Chapter 15

256 15 0
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 15: He saved me

Hayami's POV

Hindi pa man ako nakakareact nang maayos nang marinig ko ang boses ni Kuya Felix. Akala ko napapraning lang ako nang marinig ko iyon.

"HAYAMI!"

Nakita ko kung paano magtakbuhan ang dalawang batang nakakandong kay Hiro.

"WTF IS WRONG WITH YOU?! ALAM MO BANG HINDI KO PINAPAYAGAN IYAN NA MAGTAGAL SA LABAS DAHIL MAY ASTHMA SIYA?!"

Mabilis na kinuwelyuhan ni Kuya Felix si Hiro. Nakita ko kung paano mamula ang buong mukha ni Kuya Felix. Mabilis kong inawat si Kuya Felix at nakita ko kung paano manlisik ang dalawang mata nito.

"Huwag na huwag mong lalapitan ang kapatid ko simula ngayon!"

Hahatakin na sana ako ni Kuya Felix nang magsalita si Hiro.

"Protective ha," kalmadong sabi ni Hiro.

Natigilan si Kuya at napatingin kay Hiro. Hindi ko alam pero may laman iyong sinabi niya. Parang may meaning.

"Layuan mo kapatid ko, engaged na siya."

Gulat akong napalingon kay Kuya at nagkatinginan kami.

Engaged?!!

"Hindi mo siya liligawan!"

Nakita ko kung paano magmatigas si Hiro kaya mabilis akong nakiusap sa kaniya gamit ang dalawang mata ko na huwag na siyang magsalita pa.

"Engaged?" natatawang tanong ni Hiro.

Kahit ako natigilan, sa sobrang daming nangyayari ngayon. Hindi ko namalayan na ikakasal pala ako sa iba.

"Yes! She's engaged! Stay away from her!" inis na sabi ni Kuya.

Hindi ako kumibo, basta ang alam ko ay naguguluhan ako.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tinitigan niya ako sabay balik ng tingin kay Kuya.

"We're not done yet, Felix."

Mabilis niyang kinuha ang shoulder bag niya at nagsimulang maglakad papalayo.

Nang makauwi kami ay mabilis akong hinatak nang marahan ni Kuya papunta sa kusina. Natigilan ako nang makita kong nag-uusap ang magulang ko. Napalunok ako at umupo sa tapat nila.

"We're not allowing you to have a boyfriend. Do you understand, Hayami? Ipapakasal kita sa mas mayaman pa sa atin." madiin na sabi ni Dad.

Napalunok ako.

Yes, that's my Dad. Hindi dapat masasayang ang sakripisyo niya. Pero hindi ko na kayang magpakasal sa iba ngayon na hindi ko na mahal.

May iba akong gusto...

"D-Daddy, I have a boyfriend."

Kahit wala akong boyfriend.

Nakita ko kung paano manlaki ang dalawng mata ni Kuya Felix. Mabilis na hinampas ni Daddy ang lamesa at halos mabasag ito sa lakas. Napalunok ako nang tumayo si Mommy at sinampal ako nang malakas.

"MOM?!"

Mabilis akong niyakap ni Kuya Felix. Tuluyan nang pumatak ang luha ko.

"Are you trying to obey our rules Hayami?!" galit na tanong ni Mom.

Pumatak ang luha ko.

"Tigilan mo ako sa drama mo, Hayami. Hinayaan na lang sana kitang m4mat@y no'ng nasa tiyan pa kita."

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon