Chapter 6
I proved to myself that I'm still a coward. I want to move forward, really, pero sa tuwing naaalala ko si Mama, it's like everything inside me crumbles, and there's nothing I can do to stop it. Just when I think I'm okay, just when I convince myself that I can't be hurt anymore. . . it all feels like a fragile illusion.
Maybe I'm running away from something, maybe I've been pretending it's not there. But the truth is, I'm still scared. Afraid of failing, afraid of feeling, afraid of facing what I left behind.
Talking to Jayscen today. . . it felt like he unknowingly wrapped my messy thoughts into something lighter, somehow his words made the chaos feel less like a full-on storm and more like one of those tiny, annoying rain.
At gaya ng sabi ko, wala akong alam sa sinisimbolo ng mga bulaklak. For me, they are just plants. They are just like designs meant to be in a garden and a part of nature that breathes life into the world. Ngunit dahil sa ibinigay ni Jayscen sa akin, hindi ko maiwasang ma-curious.
Hindi ko lang talaga inaasahan na parehong purple lilac ang ibibigay namin sa isa't isa. At higit sa lahat, hindi ko rin inaasahan na sa kanya ko rin pala ibibigay iyon. I actually don't have someone in mind when I picked that flower. Pero para kaya Jayscen? Does he have one when he did?
At bakit ko nga ba masyadong iniisip 'yon? I should be grateful enough to receive this. Gaya nga ng sabi niya, give and take. At least tapos na namin ang activity namin at hindi na kami mamo-mroblema.
Just as the sun was ready to set, handa na akong umuwi. As usual, sabay kaming tatlo nina Davin at Jester palabas lang ng school. Kahit minsan ay abala sila sa pag-aaral, lalo na si Davin, napakatigas pa rin ng ulo at sobrang sutil. Pareho lang naman silang dalawa. I'm actually the kindest among the three of us.
"Hindi ko pala dala ang skateboard ko. Wala akong gana maglakad, e!" reklamo ko.
"Anong gusto mo, buhatin ka namin?! Ano ka, gold?" Tinarayan ako ni Davin.
"Do'n ka magpabuhat kay taga-STEM. Do'n kay ka-banda, at do'n kay kaibigan mo," ani Jester. Tumaas ang kilay ko nang ma-realize kung sinong tinutukoy niya.
"Gago! Kilala niyo na rin siya ngayon?" I scowled, tinutukoy si Jayscen.
"Ay hindi. Hindi namin kilala si Jayscen San Diego. STEM 11-A, LOL player. Gitarista. At kapit-bahay mo." Davin shook his head.
"Paanong 'di makikilala, e pinagkukuwentuhan din siya ng mga taga-ibang section. Kaya lang may ibang 'di magandang sinasabi," dagdag ni Jester.
Iyan na naman 'yong rumor tungkol sa kanya. Kumunot ang noo ko. "Oh, tapos? Paniniwalaan niyo naman?"
"Huh? 'Di nga namin ka-close 'yong tao at 'di namin kilala kung sino siyang talaga. Ba't kami maniniwala? Wala naman kailangang patunayan, pero 'di kami basta-basta maniniwala sa kwento ng iba kung nakikita naman namin 'yong taong walang balak na masama sa 'yo. Halimaw daw siya maglaro sa LOL, e. P're, ayain natin one versus one." Davin shrugged his shoulders. And I was thankful na hindi rin siya judger tungkol kay Jayscen.
"Mas halimaw pa rin ako maglaro," pagyayabang ni Jester.
"Ako nga ang founder nating tatlo." Davin chimed in.
"Oo, kayong dalawa talaga ang halimaw," sagot ko at umiling.
Because of that, they pulled my bag down kaya muntik na akong matumba. Babawian ko na sana silang dalawa pero mayroon silang nginuso sa bandang likod ko. Nagtataka man, I turned my head look at it. Muntikan ko pang mabitawan ang bulaklak na ibinigay ni Jayscen kanina. Agad akong lumingon para mag-sorry sa taong 'yon ngunit halos malaglag ang panga ko dahil si Jayscen ang bumungad sa akin, sukbit ang electric guitar niya.
BINABASA MO ANG
Traversing with the Infinity (Sun Rays #1)
Romance✔ | Sun Rays Series #1 Ritienzy, a social butterfly from HUMSS, wears her carefree smile like armor. Palakaibigan siya, oo, pero hanggang do'n lang. Ever since she witnessed her parents' love collapse, she learned to keep her heart at arm's length...
