Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 24: Jasper Vincent Buenaventura
Hayami's POV
Napatitig ako sa whiteboard habang iniisip kung paano ako makakasurvive sa finals namin. Sabay tingin sa tabi ko.
"Miss mo na?" pabirong tanong ni Amber at umupo sa tabi ko.
Tumango ako at umiwas ng tingin.
"Dalawang buwan na rin simula no'ng umalis na siya. Hindi na yata siya babalik..." pabirong sabi ko, nasaktan ako sa mga katagang binanggit ko.
Sa isang buwan na iyon, maraming nangyari. Sina Amber at Dane, ayon nagkakamabutihan. Iyong isa kong kaklaseng nerd, ginulat kami. Pumasok ba naman na ang gwapo tignan. Iyong isa kong kaklaseng bully, natanggal sa school. Mas lalong naging mahigpit ibang teachers namin simula no'ng nawala siya. Literal na hindi na katulad ng dati.
I miss everything about him...
"Kabog si gag4 mag-emote." Ngumuso ako at hinampas si Amber.
"Shut up ano! Palibhasa may boyfriend ka na!" Nakita kong namula ang dalawang pisngi niya dahilan para matawa ako.
"Wala pang kami!"
Tumawa ako at napailing.
"Kalimutan mo na iyon, pagbigyan mo na lang iyan oh."
Ngumuso si Amber sa harapan ko ko dahilan para mapalingon ako. Nakita kong naglalakad si Jasper papunta sa pwesto namin.
Jasper Vincent A. Buenaventura.
Transferee siya, matalino rin katulad ni Hiro. Actually parang siya iyong naging bagong 'Hiro' sa klase. Tagapagligtas sa recitation. Isang buwan na namin siyang kaklase. Never kong nakitaan iyan na nangangapa sa klase.
"Hi, Pearl!" bati nito at umupo sa tabi ko.
Kinindatan ako ni Amber at iniwan akong mag-isa rito. Ngumiti ito at umupo sa inuupuan ni Hiro. Mabilis na nagreact ang sarili ko sa ginawa niya.
"A-Ano, bawal kasi umupo riyan."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Bakit? Hindi ka pa ba nasanay? Ilang linggo mo na nga akong katabi." Ngumuso ito at tumingin sa akin.
Mabilis akong natigilan sa sinabi niya. Oo nga pala, ilang linggo na pala siyang nakaupo sa tabi ko.
"Jasper, pahangin muna ako sa labas."
Hindi ko na hinintay ang tugon niya at umalis na ako sa room. Sumilip ako sa bintana at pinagmasdan ang magandang view mula rito sa 8th floor. Ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko.
"I miss you, Hiro," bulong ko sa hangin at tahimik na nakamasid sa magandang view na nakikita ko.
"Who's Hiro?" Gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Ngumiti ito dahilan para lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Tumabi ito sa akin at pinagmasdan din ang tinitignan ko kanina lang.
"W-Wala iyon," utal na sabi ko.
Akala ko titigil na siya kakatanong.
"I heard that he is your suitor. Hanggang ngayon ba?" tanong nito.
Natahimik ako, hindi ko alam kung papaano sasagutin iyong mga tanong niya. Sabihin ko ba na oo, kahit wala na kaming koneksyon sa isa't isa?
"H-Hindi ko alam," utal na sagot ko sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.