Chapter 2

289 18 0
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 2: Hiro Luis G. Dela Vega who?

Nahihiya along inabot kay ma'am ang master list at tinalikuran na si ma'am. Pist1! Nakakasama ng loob! Humanda talaga sa akin iyang Hiro na iyan! Padabog akong umupo sa tabi ni Hiro. Narinig kong tumawa si Hiro nang mahina pero hindi niya ako tinitignan. G

PIGILAN NIYO AKO! GUSTO KO NA TALAGA SIYANG SAP4K1N!! I REALLY HATE HIM!!

"Okay class, kindly please bring out your book. Open your book on page 20," malakas na sabi ni ma'am dahilan para ilabas ko na ang libro ko.

"Ms. Hayami Pearl A. Rodriguez." Gulat akong lumingon kay ma'am dahil sa tinawag niya ang pangalan ko ng buo.

"Magshare muna kayo ni Mr. Dela Vega ng libro." 

Gulat akong lumingon sa katabi ko na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Share daw," nang-iinis na bulong nito.

ARGHH! ANO BA?! BAKIT BA ANG MALAS KO NGAYON?

Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong masama ang titig sa akin ng squad ni Amber. As if naman gusto ko itong katabi ko.

"Ms. Rodriguez?" pagbanggit ni ma'am ng surname ko.

"Sure Mrs."

Ngumiti sa akin si ma'am at nagsimula na siyang magdiscuss. Napairap ako sa hangin, nakalimutan ko na Statistics and Probability pala subject ngayon. I hate math! Nakita kong tahimik na nakikinig ang katabi ko. Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin.

"Can someone please tell me? What was the mean in a normal distribution? And what was the standard deviation?"

Nabigla ako nang tumayo ang katabi ko.

"In a normal distribution, the mean is zero and the standard deviation is 1." 

Nakita kong ngumiti si ma'am. Napairap ako nang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Tsk, basic questions." 

Inis akong tumingin sa kaniya.

"Basic nga pero malamang hindi naman lahat ay gusto iyong subject na ito."

Ngumisi lang siya. Hindi siya mukhang nerd eh, mukha siyang salbahe na bully sa kanto.

Halos kalahating oras na nagdiscuss si ma'am pero parang walang napasok sa utak ko. Napangiwi ako nang nagpasagot na si Mrs. Domingo. Lumabas si Mrs. Domingo, may meeting daw siya saglit sa faculty.

Jusko, ano naman kaya isasagot ko sa mga ipapasagot niya?

"Sa isang bond paper ilalagay. Complete solution. Madali lang iyan children, calculating z-scores lang naman iyan."

Kumuha ako ng bond paper at nagsimula nang magsagot. Nakita kong nakatitig siya sa papel ko. Mabilis kong tinakpan ang papel ko. Tumaas ang isang kilay niya.

"Give me your paper."

Napailing ako.

"May balak ka bang kumopya?" inis na tanong ko.

Nakita kong tumawa siya at napailing.

"Your answer is wrong."

"Who told you to use the formula for the population data?" takang tanong niya dahilan para matameme ako.

"A-Ako."

Natigilan ako nang magtama ang kamay namin dahil marahan niyang inagaw ang papel ko at nilagay niya sa table niya.

"Pakinggan mo ako."

Ginamit niya ang ballpen niya at nagsimulang magsalita.

"You should use the sample data. Sample data iyong given," paliwanag niya.

"The mean is 78 and the sample standard deviation is 13. Find the z-score value corresponding to the following scores(in two decimal places)."

Napahinga ito nang malalim.

"Ulitin mo na lang ito."

"X=52, ayan ang co-convert natin sa z-score. To convert that, we will use the formula. Z is equal x minus mean over s. In our case ang X natin is 52 minus the mean which is 78 over the standard deviation of 13. The answer is negative 2. It means below the mean siya." 

Natulala ako at biglang nahiya. Iyong inis ko sa kaniya ay napalitan ng hiya. Nakita kong napatingin siya sa oras. Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang bond paper niya.

"Put your name there, ako na lang ang uulit."

Mabilis akong napailing.

"I insist."

Mabilis niyang sinagutan ang bond paper niya na walang laman. Five minutes na lang at ipapasa na ang papel namin. Nabigla ako nang pumasok si Mrs. Domingo. 

"Guys, pass your paper. In the count of 5, kapag wala pa papel niyo rito. Bahala na kayo."

Mabilis na hinatak ni Hiro ang papel ko at pinasa.

"Ang tagal," sita nito sa akin.

Napangiwi ako at napaiwas ng tingin. Nakakahiya talaga! Hanggang sa lumipas pa ang tatlong subject bago matapos ang klase. Lumulutang ang utak ko dahil sa nangyari kanina. Nakakahiya kay Hiro! Nang dismissal na ay mabilis kong hinanap si Hiro. Gusto ko man lang magthank you sa kaniya.

Nakita ko siyang sumakay ng elevator kaya nagmamadali akong pumasok sa elevator. Nakita kong nagulat pa ito at kunot noong tumingin sa akin.

"T-Thank you!" hinihingal na banggit ko.

Tinignan lang ako nito at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Hoy! Sabi ko thank you!" pag-ulit ko.

Hindi siya kumibo pero tinapunan niya ako ng tingin. Natigilan ako nang magpatay-sindi ang ilaw sa elevator ng isang beses. Nakaramdam na ako nang pagpanic

"Oh fck," narinig kong bulong nito.

Mabilis na huminto ang elevator sa 5th floor at hindi ito bumukas. Napangiwi ako at napaatras. Don't tell me na bubukas iyong elevator tapos nasa ibang dimensyon na kami? Baka may multo rito? Oh baka biglang may hahatak sa akin pailalim sa elevator!

Mas lalo akong nagpanic nang makita namin kung paano magpatay at sindi ang ilaw. May nyctophobia ako at hindi pwedeng mam4tay ang ilaw!

"OMG! AYOKO NA! MAMA!" tili ko nang tuluyan nang mam4tay ang ilaw.

Mabilis akong umiyak nang wala akong makitang liwanag. Halos magpanic ako. Nagsasalita si Hiro pero parang wala akong naririnig. Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil wala talaga akong makitang liwanag. Napapikit ako nang buksan ni Hiro ang flashlight sa phone niya. Pumantay ito sa akin at nilapag ang phone niya.

"Papunta na iyong elevator constructors. Tumawag na rin ako sa office at sinabi kong na-trap tayo rito."

Tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko dahil sa nangyari kanina.

Ayoko...

Ayoko sa dilim..

Natigilan ako sa pag-iyak nang yakapin ako nito at isandal sa dibdib niya.

"Tahan na, nandito lang ako."

Itutuloy...

Yohann Angeles







Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon