Chapter 1

37.8K 630 300
                                        

Chapter 1

I've learned not to carry the weight of every little thing. Worry only fogs the mind, and I like my peace clear that is wide enough to breathe and wide enough to move. So I choose what sparks joy, what feels simple, what makes my shoulders drop and my smile come out without effort. I act on what lights me up, even if I don't know where it will lead. Not everything needs a blueprint. Some things just need to be lived.

I'm not in a race with the future. I'd rather be here at the present, being awake while noticing the moments that make my world feel alive. When I can speak, laugh, and move in a way that feels honest, that's enough for me. It's valid to follow what feels right, even if others might not understand.

Siguro nga ay nakasanayan ko na iyon. There are moments when I'm carefree, even while curiosity tugs at me from the inside. Maybe, deep down, I'm running from something. Hindi ko alam. Or maybe I'm just afraid of something I can't name. Hindi ko rin alam.

Kaya naman ngayon, kahit ubos na ubos na ang pasensya ko sa dalawa kong kaibigan, okay lang. Doon sila masaya, e. Huwag na natin ipagkait. Sana hindi pa sila kunin ni Lord.

"Hindi naman kayo nasagasaan. Na-injured kayo dahil sa pagtama niyo sa lupa. Which is a good thing dahil magiging malaki ang kasalanan ko kung sakali! Hehe!" paliwanag ni Jester nang makapasok siya sa rito sa clinic. "Sorry, Rize! Sana maulit!"

Mabilis ko siyang binato ng unan na agad naman niyang nasalo habang tumatawa. Diniretso na nila ako rito sa infirmary matapos ng aksidente kanina sa kalsada. Tapos ngayon nandito na naman ang tukmol na Jester para lang sirain at painitin ang ulo ko. Lakas niyang mang-asar, e.

"Sorry na talaga, idol! Libre na lang kita sa susunod!" pagsuyo niya na ikinangiwi ko.

"Sige, kailan ba?" agad kong pagsang-ayon.

Tyaka naman natawa si Davin sa tabi ko. "Galing mo, Rize. Idol na idol talaga kita. Asan pa ba ang masakit? Sino sa tingin mo ang may kasalanan niyan?" aniya. "Sayang tuloy, 'di ko nakita ang perfect dive! Jester, pa'no ba kasi ang nangyari?"

"Gan'to kasi 'yan, par-"

He stopped midway when I attempted to throw my shoe at him. Gagatungan pa talaga. Ikukuwento niya pa talaga. Hindi na lang manahimik!

"Talaga ba, Davin? Edi sana pina-tattoo mo sa noo mo," sabi ko at inambahan na rin siyang babatuhin ng unan.

"True, ipa-tarpaulin pa kita kamo. Kasi nga idol kita!" Tumango siya. "Concerned na nga 'yong tao sa 'yo, e! Pambawi na 'to kasi binigyan mo 'ko ng sagot para sa quiz sa DISS!"

"Hoy, anong sagot?! Nagbigay ka ng sagot, Rize?! Napaka-daya mo naman! Susumbong kita kay Sir DISS!" Nanlaki ang mata ni Jester, akala mo na-traydor.

"O sige, ibigay ko sagot ng one to ten items," gatong ko pa, pero nagbibiro lang naman ako.

"'Di mo agad sinabi. Ano bang sagot? Teka, kukuha ako ng papel para malista!" Siya pa ngayon ang nagmadali kahit wala naman siyang mahanap na papel sa bag niya.

"Tignan mo 'to! 'Wag nga kayong mamihasa! Hanggang one to ten lang ang natandaan ko, ha!" Suminghal ako dahil nag-uumpisa na naman sila.
"Chupi!"

Tinawanan lang nila akong dalawa nang sabay. Hindi pa sila nakuntento at pinagtututuro pa ang mukha ko sunod ay sa binti. Akala mo magkadikit ang mga pusod nila sa ginagawa nila. Over sa tawa, ha? Sana mapasukan ng langaw 'yang bibig niyo!

Traversing with the Infinity (Sun Rays #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon