Hiding

87 5 0
                                    

"'Bat mo naman kasi hinabol 'yong bus?" tanong ni Sunghoon habang karga-karga niya si Sunoo sa kanyang likuran.

Naglalakad ito patungo sa bahay nila Sunoo upang ihatid ito sa kanila.

"Hindi naman kasi sana mangyayari 'yon kung hindi ka umalis bigla kanina," sagot ni Sunoo.

"What do you expect me to do after hearing what you said to Heeseung?"

Napahinga si Sunoo. "It was just a misunderstanding," sagot niya. "Sinabi ko lang na gusto ko siya pero hindi na kagaya nang dati. I already like someone else."

Napangiti si Sunghoon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na gusto rin siya ni Sunoo. Hindi pa nga tumatatak sa utak niya na sila na.

"Mabigat ba ako?" tanong ni Sunoo.

"Hmmm... Medyo," sagot ni Sunghoon na nag-ani nang mahinang hampas mula kay Sunoo.

"Baba mo ko ro'n," turo ni Sunoo sa malapit na playground.

"Joke lang," bawi naman ni Sunghoon.

"Ibaba mo ko," pagpupumilit ni Sunoo. "I want to see your face."

Ngumiti nang bahagya si Sunghoon. "Arasseo."

Nagtungo si Sunghoon sa playground at saka na ibinaba si Sunoo sa may hagdan. Umupo naman si Sunoo roon habang lumuhod naman si Sunghoon sa kanyang kanang tuhod, habang nakaharap kay Sunoo.

"How's this? Can you see my face now?" tanong ni Sunghoon habang nakatingala kay Sunoo.

Hinawakan ni Sunoo ang magkabilang pisngi ni Sunghoon at saka na pinagmasdan ang mukha nito. "Ne," sagot niya.

Ngayon niya lang kasi matitignan itong muli nang maigi mula nang bumalik ito galing Thailand.

Binitawan ni Sunoo ang mga pisngi ni Sunghoon at saka na tumungo siya upang hagkan ang leeg ni Sunghoon.

"I miss you," bulong ni Sunoo. "I realize it the moment you left."

Niyakap din ni Sunghoon si Sunoo. "I miss you more. You don't have any idea how much I'm dying to see you."

Bumitaw si Sunoo kay Sunghoon at saka na sinuntok niya ito sa braso. "Eh 'bat hindi mo ako tinawagan?" ismid niya.

Napahimas naman si Sunghoon sa braso niyang sinuntok ni Sunoo. "How could I do that when you rejected me?"

"Hindi kita ni-reject, okay? I mean... That wasn't my intention. Nabigla lang ako," paliwanag ni Sunoo. "Bottom line is, sana tinawagan mo 'ko kung nami-miss mo ko."

Natawa naman si Sunghoon. "Arasseo. Tatawagan na kita sa susunod—oras-oras, minu-minuto," aniya.

Napangiti si Sunoo. "'Bat ka nga pala nandoon kanina sa supply room area? May sasabihin ka ba dapat sa 'kin?" usisa niya.

"Ah." Ipinasok ni Sunghoon ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon at mula roon ay may inilabas siya. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'to," aniya at saka na ipinakita ang hawak niya kay Sunoo.

"Woah," tauli ni Sunoo at saka na kinuha ang gintong medalya na hawak ni Sunghoon. "Ibibigay mo sa 'kin 'to?"

"Sana," sagot ni Sunghoon. "Because you helped me a lot for the past months and also... I was about to give you that as a parting gift. Alam mo na. Baka hindi na tayo magkita ulit after graduation."

"Then—" Kinuha ni Sunoo ang kanang kamay ni Sunghoon at ibinalik sa palad nito ang medalya. "—hindi ko tatanggapin 'yan."

Napatingin si Sunghoon sa medalya, matapos ay kay Sunoo.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon