Chapter 8

210 14 0
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 8:

Napalunok ako sa narinig ko sa kabilang linya. Mabilis kong tinignan ang ID lace ko at wala nga iyong ID ko!!

"Bakit na sa 'yo ID ko??" tanong ko na hindi ko talaga maitago iyong pagtataka ko.

Teka nga, nakakahiya. Ang panget ko sa ID ko ha! Wala akong ayos doon! Si crush pa talaga kumuha! Super nakakahiya!!

"Dami mong tanong, tinatanong kita kung okay ka na." Napangiwi ako sa sinabi niya.

Ang sungit! Pasalamat siya at crush ko siya!

"Oo, okay na ako!"

Natahimik ang kabilang linya, ilang segundo bago siya sumagot.

"Hiro?" tanong ko sa kabilang linya.

Narinig kong tumikhim siya.

"I'm gonna end the call."

Napairap ako nang mawala na iyong kausap ko. Pumunta na ako sa closet at kumuha ng susuotin ko pantulog. Maliligo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko sa notification ng phone ko.

"Hiro Luis G. Dela Vega sent you a friend request."

Mabilis akong kinilig at tinignan iyong profile picture niya. Halos mapatili ako.

"ANG POGI MO!" tili ko habang pinagmamasdan si Hiro.

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang profile picture niya na naka-only me. Hindi ko aakalain na iyong kinaiinisan ko ay magiging crush ko nang sobra. Napatigil ako sa naisip ko.

"What if may girlfriend na siya?"

Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa panget nang iniisip ko. Lumundag ako sa kama at ni-accept ang friend request ni Hiro. Nagulat ako nang makita kong nagchat siya.

"Hi, I'm planning to meet you tomorrow. Are you free?" bigkas ko nang basahin ko chat niya.

Napakurap ako sa nabasa ko. Aba! Kung siya rin naman! I'm always free! Charot, harot.

"Sige lang, what time?"

Sinend ko sa kaniya ang chat ko na iyan at maya-maya pa ay nagseen na siya. Natigilan ako nang tumawag siya sa messenger. Halos mataranta ako dahil video call iyon. Dahilan para sagutin ko agad ito.

Madilim iyong camera ni Hiro, hindi ko siya makita.

"Sht, wait."

Maya-maya pa ay lumiwanag ang camera ni Hiro at halos mamula ako nang makita ko na naman ang gwapong mukha nito. Ang pogi niya talaga! Hindi ko na talaga itatanggi!

"Why are you smiling?" Taas na kilay na tanong nito.

Nawala ang ngiti ko at tinignan ko siya nang mabuti sa screen ng phone ko.

"Hoy hindi! Epal ka talaga!"

Napailing ito at tinignan ako.

"Practice tayo tomorrow. May napiling akong kanta pero hindi ko alam kung magugustuhan mo."

Syempre magugustuhan ko, ikaw nga crush na crush ko eh.

"Ano?" tanong ko.

"Awitin Mo at Isasayaw Ko by VST & Company."

Kumunot ang noo ko, pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung anong kanta iyon.

"Did you know that song?" tanong nito.

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon