Chapter 5

19.4K 421 209
                                        

Trigger warning: mention of death/suicide.

Chapter 5

It's hard to move on from the pain you've faced over the days. But I have learned to radically accept that people are not meant to stay forever. I realized that everything eventually fades away.

That's how deep the wound in my heart was when Mama left me, and us. Now that I have woken up, I find myself thinking about her again. I must have dreamed about her, yet I can't remember a single thing.

Minsan natatagpuan ko na lang ang sariling basa ang mukha at pisngi ko dahil sa luha tuwing gigising ako, mabigat ang dibdib ko, pero hindi ko naman maalala iyong mga napanaginipan ko.

Those wounds may have faded, but even the slightest touch threatens to break them open again. Healing isn't always about forgetting; it's about learning to carry the pain without letting it consume you. The unanswered questions may linger, but sometimes, peace comes not from finding every answer, but from accepting that some things are meant to remain unknown.

Pero kahit ganoon, mahirap ikatahimik ng loob kung may mga bagay na mas mabuting malaman ko. Ngunit huli na nga ang lahat dahil si Mama, na siyang dapat nagpaliwanag sa 'kin, ay wala na.

"Apo, hindi ka pa ba babangon?" Nagising ko nang tuluyan dahil sa boses ni Lolo Kenzy mula sa labas ng kuwarto ko.

"Gising na po, lo!" sagot ko sa kanya.

"Buksan ko na 'tong pinto, ha? May ibibigay din pala ako sa 'yo," malumanay niyang saad. After that, he opened my room door. I was met with his mischievous, giggling expression, which honestly creeped me out. Mukha kasing maganda ang mood niya, umagang-umaga pa lang.

"Ano 'yang dala mo, lo? Good mood ka po yata?" tanong ko bago humikab.

"Kanina kasi may dumaan r'yan sa harapan na nagtitinda ng mga fresh na prutas. Iyong mga naka-kolong-kolong. Ito oh, strawberries, paborito mo," buong galak niyang sabi. Binigay niya sa akin ang isang malaking supot na puno ng strawberries.

"Ang dami nito, lo! Grabe ka na!" sagot ko, kahit halata naman sa boses kong tumalon ang tenga ko dahil doon.

"Madami talaga hanggang magsawa ka." Tumawa siya.

"As if naman." I chuckled.

"Okay ka lang ba? Halata sa mga mata mong umiyak ka, e. Kagigising mo lang kaya nag-alala tuloy ako kung ano nang nangyari sa 'yo." Halata sa tono ni lolo na worried siya.

"Hindi ko po talaga alam, lo. Para namang may bago. 'Di ba madalas naman 'tong nangyayari sa 'kin? Gigising na lang akong umiiyak, tapos wala manlang akong maalala sa napanaginipan ko kung bakit nga ba ako umiiyak." Nagkibit-balikat ako.

Umupo siya sa tapat ko bago guluhin ang buhok ko. "Baka naman may nami-miss ka. Si Mama mo ba?"

I shrugged. "Hindi ko rin po alam."

"Sabihin mo lang kung gusto mo siyang dalawin. Sasamahan kita. Magdadala rin ako ng bulaklak, ako na ang bahala," dagdag niya."

"Ano ka ba, lo, hindi na po kailangan. Nadalaw ko naman na po siya noong bakasyon. Okay lang po ako, 'wag kang mag-alala," I assured him and smiled.

"'Di bale, buti na lang at may strawberries ka na. Kainin mo 'yan para maibsan iyang bigat ng nararamdaman mo. Alam ko naman na mood lifter mo iyan."

"Thank you, lo. Napaka-thoughtful mo talaga," I praised him jokingly kaya mas lalo pa siyang naging pilyo.

"Pogi pa," dagdag niya at nag-pogi sign.

Napailing na lang ako habang pinanonood ang likod niya. Lumabas na rin naman siya agad sa kuwarto ko. Nang mag-isa na lang ulit ako sa kwarto, bumuntonghininga ako at nag-isip-isip habang nakatanaw sa bintana na katabi ko lang.

Traversing with the Infinity (Sun Rays #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon