Chapter 6

220 16 1
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 6:

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakapasan kay Hiro. Halos mag-init ang buong mukha ko sa nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ang bagal ng oras ngayon na pasan niyo ako. Nasa 2nd floor na kami nang maramdaman ko ang malalim na paghinga niya.

"Kumusta paghinga mo?" tanong nito, ramdam ko ang hingal niya.

"A-Ayos lang."

Nagulat ako nang ayusin niya ang pagkakapasan sa akin.

"Can you please hold the temples of my eyeglasses? Baka kasi mahulog."

Dahan-dahan kong hinawakan ang temples ng eyeglasses niyo. Nagsimula na siyang bumaba papuntang 1st floor. Nang makahakbang siya sa dulo ng hagdan ay dahan-dahan itong yumuko. Dahilan para bumaba ako at naiilang na tumingin kay Hiro nang humarap siya sa akin. Hindi na ako masyadong hinihingal ngayon. Matagal niya akong pinagmasdan dahilan para mag-init ang pisngi ko.

Sht, crush ko talaga siya. Nakakahiya! Naramdaman kong humangin nang malakas sa hallway, malakas ang hangin mula sa bintana. Dahil sa lakas ng hangin ay lumipad din ang ilang hibla ng buhok ko dahilan para matabunan ang mukha ko. Aayusin ko sana ang buhok ko nang maramdaman ko ang daliri ni Hiro na inayos ang hibla ng buhok ko at siniksik sa gilid ng tenga ko. Halos magwala ang buong pagkatao ko sa ginawa niya.

Nakita kong ngumiti siya at tumayo nang diretso.

"You have an exquisite beauty, Ms. Rodriguez."

Naramdaman ko na parang may maliliit na kiliti ang gumalaw sa tiyan ko. Gusto ko na lang lumubog ngayon sa harap niya dahil sa nangyayari ngayon.

"H-Ha?" utal na tanong ko.

Umaasa akong babawiin niya ang sinabi niya.

"I said, you have an exquisite beauty, Ms. Rodriguez." Tinignan ako nito sa mata.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Mam4tay na ako sa kilig dito! Ang malas ko naman! Kaklase ko pa talaga naging crush ko!

"Enjoy your weekend." Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang humakbang papalayo.

Mabilis ko siyang sinundan at marahan na hinablot ang braso niya dahilan para lingunin niya ako.

"Do you need something?" tanong nito.

Umiling ako at napalunok.

"S-Salamat ulit, kung hindi dahil sa iyo ay baka nasa taas pa rin ako ng building."

Nakita kong tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Nanlaki ang dalawang mata ko at nahihiyang inalis iyon.

"S-Sorry!" utal na bigkas ko dahilan para sumilay ang ngiti nito.

Inayos niya ang eyeglasses niya.

"Can I get your name on Facebook? I will send you a friend request later. Pag-usapan lang natin iyong i-perform sa P.E next meeting."

Ay tungkol lang doon? Wala bang level up na usapan? Charot lang.

"Hayami Rodriguez."

Napatango siya at tinignan ako sa mata.

"Okay, thank you."

Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad papalayo. Tinanaw ko ang likod nito at naglakad papalayo. Sumilay ang ngiti sa labi ko at sumunod na sa kaniya. Pagdating ko sa parking lot, wala na iyong bike niya roon.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at tumawag sa number ni Kuya Felix.

"Yes baby?" tanong nito at rinig na rinig ko ang ingay nang nilalaro niya.

Naglalaro na naman ang mokong.

"Can you fetch me up?" tanong ko sa kabilang linya dahilan para mawala ang ingay roon.

"May nangyari ba?? Are you okay, baby??" nag-alalang tanong nito dahilan para mapanguso ako.

Aww, he's so sweet.

"Muntik pa lang," natatawang sabi ko.

Narinig ko ang ilang paulit-ulit na mura nito.

"I told you, baby! Ayaw mo kasing magpasundo!" natawa ako sa sinabi niya.

"Whatever, on the way na. Hintayin mo ako."

Akala ko i-end niya na iyang call pero hindi pa pala.

"May kasama ka ba riyan?" tanong ni Kuya Felix at narinig kong kumalampag na ang susi. Senyales na lalabas na siya ng pinto.

"W—"

"She's with me."

Gulat akong napalingon sa lalaking humablot ng phone ko. Binalik niya ang phone niya at nagkibit-balikat.

"H-Hoy! Bakit mo sinabi iyon?!" Halos masapo ko dibdib ko dahil sa ginawa at sinabi niya.

"A-Akala ko umuwi ka na?" utal na tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Mababawasan ang pagiging gentleman ko kung iiwan kita mag-isa rito," malumanay na sabi niya at sumandal sa poste.

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Doon lang ako nakaramdam ng hiya nang tumahimik siya. Halos hindi ako mapakali na malapit lang siya sa tabi ko. Sana nga naiinis na lang ako sa kaniya! Edi sana, hindi ako kinakabahan nang sobra!

"Are you really okay? You look pale."

Gulat akong napalingon sa kaniya at pinakiramdaman ang sarili ko. Nanlalamig talaga ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Nakakainis kasi si Hiro! Bakit siya ganiyan?!

Napatingin ako kay Hiro na ngayon ay tinititigan ako. Napailing siya at tinignan ako nang mabuti.

"What's wrong?" Umiling ako sa tanong niya.

"W-Wala."

Napaatras ako nang marahan niyang hinawakan ang pisngi ko habang kunot noo itong nakatitig sa mukha ko.

"Wala ka talagang nararamdaman?" tanong nito, nagtataka.

Sa iyo ba? Meron, charot.

Naramdaman ko na nag-init lalo ang pisngi ko nang haplusin niya ito nang marahan.

AYAN NA NAMAN SIYA! KINIKILIG NA NAMAN ANG BUONG PAGKATAO KO! KINIKILIG AKO!

Dahil sa gabi na, halos tumama sa mukha ko ang ilaw ng street light. Mas lalo kong nakita ang mukha ng lalaking kaharap ko. Halos perpekto ang mukha nito. Sobrang kinis na para bang never tinubuan ng pimples.  Ramdam ko ang mainit na hininga nito dahil sa lapit ng pwesto niya sa mukha ko.

Marahan niyang binitawan ang pisngi ko at tumayo nang maayos.

"Baby?"

Sabay kaming napalingon sa boses ni Kuya Felix. Patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Pinopormahan mo ba baby ko?" inis na tanong ni Kuya Felix.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Hiro at tinignan ako. Hindi siya sumagot na parang nagbibigay siya na 50/50 na sagot.

"Tell me! Pinopormahan mo ba baby ko?!" inis na singhal ni Kuya Felix kay Hiro.

Halos gusto ko nang lumubog sa lupa sa mga sinasabi ni Kuya.

"Not yet, why?"

Teka...

Ano raw?!

NOT YET?! NABINGI BA AKO?! O TOTOO TALAGA NARINIG KO?!

Itutuloy....

Yohann Angeles

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon