Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 13: ANO RAW?!
Hindi ko maintindihan sinasabi ni Hiro. Nanatili siyang nakatalikod at nakita ko pa ngang tumingala siya.
"Hoy! Ako nga dapat mahiya! Humarap ka nga rito!"
Umiling siya.
"Shhh, nag-iisip ako."
Dahan-dahan siyang humarap sa akin at tinignan ako. Iniripan ko siya.
"Ngayon na crush kita, huwag mo akong iiwasan! Okay lang naman kung kaibigan lang tingin mo sa akin."
Mabilis kong kinuha ang tumbler na nasa shoulder bag ni Hiro.
"Painom!"
Hindi pa siya nakakapagsalita nang tunggain ko ang tumbler niya.
"Can I court you?"
Nanlaki ang dalawang mata ko at halos mamat4y ako sa samid dahil sa narinig ko. Mali! Nasamid talaga ako!
"HOY TUMIGIL KA NA OKAY?! KUNG ANO-ANO SINASABI MO!" sita ko sa kaniya dahilan para kumunot ang noo niya.
Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko. Nakatungkod pala iyong isa niyang tuhod. Nagulat ako sa inakto niya.
"Anong masama sa sinabi ko?" tanong nito.
Marahan niyang sinintas ang sapatos ko dahilan para mamula ang buong mukha ko. Teka, ayoko talagang magising kung panaginip lang ito. Lintik ka Hiro! Hindi ako natutuwa!
"Done!" Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakaluhod at tumayo.
Napatayo tuloy ako na as if magpapantay ang height naman. Tinignan niya ako at nagkibit-balikat.
"Liligawan mo ako, hindi mo naman ako gusto."
Iniripan ko siya, mga lalaki nga naman.
"Ha? Sabi ko kanina ano I l-"
Napatakip siya ng bibig at napatingin sa akin. Gulat ako sa naging reaksyon niya.
"I?" Taas na kilay na tanong ko.
Parang babae, nagtatakip pa ng bibig. Umupo ako sa bench at tinignan siya.
"Hoy!"
"I can't say it!" maktol na sabi niya dahilan para tignan ko siya at ngumiwi.
"Pero iyong word na panliligaw nasabi mo?" bagot na sabi ko.
Natahimik siya at tumingin sa malayo.
"Nahihiya ako eh," nahihiyang sabi niya.
Ano bang nakakahiya roon? Like kung gusto mo iyong isang tao edi umamin ka para masaktan ka. Keme, wala naman siyang sinabi na gusto niya ako so bakit ako mag-aassume?
"I l-"
Natigilan ako nang magsalita siya.
"Bakit ka ba nauutal?"
Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.
"Nahihiya nga ako, Pearl."
Iniripan ko siya.
Mabilis na lumapad ang ngiti ko at humarap sa kaniya.
"Alam ko na! For sure hindi ka mahihiya!"
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at nilapit ang mukha ko sa kaniya. Hindi sobrang lapit, sakto lang. Tinitigan ko siya sa dalawang mata. Nakita kong nagulat ang dalawang singkit na mata nito.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.