Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 3:
Nagising ako nang maramdaman ko na may tumapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong dinilat ang dalawang mata ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng elevator constructors. Inalalayan akong tumayo ni Hiro at nagpasalamat sa mga iyon.
"Salamat po, kung hindi kayo dumating baka bukas pa kami nakalabas," malugod na sabi ni Hiro.
Nang lumabas kami ng elevator at tinignan niya ako.
"Ayos ka lang?" tanong nito.
Naglalakad na kami sa hallway ng ground floor. Napatango ako at nahihiyang umiwas ng tingin. Pist1, nakatulog ako sa dibdib niya??
"May nyctophobia ka pala."
Gulat akong lumingon sa kaniya.
"Paano mo nalaman?"
Tinignan ako nito.
"May phobia ka sa dilim," maiksing paliwanag niya.
May sense kahit maiksi lang ang sagot niya. Nakita kong huminto siya sa parking lot at tinignan ako.
"Wala ka bang sundo?" tanong nito habang naglalakad kami sa walang katapusan ng parking lot.
Umiling ako.
"Hindi naman ako sinusundo ng magulang ko. Ayaw kasi nilang isipin na anak ako ng may-ari na school. Although alam naman ng lahat."
Kumunot ang noo ko nang may nakasandal na bike sa bike ko. Natigilan ako nang kunin niya ang bike na nakasandal.
"Bike rin gamit mo papasok sa school?" Tumango siya.
Kinuha ko ang bike ko at sumakay na ako rito. Inayos nito ang eyeglasses niya at sumakay na rin siya sa bike niya. Hindi ko alam kung bakit gumaan pakiramdam ko sa kaniya. Naiinis talaga ako sa kaniya no'ng una ko siyang na-meet pero ngayon hindi na. Nagsimula ko nang paandarin ang bike ko at ganoon din siya.
Nakita kong nakasunod siya sa akin.
"Hindi kita sinusundan, obvious na one way rito kaya magkakasabay talaga tayo."
Natawa ako, alam na alam niya kung ano ang sasabihin ko eh. Tinignan ko siya na tahimik na nagpepedal.
"Galing ka talagang Canada?"
Napatingin siya sa akin.
"Yes."
Hindi na ako kumibo at nagpatuloy kami sa pagpedal. Masyado na rin tahimik ang lugar na ito.
"Liliko na ako sa kaliwa."
Nagkatinginan kami, walang ekspresyon ang mukha nito. Lumiko na siya pakaliwa at naiwan na akong nagbabike pauwi sa amin.
Nang pumasok ako ay nakita ko kung gaano kainis ang mukha nila mommy. Tanging si kuya lang ang sumalubong sa akin.
"Pearl my baby! Kumusta?"
Iniripan ko si Kuya Felix.
"Nag-aaway na naman ba sila?"
Tumango si Kuya at tinakpan ang dalawang tenga ko.
"Kaya huwag mo nang pakinggan!"
Dahil nasa ikatlong palapag ang kwarto namin ni Kuya Felix ay nagsimula na kaming umakyat. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa tenga ko. Hinatid ako nito sa kwarto at sumenyas na i-lock ko ang pinto.
"Dadalhan na lang kita ng dinner mo okay? Huwag kang bumaba, pag-iinitan ka ni mommy."
Natawa ako at niyakap si Kuya Felix.
"Thank you, kuya."
Mabilis akong tumungo sa banyo at naligo na. Paglabas ko ng banyo nakita ko si Kuya Felix na nilalapag sa table iyong mga pagkain na dinala niya sa akin.
"Weird mo talaga ano! Hindi mo naman kailangan gawin sa akin iyan!"
Tumawa si Kuya Felix at tinignan ako. Sinabayan niya akong kumain ng dinner bago siya lumabas ng kwarto bitbit iyong mga pinagkainan namin. Maya-maya pa ay lumabas na si Kuya ng kwarto ko.
———
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Napatingin ako sa orasan at maaga pa naman. Mabilis akong pumunta sa banyo at naligo. Katulad nang nakagawian ko, ayokong nagpapakita sa magulang ko.Narinig kong may kumatok.
"Are you done, baby?" tanong ni Kuya Felix na nasa labas ng pinto.
"Yes! Wait lang."
Nag-ayos na ako at kinuha ang mga gamit ko bago lumabas ng kwarto. Nakita kong sumilip pa si Kuya Felix sa baba bago kami tuluyang bumaba ng hagdan.
Nakita kong napakamot si Kuya Felix ng ulo nang makitang nagbabanyagan ang parents namin. Walang ekspresyon na dumaan ang mata ko sa kanila bago lumabas ng bahay.
"I'll use my bike, Kuya."
"Sige, magbabike na lang din ako."
Binuksan ng guard ang gate at saka kami pumedal palabas ng bahay.
"Sasabay ka ba umuwi sa akin mamaya?"
Umiling ako habang patuloy na nagpepedal sa bike ko. Mahigit 20 minutes yata kaming nagbabike nang makarating kami sa school.
Pinarada namin ang bike namin at nakita ko iyong bike na ginamit ni Hiro. Pure na black lang iyong kulay ng bike niya.
"Ow, may nagbabike rin pala rito. Akala ko tayo lang," natatawang sabi ni Kuya Felix.
Hinalikan ako ni Kuya Felix sa noo at naghiwalay na kami ng daan. One year gap lang naman ang meron sa amin. Grade 12 siya tapos ako grade 11.
Napangiwi ako at tumakbo patungo sa elevator. Napaatras ako nang maalala ko iyong nangyari kagabi.
Hindi kaya maulit iyon? Huwag na kaya akong sumakay? Kasi mas hindi ko kakayanin umakyat ng 7th floor gamit ang hagdan. Baka atakihin ako ng asthma ko.
Ang tagal kong nakatitig sa elevator at hindi ko napansin na may pumasok na pala roon. Mabilis na nagtama ang tingin namin ni Hiro. Walang ekspresyon itong nakatitig sa akin.
"Are you okay?" tanong nito.
Nanatili akong nakatitig sa elevator. Naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha ko. Pist1! Bakit ba kasi takot na takot ako sa dilim!
Nabigla ako nang marahan akong hatakin ni Hiro paloob sa elevator. Natigilan ako nang marahan niya akong niyakap.
Hinilig nito ang ulo ko sa chest niya. Mas lalo akong iiyak kapag pinikit ko ang dalawang mata ko. Mas madilim iyon! Mas takot ako sa idea na iyon! Narinig kong tumunog ang elevator at tuluyan nang bumukas ito.
Nang humarap ako ay nakita kong gulat sa mata ng ibang estudyante na nasa elevator. Hindi ako binitawan ni Hiro. Nanatili itong yakap ako, binitawan niya lang ako nang lumabas kami sa elevator.
Mabilis akong kinain ng hiya. Nauna na siyang naglakad na parang walang nangyari.
"Hiro t-thank you!" usal ko.
Lumingon ito sa akin, natigilan ako nang sumilay ang ngiti nito sa labi bago tuluyan ako talikuran at naglakad papalayo.
Naramdaman ko na lang ang pag-init ng pisngi ko.
Hindi ko naman siguro siya crush ano??
Itutuloy...
Yohann Angeles
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.