Chapter 3

24K 461 195
                                        

Chapter 3

"Angas naman ng windbreaker jacket mo, akin na lang, oh!" puna ni Davin sa akin, labas-ngipin pang nakangiti, excited na excited. "Pa-arbor, dali!"

"Kay Jayscen 'to, manahimik ka!" basag ko sa excitement niya sabay kagat sa oreo churros na binili ko pa sa mga Grade 12. Bakit ko naman ipapa-arbor 'to, aber? "Pinahiram na nga lang sa 'kin, hihiramin mo pa. Hanap ka magpapahiram sa 'yo!"

"Nye! Akala mo hindi kaibigan!"

"Huwag mo nang ipilit. Baka kung ipahiram ko sa 'yo 'to umasim pa." Inilingan ko siya. He just sticked his tongue as he simply scratch his forehead silently using his middle finger.

"May hindi maisasali sa rank game mamaya. Jester, block mo 'yong isa r'yan!" ganti niya.

"Sige, 'pag nag-spike siya," sagot ni Jester.

"Tanga talaga. Puro volleyball kasi nasa utak!" reklamo ni Davin.

"Gusto mo matamaan na naman ng bola sa ilong, ha?" hamon naman ni Jester. Napahawak ako sa sentido dahil mukhang magtatalo pa sila. Pareho ko tuloy silang tinulak para paglayuin.

Nakabalik na ako sa HUMSS building, saktong nakasalubong ang dalawang kumag na 'to para lang magtalo. Wearing Jayscen's jacket, which he had offered me earlier, was the very first thing they noticed. Jayscen's windbreaker jacket was oversized on me. With his height and broad shoulders, I feel like the jacket has completely swallowed me whole. Pero hindi naman ako nag-ko-complain. It was actually comfortable.

I'm not sure if it was the school's plan or just fate, but the HUMSS building got more cold—bagay na hindi naman nangyayari madalas—making his jacket feel like a warm hug around my body. I could smell his gentle scent from it. I wonder if Jayscen have an extra jacket? Paano kung lamigin siya sa room nila?

Dapat ko na bang ibalik 'tong jacket niya?

"Hala, ang beshy ko ay namumula!" Sinipat ni Jester ang leeg ko sumunod ang noo. Mukhang tapos na silang magtalo ni Davin kaya ako naman ngayon ang pinagtutuunan niya ng pansin. Tinampal ko tuloy ang kamay niya kaya agad niya naman itong iniwas.

"Nilalagnat ka yata, e," komento ni Davin sabay kagat sa ice cream mochi niya. "Feel na feel niya naman! Basta may hindi talaga sasama sa rank game mamaya!"

"Nagseselos ako, hmp! Si Jayscen pala, ah!" Jester pouted in frustration, even crossing his arms over his chest. "Sa bubong ka matutulog mamaya!"

"Baliw ampucha." Ngumiwi ako at umaktong nanginig. "Bakit ba, anong problema niyo, ha?" Kunwari ay iritado ako.

"Madami."

"Tulad ng?"

"Sira na naman bike ko. 'Di ko tuloy magamit," reklamo ni Jester. He leaned closer to the window and stared outside. Nagtinginan kami ni Davin.

"Okay lang 'yan, par. Kasama mo naman akong magko-commute. Ayaw mo no'n, 'di ka na mahahabol ng aso 'pag nag-tricycle ka." Davin tapped Jester's shoulder.

"Paano ba kasi nasira?" I got curious too. Knowing Jester's situation, I feel like it's something I just couldn't ignore.

"Sinira." He scowled. Parang napikon pa siya nang may maalala. "Hay, bahala na nga!"

"Kailangan mo ba ng pampaayos?" I asked, trying to be sensitive now. Naisip ko kasi bigla ngayon  na baka ang sumira na naman ng bike ni Jester ay 'yong kuya niya. He never gives him a break.

"Hindi. Ako na bahala ro'n. May mga kakilala naman akong p'wedeng mag-ayos no'n."

Davin chimed in. "O baka kailangan mo na ng bago, par. Ako ang bahala—"

Traversing with the Infinity (Sun Rays #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon