
Pinagmamasdan ni Sunghoon si Sunoo habang nakatungo ito sa ibaba. He could not see his face very well but he knew from Sunoo's relaxed grip on his hands that the latter is finally getting the hang of it.
"Shoud we go a little faster?" suwestiyon ni Sunghoon.
Tumango si Sunoo at saka na napatingin kay Sunghoon. "Hmmm," huni niya.
Ngumiti nang bahagya si Sunghoon at saka na humakbang nang mas mabilis kaysa sa kanina.
Napabuka ang bibig ni Sunoo dahil sa pagbilis ng galaw ni Sunghoon. Napabilis din ang paghakbang niya sa yelo at saka na napangiti siya nang malawak, dahil sa nakatutuwang pakiramdam na dulot nito. Nararamdaman niya ang lamig na tumatama sa pisngi niya habang pumapadausdos sila ni Sunghoon sa yelo.
Unti-unting binitawan ni Sunghoon ang mga kamay ni Sunoo. Nag-alangan no'ng una si Sunoo pero bago siya tuluyang bitawan ni Sunghoon ay maingat nitong pinisil ang dulo ng daliri ni Sunoo.
Sunoo felt the assurance from his touch.
Bumitaw si Sunghoon at saka na ngumiti. "Catch me," aniya at saka na mas mabilis itong nagpadulas sa yelo habang nakaharap at nakatingin pa rin kay Sunoo.
Napangisi si Sunoo at saka na mas mabilis na humakbang sa yelo. Sunghoon was not holding him anymore, but his gaze at him while swiftly sliding his feet on the ice was enough for Sunoo.
Nakatingin lamang siya kay Sunghoon habang kusang gumagalaw ang mga paa niya sa yelo. He felt happy.
Nanumbalik muli sa kanya ang pakiramdam no'ng una niyang sinubukang mag ice skate no'ng bata pa siya. He felt the same excitement and thrill as before. Sure, he was very happy when he first got a hold of his hapkido black belt. He was also glad when he won as Vice President of the Student Council. But those could not be compared to what he's feeling right now. He had never felt this exhilarated.
And he never knew he'd feel this in the presence of a man he'd just met for a week.
Napangiti si Sunghoon habang hinahabol siya ni Sunoo. Kitang-kita niya ang malawak na pag-ngiti nito. This was the smile he was longing to see-the smile he wanted Sunoo to show only to him.
BINABASA MO ANG
Let Me In (SunSun AU)
FanficSunghoon's younger sister is in love with the guy, named Sunoo.