Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 1: Mr. Transferee
Mabilis akong napatayo at masamang tumitig sa kaniya. Binabawi ko na! Hindi siya gwapo! Isa siyang perv3rt!
"Hoy! Napakaperv3rt mo! At paano mo nalaman surname ko?!"
Nakita kong pinagpag niya ang suot niya at tumingin sa relos niya.
"Are you done? Kanina mo pa ako sinisigawan," walang ganang sabi niya dahilan para mas lalo akong magwala.
"PAANO KA BA NAKAPASOK SA ACADEMY NA ITO HA?!" naiinis na tanong ko.
Tumaas ang isang kilay niya at nagkibit-balikat. Inayos niya ang suot niyang eyeglasses at huminga nang malalim.
"None of your business."
Tinalikuran ako nito at dire-diretsong lumakad papuntang building. Iniripan ko ang likuran nito at naglakad na. Tumakbo na ako dahil baka malate naman ako. Sumakay ulit ako ng elevator dahil nasa 7th floor ang building ng strand na STEM.
Magsasara na sana ang elevator nang pumasok ang isang lalaki na ngayon ay mura nang mura.
"IKAW NA NAMAN?!" inis na singhal ko at nakita kong napatingin siya sa akin.
Bagot itong tumingin sa akin.
"HUWAG MO NGA AKONG SUNDAN! SINUSUNDAN MO BA AKO?!" inis na tanong ko sa kaniya.
May bitbit itong backpack na nasa isang balikat niya lang. Masama akong tinignan nito.
"Pwede ba? Wala akong interest sa iyo."
Napamaang ako sa sinabi nito. Aba, ang kapal ng mukha niya! Iniripan ko na lang siya at lumabas ng elevator. Napatigil ako nang lumabas din siya.
"DON'T TELL ME NA STEM ANG STRAND MO?!"
Napailing-iling ito at hindi ako pinansin. Tumakbo na lang ako papunta sa room namin. Hindi pa man ako nakakalayo nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Nang pumasok ako sa room ay wala pa ang mga kaklase ko. 1 pm ang start ng afternoon session. Samantalang 12:20 pm pa lang ngayon. Hindi ugali ng mga kaklase ko na pumasok nang maaga.
Nang pumasok ako sa room ay umupo ako sa likod. Sakto ang upuan dito at ako ang nasa dulo. May isang bakanteng upuan sa tabi ko pero walang tumatabi sa akin. As if naman na gusto ko silang katabi.
Napatigil ako sa nakita kong niluwa ng pinto.
"STAR SECTION KA?!" sigaw ko sa kaniya dahilan para magulat ito.
"Wtf is wrong with you? May problema ka ba sa pag-iisip?" naiinis na tanong nito.
Umangat ang isang kilay ko nang sinara niya ang pinto.
"Bakit mo ba sinarado iyan?"
Tinuro niya ang air conditioner.
"Pinapalabas mo iyong lamig? Nakalagay naman sa labas na isara ang pinto kapag papasok ng room."
Umirap ako. Fine! Panalo na siya! Nakita kong tumingin siya sa upuan na bakante na katabi ko. Nanlaki ang dalawang mata ko at mabilis na umiling.
"BAWAL DITO!"
Naglakad siya papunta sa harap ko. Tinignan ako nito at umupo sa tabi ko.
"WAIT? WHAT?! NANG-AASAR KA BA?!"
Pa'no niya nalaman na ayon na lang ang bakanteng upuan na nasa tabi ko. Tinignan ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay may nakapasak na airpods sa tenga niya.
"Napaka-antipatiko talaga niya at sobrang perv3rt!" inis na sabi ko sa sarili ko.
Padabog akong umayos nang pagkakaupo. Nakakasama ng loob, gusto ko sanang sabihin sa kaniya na anak ko ng may-ari ng school. Pero ayoko! Ayokong gamitin iyong linyahan na iyon!
Natigilan ako nang bumukas ang pinto at niluwa isa-isa ang mga kaklase ko. Halos himatayin ang mga babae nang makita nila ang katabi ko. Napairap ako sa hangin.
"Sus, ang panget nga ng katabi ko," bulong ko dahilan para lingunin niya ako.
"Oh? Kaya pala kanina ka pa nakatitig sa akin."
Mabilis na nanlaki ang dalawang mata ko nang titigan niya ako.
"See? Hindi mo maalis tingin mo."
Mabilis akong umiwas ng tingin.
"Pres? Boyfriend mo?" tanong ni Kisha na ngayon ay nakatitig sa lalaking katabi ko.
"Bakit?" asar na tanong ko.
"W-Wala po."
Napairap ako sa hangin at hindi sila pinansin. Maya-maya pa ay dumating ang teacher namin na si Mrs. Domingo. Inalis ng katabi ko ang suot niyang airpods. Nakita kong pumukaw sa mata niya ang lalaking katabi ko.
"Okay, so ikaw ang transferee?" malugod na tanong ni Mrs. Domingo.
Tumango ito at tumayo.
"Ipakilala mo ang sarili mo sa kanila."
Pumunta sa harap ang lalaking katabi ko.
"Hello, my name is Hiro Luis G. Dela Vega. I'm 17 years old and I used to live in Canada for almost 10 years."
Nakita kong napamaang si ma'am sa sinabi ni Hiro. Kahit ako, medyo nagulat. Hindi halatang lumaki siya sa Canada lalo na no'ng nagsasalita siya kanina ng tagalog.
"Canadian ka iho?"
Umiling ito.
"Half Chinese-Half German."
Dahil mga papansin mga babae sa amin ay nagtitilian ang mga ito. Napairap ako, mga mema talaga. Kinuha ko na lang ang master list ko dahil alam kong hihingi na naman si ma'am no'n.
"Wow, how come na sa Canada kayo nagstay?" curious na tanong ni ma'am
"Nasa Canada po nakatira ang relatives ko."
Ngumiti si ma'am.
"Okay, Hiro. Take your seat."
Naglakad na papunta sa pwesto ko si Hiro.
"Class president, please give me your master list."
Tumayo ako at binitbit ang master list. Dahil sa right side lang ang may daan ay tiyak na makakasalubong ko si Hiro. Masama kong tinignan si Hiro habang naglalakad. Natigilan ako nang maramdaman kong may pumatid sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse. Alam kong masusubsob ako.
Napapikit ako at hinihintay ko ang sakit pero wala akong naramdaman. Naramdaman ko na lang na may matigas na tumama sa mukha ko. Dahan-dahan akong napadilat ng magtilian ang mga kaklase ko.
Natigilan ako nang ma-realize ko na hindi sahig ang nakita ko. Kung hindi sa dibdib na naman ako ni Hiro nasubsob! Nakakahiya! Dumikit pa yata ang pabango niya sa ilong ko!
Mabilis akong napalayo kay Hiro.
"Tama na iyan love birds, akin na muna ang master list."
Tumawa ang buong klase dahil sa sinabi ni ma'am. Mabilis na namula ang buong mukha ko sa narinig ko. Umangat ako ng tingin at nakita kong nakatitig si Hiro sa akin. Sumilay ang nakakaasar na ngiti nito at kinindatan ako bago umupo.
HINDI! AYOKO NA! AYOKO NA SIYA MAGING KAKLASE!
Itutuloy...
Yohann Angeles
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.