Chapter 16

186 12 1
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 16:

Hayami's POV

Napahinga ako nang malalim at pabagsak na umupo sa upuan ko. May pasok na naman at ang malala pa ay PE namin! 

"Ms. Rodriguez, okay na ba si Mr. Dela Vega?" 

Natigilan ako at hindi ko alam ang isasagot ko kay ma'am. Hindi ko rin naman kasi alam kung okay na siya. Basta no'ng araw na nangyari ang insidente eh ayon na rin iyong huling araw na nakita ko siya. Marami rin kasing nangyari itong mga nakaraang araw.  Hindi ko alam kung bakit biglang na-cancel iyong arrange marriage ko. Mas lalong hindi kami naging okay ng parents ko. Si Kuya Felix lang ang nakakaintindi sa akin. 

"Ma'am hindi ko po alam k—"

Mabilis kaming napalingon nang bumukas ang pinto at pumasok si Hiro. Dire-diretso itong umupo at tinignan si ma'am. Nakita kong medyo nagulat si ma'am sa presensya ni Hiro. Nakakapagtaka lang na may pasa siya sa bandang gilid ng labi niya. Sa pagkakatanda ko ay wala siyang pasa sa bandang labi, pero galos sa mukha meron.

"Good afternoon, sorry for coming late."

Tumango si ma'am at tinignan ang kabuoan niya. 

"Are you okay now, Mr. Dela Vega?"

Tumango ito.

"Okay, huli kayong magpeperform mamaya ah? Ms. Rodriguez, bantayan mo mga kaklase mo sa labas ng room. By pair lang ang magpeperform sa harap ko. Pakisara ang bintana bago kayo lumabas. I'll give you 10 minutes to prepare."

Halos magulantang ako sa biglaang announcement ni ma'am. 

HINDI PA AKO READY!!

"Guys, please go outside! Pumila na raw iyong mga magpeperform. At iyong sasayaw na, maiwan na rito sa room."

Mabilis na naglabasan ang mga kaklase ko. Pansin ko na walang kibo si Hiro simula no'ng dumating siya. Lumabas na kaming lahat at naiwan ang dalawa kong kaklaseng nerd na kamot ulo na nagpeprepare. Humagikhik ako sa kanila, ang cute.

"Ms. Rodriguez, you may go na."

Mabilis akong tumango at tumungo na sa labas. Saktong paglabas ko ay nakita kong kausap ni Amber si Hiro. Halatang kalmado si Hiro habang kausap si Amber na malapad ang ngiti. Sinara ko na ang pinto ng room at mabilis na lumingon sa gawi nila. Natigilan ako nang hinampas ni Amber si Hiro sa bandang braso. Nakakapagtaka na parang okay lang kay Hiro na hinahampas siya ni Amber. Hindi ako kumibo at nag indian sit na lang sa lapag. Mabilis kong nilapitan si Dane na ngayon ay tahimik na nakaupo sa isang gilid.

Lalaki si Dane, hindi makabasag pinggan iyan. Madalang ko siyang makitang magsalita, pero palaging nakakasagot sa recitation iyan at matataas score sa exam.

"Woy? Sino partner mo?" 

Nakita kong medyo nagulat siya nang umupo ako sa tabi niya.

"Si Amber."

Napamaang ako, seryoso??

"Seryoso? Paano kayo naging magpartner?" gulat na tanong ko.

Hindi siya sumagot at inayos ang eyeglasses niya. Napanguso ako, damot naman sa chismis nito. 

"Pst! Ayaw mo ba akong kausap? Hindi naman kita kakagatin!" natatawang bigkas ko.

Tuluyan na nawala ang atensyon ko kay Dane nang marinig ko ang mahinang tawa ni Hiro. Nawala ang mga ngiti ko at napawi ang atensyon sa kanilang dalawa. Hindi ko napansin na bumigat na pala ang pakiramdam ko sa nakita ko.

Bakit parang ang sakit?

Hindi ko rin napansin na kaming apat na lang ang naiwan sa labas. 

"Okay, Ms. Amber? Where's your partner?"

Ituturo ko sana si Dane pero nagulat ako sa sinabi ni Amber. Nakita kong parang hindi nagtaka si Dane sa narinig niya. 

"Si Mr. Dela Vega po!" kilig na kilig na sabi nito.

Bumagsak ang balikat ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanila.

"Ha? Stop joking around! Partner ni Ms. Rodriguez si Mr. Dela Vega!" inis na sabi ni ma'am at ni-check ulit ang hawak niyang index card.

"She's not joking, nagswitch kami ng partner."

Nakita ko kung paano magulat si ma'am at tinignan ako nito. Tatanungin ko sana si Hiro nang tuluyan itong pumasok sa room at kasunod na niya si Amber.

"Ms. Rodriguez?" nagtatakang banggit ni ma'am.

"Y-Yes ma'am, nagpalit kami ng partner."

Napailing-iling si ma'am at pumasok na sa room. Mabilis na tumulo ang luha ko at pinahid ito.

Grabe, wala man lang pasabi. Hindi man lang ako tinanong kung okay lang sa akin. Galit ba siya sa akin? May mali ba akong ginawa? 

Nabigla ako nang magsalita ang taong nasa tabi ko.

"You don't want to dance, aren'n you?"

Mabilis akong natawa at umiling.

"Ano ka ba?! Okay lang ano!"

Lumabas na sina Amber at Hiro at hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Pumasok na kami at nagperform na kami. Halos hindi ko masabayan si Dane, may tinatago pa lang talent ang mokong. Naka-perfect kami sa performance dahil ang galing sumayaw ni Dane!

"Uy! Buhat mo ako ah! Thank you!"

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito at sabay kaming sumakay ng elevator. Bago magsara ang elevator nakita ng dalawang mata ko kung paano yakapin ni Amber si Hiro. Kasabay no'n ay ang pagsara ng elevator. Mapait akong ngumiti.

His silent treatment k1lls me...

Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas ni Dane. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa mga nangyari kanina.

Gusto niya ba talaga ako?  

Kasi kung oo, bakit niya nagagawang hindi ako pansinin. 

"I need to go."

Nawala sa isip ko na kasama ko pala si Dane. Napatitig ako sa maamong mukha nito at sa salamin na suot niya. Napansin kong hindi pantay iyon kaya marahan kong inaayos para sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.

"T-Thanks." Ngumiti ako.

"Nakita mo pa akong umiiyak! Nakakahiya!"

Syempre naiyak na naman ako.

"Wala ito! Sige na, umuwi ka na!" natatawang banggit ko at tinapik siya sa balikat.

Akala ko uuwi na siya kasi tinalikuran na niya ako pero lumingon ulit sa gawi ko ito. Mabilis na lumakas ang hangin at bumuhos ang ulan. Hindi ko alam kung bakit huminto siya at tinignan ako.

"I will stay with you for a while before I go home."

Saktong pagtapos magsalita ni Dane ay ang pagbukas ng elevator. Bumungad ang dalawang taong nagpabigat nang nararamdaman ko. 

Napatitig ako sa kanila at nakita ko kung paano tumawa at hampasin ni Amber si Hiro. Nakita ako ni Amber at ngisi lang ang binigay sa akin nito.

Naghihintay ako na baka tapunan niya ako ng tingin...pero wala.

Kumibot ang labi ko at napayuko.

Really? Do I really deserve this kind of silent treatment from him?

Itutuloy...

Yohann Angeles

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon