Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 9:
Hayami's POV
Mabilis kong sinubsob ang mukha ko sa unan sabay tili.
"OMG! NAKAKAHIYA KA HAYAMI! NAKAKAHIYA! HINDI KO MAISIP NA NASABI MO MISMO SA CALL NA CRUSH MO SIYA!"
Dumapa ako sa kama ko at nagpapadyak. Nakakahiya! Pinahiya akong apelyido namin!
Mabilis na nag-init ang buong mukha ko kapag naalala ko iyong nangyari kanina. Iyong mga tingin ni Hiro, nagpapalambot sa akin bigla. Hindi ko alam kung ano meron sa kaniya pero grabe, crush na crush ko talaga siya.
——
Nagising ako nang tumama ang init sa mukha ko. Mabilis akong nasilaw at halos bumangon ako bigla nang maalala ko na may meeting pala kami ni Hiro. I mean need namin magkita! Mabilis kong sinilip ang oras at halos mapatili ako."ALAS OTSO NA! MYGOODNESS!"
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa CR at naligo. Nagmamadali akong maligo pero kahit anong madali ko ay mabagal talaga akong maligo!
Napahinga ako nang malalim nang makita kong 8:40 am na paglabas ko ng CR. Nakasuot lang din ako ng white na T-shirt at jogger. Mabilis kong ni-dryer ang buhok ko at nagsuklay. Napangiwi ako at hinanap ang lip balm ko.
"NASAAN NA BA KASI IYONG LIP BALM NA IYAN?!" inis na tanong ko at talagang dumapa pa ako para silipin sa ilalim ng kama ko.
Wala!
"MAGPAKITA KA NA PLEASE! MALAPIT NA TALAGANG MAG 9 AM!"
Hinalukay ko ang closet ko at halos magulo na ito. Mabilis kong kinuha ang lip balm ko at nag-apply sa labi ko. Hindi ako palaayos at ayoko na dahil anong oras na! Hinablot ko ang sling bag ko. Patakbo akong lumabas ng kwarto at nakita kong may kausap si Kuya Felix.
"Kuya Felix! Aalis na ako! May meeting kami para sa sayaw sa PE!"
Lumingon sa akin si Kuya Felix.
"Hatid kita?"
Umiling ako.
"No, thanks! I need to go! Bye Kuya Felix!!"
"BUT BABY?!" sigaw nito pero hindi ko na pinansin.
Napahinga ako nang malalim at nagsimula nang bumaba ng hagdan. Ayokong takbuhin pababa iyan at baka hingalin ako at atakihin pa ng asthma.
Natigilan ako nang makalabas na ako ng gate. Saan nga pala ulit kami magkikita??
Mabilis akong nagchat kay Hiro at nagtanong kung saan nga ba kami magkikita. Halos tumigil ang paghinga ko nang tumawag siya.
OMG, TEKA. PIGILAN NIYO AKO.
"H-Hello?" utal na bungad ko.
Matagal bago nakasagot si Hiro.
"Where are you? Kanina pa kita hinihintay."
Napangiwi ako.
"Saan nga ulit?" tanong ko.
"Sa may plaza, sa may bandang garden. Do you want me to pick you up?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya sa akin sa kabilang linya.
"H-Ha? Huwag na! Papunta na ako riyan!"
Nakaearpods naman ako kaya magbabike na lang ako.
"I'm gonna end the call," banggit ko.
Papatayin ko sana iyong call nang magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Fiksi RemajaHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.