Chapter 9
"Sweet! Tuturuan na lang kita!" masigla kong pahayag.
He was clearly stunned by my words, his mind still trying to catch up from what happened. I laughed a bit as I slowly waved my hand in front of his face, playfully nudging him back to reality. Natulala na yata siya.
Anong nangyari sa isang 'to?
"Hello, Jayscen? Sabi ko tuturuan kita," wika ko at kumurap-kurap. "Mukhang ayaw mo yat—"
"A-Are you sure, Ritienzy? Okay, I would like to," He finally replied, his cheeks aflame while trying to avoid my gaze.
I flashed him another thumbs-up while grinning. Mabuti naman at um-agree siyang tuturuan ko siyang mag skateboard. I'm honestly looking forward to it now.
Nagpaalam muna saglit si Jayscen na babalik na sa boarding house dahil mayroon pa siyang gagawin. I also mentioned that I will teach him how to skateboard this afternoon. I told him I'd teach him later at Ground One, iyon ang lugar kung saan ako madalas mag skateboard, lalo na noong inaaral ko pa lamang ito.
Ground One was a large open space that seems to have been created specifically for skateboarders to hang all around. At that place, I made countless friends who share my passion for skateboarding. Iyon ang lugar na isa sa ituturing kong safe place. Bukod sa friendly at masayang kasama ang mga tao roon, sobrang welcoming pa nilang lahat. Iniisip ko pa lang na dadalhin ko si Jayscen doon mamaya ay hindi ko na mapigilang ma-excite.
Since I have already finished making my notes, I will just read through them when I have some free time. Time freeze muna, ano! Kailangan ko naman ng break sa acads kahit hindi ako nag-aaral nang mabuti. Charot-charot lang ba. Hindi ko lang masyadong pinipilit ang sariling ipasok nang isahan ang lahat ng kaalaman sa utak ko.
Ang payo sa akin ni Lolo Kenzy, hindi ako makakapag-focus sa pag-aaral kung pagpapatunay sa ibang tao ang iniisip ko. At tama siya. Matagal ko ring naisip na iyong bigat na nararamdaman ko ay dahil sa exam mismo—pero ang totoo, galing pala 'yon sa takot kong hindi matugunan ang inaasahan ng iba.
Ngunit ngayon, natutunan kong huwag pagtuunan ng pansin ang sasabihin nila. Nagkataon lang na noong bata ako, hilig kong mag-aral dahil nakakatakot iyong mga teacher ko no'ng elementary. At isa pa roon, kakilala nila si Mama kaya pakiramdam ko, bantay-sarado ako sa school at kailangan maging well-behave.
That's why learning shouldn't be about impressing people. It should be about growing at your own pace; about understanding things because we want to, not because we're afraid to fail someone else's standards. It's always within ourselves—that if we study with the right purpose, pressure turns into progress.
"Lolo Kenzy, punta po ako sa Ground One, ha! Kasama ko po si Jayscen," paalam ko kay Lolo Kenzy nang makapag-ayos na ako ng sarili dala ang skateboard ko, handa nang lumabas. "Alam mo na, tuturuan ko po siya, e! Magaling pa naman akong magturo!"
Three o'clock na ng hapon na at siguradong sa ganitong oras ay madami nang nakatambay sa Ground One. Hindi na rin masyadong nakakapaso ang sinag ng araw sa ganitong oras kaya perfect timing talaga ito na turuan ko si Jayscen na mag-skateboard.
"Sige lang, apo. Kapag natuto na siya, dito mo na siya pagbilhin ng skateboard ulit, ha," tugon niya at nag-money sign. At tinuloy niya na ang paglilinis ng mga skateboard na kakatapos niya lang ayusin.
BINABASA MO ANG
Traversing with the Infinity (Sun Rays #1)
Romance✔ | Sun Rays Series #1 Ritienzy, a social butterfly from HUMSS, wears her carefree smile like armor. Palakaibigan siya, oo, pero hanggang do'n lang. Ever since she witnessed her parents' love collapse, she learned to keep her heart at arm's length...
