Chapter 11

223 14 0
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 11:

Tulala ako habang pinagmamasdan ang malalakas na patak ng ulan sa bintana. Tahimik akong nakamasid sa mga iyon at parang may inaalala. Mabilis na nag-init ang pisngi ko kapag naalala ko iyong eksena namin ni Hiro. Hindi naman niya ako hinatid sa mismong bahay namin. Bawal din kasi pumasok sa subdivision nila mom kapag walang ID na patunay na nakatira ka roon.

Flashback...

"Baka magkasakit ka," alalang tanong ko.

Umiling siya pero pansin kong nilalamig na siya.

"Hala, nabasa na iyong speaker mo!"

Umiling ulit siya at tinignan ako.

"Kaya kong bumili ng bagong speaker."

Napairap ako at nakokonsensyang tumingin ulit sa kaniya.

"Bakit ba kasi ayaw mong maki-payong?" takang tanong ko.

Hindi siya kumibo, nagulat na lang ako nang mapansin kong gate ng subdivision namin iyon.

"Gotta go, take care."

Inabot niya sa akin nang marahan ang payong at tinignan ko siya na ngayon ay basang-basa.

"Hiro baka kasi magkasakit k—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"See you on Monday."

Tinalikuran na niya ako at dire-diretsong naglakad papalayo.

Napailing ako at tinignan ulit ang malakas na ulan.

"Wala bang suspension?" sigaw ng mga estudyante sa corridor.

Napailing ako at nakatitig pa rin sa mga ulan. Narinig kong bumukas ang pinto dahilan para mapalingon ako. Nagtama ang tingin namin at napansin kong hindi siya umupo sa tabi ko. Pabagsak niyang inupo ang sarili niya sa isang bakanteng upuan na hindi naman kalayuan sa pwesto ko.

Sabay higa siya sa desk niya dahilan para magtaka ako ng konti. Hindi naman siya ganiyan, madalas ay nakaearpods siya kapag darating sa room.

Nawala ang paningin ko kay Hiro nang tumunog ang phone ko.

"Hello?" Narinig ko ang maingay na background sa kabilang linya.

"Pakisabi nga sa office na suspended na ang klase."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. Wow, kung kailan nasa school na?!

"ANO BA IYAN?! BAKIT NGAYON LANG NAGSABI?! AT BAKIT AKO?!" inis na tanong ko.

Tumawa si Kuya Felix.

"Malay ko, sige na. Hindi ako papasok total suspended naman na. Gusto mo ba sunduin kita?"

Napanguso ako. Hindi ko pa pala dala iyong bike at inhaler ko.

Narinig ko ang boses ni Daddy sa kabilang linya.

"Nevermind, inuutusan ako. Ingat, baby!"

Bastos, pinatay agad ni Kuya!

Sinilip ko si Hiro na ngayon ay nakahiga pa rin sa desk niya. Tinalikuran ko na siya at lumabas ng room. Naglakad ako papuntang Announcement Office at pumasok na. Mabilis kong ni-switch ang extension para bumukas ang speaker at microphone.

"Dear students and teachers, I would like to announce that the classes for today are suspended by our Mrs. Terry Rodriguez. Thank you!"

Mabilis akong lumabas ng office at naglakad pabalik sa room. Nakita kong nagtatakbukhan na ang mga estudyante at iyong iba ay binabati ako. Kitang-kita kung gaano kalakas ang ulan ngayon.

Pagbalik ko sa room ay nagulat ako nang makita kong nandoon pa rin si Hiro. Mahimbing na natutulog sa desk niya. Natigilan ako sa nakita ko.

"Hiro?" malumanay na bigkas ko sa pangalan niya.

"Pwede ka nang umuwi, suspended na iyong klase."

Kinuha ko na ang bag ko, nagtataka pa rin ako nang nakahiga pa rin siya sa desk niya. Nakita kong gumalaw siya pero nagpalit lang siya ng pwesto. Parang naka-side lang, nakaharap na siya ngayon sa right side ng bintana.

"Hiro?" Lumapit ako sa pwesto niya at doon ko lang nakita na natutulog nga siya.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi nito at pinagmasdan si Hiro na tahimik na natutulog. Tinitigan ko itong mahimbing na natutulog. Mabilis na sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Ang gwapo talaga niya, kahit natutulog. Pumantay ako sa kaniya at ginawa ang pwesto niya. Titig na titig ako sa kaniya na kulang na lang ay matunaw siya.

Mabilis na nawala ang ngiti at kilig ko nang dahan-dahan dinilat ni Hiro ang singkit na mata nito. Mabilis na nagpanic ang buong pagkatao ko. Malulam ang dalawang mata nitong tumitig sa akin. Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nakatitig lang sa akin si Hiro na para bang may tinitignan sa mukha ko.

Mabilis na nag-init ang pisngi ko nang dahan-dahan sumilay ang ngiti sa labi nito. Nanatiling gano'n ang pwesto namin hanggang sa dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya. Nakita kong ngumiwi siya bago ako tapunan ng tingin.

"Suspended na iyong klase kanina pa. Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising."

Natigilan ako nang magsalita siya.

"Naririnig kita, kanina pa."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko. Narinig tapos nakapikit pa rin??

"Ano iyan be? Nagbibingi-bingihan ka?" inis na tanong ko pero tumawa lang siya nang mahina.

"Masama lang pakiramdam ko," natatawang sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla kong naisip iyong mga nangyari kanina. Simula sa pagpasok niya ng room at ang paghiga niya sa desk niya. Dumagdag pa ang malulam na mata nito at ang paos niyang boses ngayon.

"Dahil ba iyan sa nabasa ko ng ulan no'ng nagpractice tayo??"

"Probably, yes."

Mabilis akong na-guilty sa sinabi niya.

"Sorry,"

Nakita ko kung paano niya ako lingunin.

"Why are you sorry?" takang tanong nito.

"Nagkasakit ka dahil sa akin."

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at tinignan ako.

"Wala kang kasalanan. Stop blaming yourself."

Binitbit na niya ang bag niya.

"Pero a—"

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Pumantay siya sa akin at nilagay ang kamay ko sa noo niya. Halos magulat ako dahil napaso ang kamay ko sa ginawa niya.

"Ang init mo!!"

Natawa siya sa reaksyon ko at dahan-dahan binitawan ang kamay ko. Infairness, binibigyan niya ako ng false hope sa feelings ko. Narinig kong may mga sinasabi niya pero hindi ko maintindihan. Hindi ko alam pero nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi naman ako nag-expect na i-crushback ako ni Hiro. Pero iyong mga kilos niya, binibigyan ako ng false hope.

Ngumiti pa ito sa akin habang may sinasabi siya. Wala akong maintindihan talaga. Rinig na rinig ko ang malakas na ulan, damang-dama ko ang malakas na hangin.

Dahan-dahan hinawi ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin na galing sa bintana. Ito na naman iyong pakiramdam na parang tumigil ang mundo ko. Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

Nagkatitigan kami sa nangyari. Hindi siya nataranta sa ginawa niya, parang normal lang.

"You're so pretty," mahinang sabi niya.

Ayoko na lang bigyan ng false hope sarili ko sa mga ganito. Dahil ngayon pa lang, umaasa na ang puso ko.



Itutuloy...

Yohann Angeles

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon