Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 19: Brother-in-law
Hayami's POV
"For godd4mn sake, what kind of problem is this?!" inis na sabi ni Hiro.
Tumawa ako at tinignan siya. Pinag-aaralan niya kasi iyong word problem na assignment namin sa physics. Nakakailang subok na siya magsolve sa papel pero punit lang inaabot. Kulang na nga lang ay umiyak siya sa harap ko at hampasin ang lamesa. Nakita kong umangat siya ng tingin sa akin at tinignan ako.
"Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" natatawang tanong ko.
Tinitigan niya lang ako nang matagal sabay balik ang atensyon sa sinasagutan niyang papel.
"Hoy! Tinatanong kita! Bakit ka ganiyan ka makatingin?" mahinang tanong ko dahil nasa library kami.
"I need my energy!" natatawang sabi niya pero sobrang hina.
Kumunot ang noo ko. Anong energy?
"Ano raw? Energy??" naguguluhang tanong ko.
Tumango siya, tinuro niya ako.
"You're my energy!"
Napairap ako at umiwas ng tingin. Kahit kailan talaga, ang corny niya sobra. Nabigla ako nang sumuntok siya sa hangin.
"D4MN! YES! NASOLVE KO NA!" proud na sabi niya habang nakatitig sa papel niya.
"You're so smart talaga," namamanghang sabi ko nang iabot niya sa akin ang papel niya.
"I am not," kalmadong sabi niya.
Nagulat ako nang tumabi siya sa akin at kinuha ang papel niya na nasa tapat namin.
"Turo ko muna sa iyo ito before we leave."
Mabilis niyang tinuro sa akin kung paano niya nakuha iyong sagot sa assignment namin sa physics. Oo, sinagutan na namin. Nagpupumilit kasi siya.
"Gets mo ba?"
Tumango ako.
"Oo, salamat! Sulat ko muna iyong sagot sa yellow pad."
Tumango siya at sinimulan ko nang isulat ang sagot sa isang papel.
"Hiro, uuwi na pala ako after nito. Kasi naiwan ko iyong isa kong gamot sa bahay na pang 4 pm sana. Wala rin naman tayong last subject," paliwanag ko.
Naghihintay ko na sumagot siya pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Dahilan para lumingon ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakatitig siya sa akin. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin.
"Pst? May dumi sa mukha ko?" tanong ko.
Hindi siya natinag sa tanong ko kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Hiro?" wala pa rin kibo.
"Hiro? Pst?"
Nakita kong napakurap siya sa sinabi ko.
"Ha?"
Tumawa ako at binalik ang atensyon sa sinusulat ko.
"Grabe ka naman tumitig sa akin, natutunaw na ako sa iyo eh." Tumawa ako nang mahina.
Natiglan ako magsulat nang magsalita siya.
"Ang ganda mo lang."
Natawa ako at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.