Chapter 4

234 17 1
                                    

Arrange Marriage with an Unknown Guy

Chapter 4: Yabang is real!

Tahimik akong naglalakad sa hallway nang makasalubong ko si Amber at ang mga ka-squad niya. Nagkibit-balikat ito at tinaasan ako ng isang kilay.

"Look, girls! Siya lang naman iyong lumalandi sa future boyfriend ko!" inis na singhal nito sa harap ko

Wow, future boyfriend? Kadiri ah.

"Ganiyan ka na na ka-assumera? Nag-iisip ka ng mga bagay na malabong maging totoo," natatawa kong sabi at binunggo ang braso ni Amber.

Pumasok na ako sa room namin at as usual wala pang tao...except na nandito rin si Hiro. Nakita kong seryoso itong nakayuko. Nagbabasa siya ng libro. Dahan-dahan akong naglakad sa tabi niya at umupo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya at nag-iinit talaga ang pisngi ko.

MYGOODNESS!

Sana hindi niya ako nakita.

"Are you sick?" Nanlaki ang dalawang mata ko at lumingon sa kaniya sabay iling nang mabilis.

"H-Hindi ah," utal na sagot ko.

Kumunot ang noo niya, binitawan niya ang libro. Nagtaka ako nang kunin niya sa bag niya ang alcohol spray niya. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

Hinawakan niya ang noo ko dahilan para makaramdam ako ng kakaiba. Para akong kinukuryente sa ginawa niya.

"Hindi ka naman mainit," nagtatakang saad nito.

Napalunok ako nang bumaba ang haplos nito sa pisngi ko. Mas lalo kong naramdaman na nag-init ang dalawang pisngi ko. Nagtama ang paningin namin at napatitig ako sa mata nito.

Halos malunod ako sa mga tingin niya.

"Hindi ka mainit pero mainit ang pisngi mo. Masakit ba ngipin mo?" nagtatakang tanong niya at marahan na inalis ang kamay niya sa pisngi ko.

"A-Ahh oo! Masakit ngipin ko!"

Tinignan ako nito.

"Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" Mabilis akong umiling at ngumiti.

"H-Hindi na! Magbasa ka na lang diyan!"

Tinignan ako nito at napatango.

"Okay."

Bumaba ang tingin nito sa binabasa niyang libro. Napangiwi ako nang makita ko na cell theory ang binabasa niya. General Biology pala subject namin mamaya. Tahimik siyang nakatingin sa libro. Gusto kong sampalin ang sarili ko at hindi ko alam kung bakit ako nauutal sa kaniya kanina!!

Maya-maya pa ay pumasok na ang mga kaklase ko. Nakalimutan ko pa lang banggitin na hindi kami nagpapalit ng pwesto ng upuan namin. Depende sa amin kung makikipagpalit kami. Wala naman kasing pakialam ang mga teacher namin.

Hindi pa namemeet ni Mr. Zaragosa si Hiro dahil kakatransfer lang naman nito. Pumasok na si Mr. Zaragosa, as usual ay galit ito.

"Bring out your book! Open your book on page 28!" Napangiwi kaming lahat ng mga kaklase ko.

See? Walang good afternoon! Ganiyan siya, mabilis magalit. Binagsak nito ang gamit niya at tinignan kami isa-isa. Nakita kong tumaas ang isang kilay nito at inayos ang panot niyang buhok.

"Are you a transferee?" tanong ni sir.

Tumayo ito at tinignan si Mr. Zaragosa ng diretso sa mata.

"Good afternoon, yes. I'm Hiro Luis G. Dela Vega," maiksing saad nito.

Nakita kong napayuko ang mga kaklase ko, ayokong yumuko kasi ako na naman mapapansin niyan.

"Okay, sit down."

Mabilis na nagsulat si sir sa white board. Ngumiwi ako, may TV naman kasi pero mas gusto niya ganiyan. Nagsusulat siya sa white board at sabi ko na nga at cell theory ang topic.

"Okay, why most of the cells are limited in size??" tanong ni Sir.

Dahilan para mapayuko lahat ng kaklase ko pwera sa squad nila Amber.

"Ms. Amber Franco?" Nakita kong nagulat si Amber pero hindi niya ito pinahalata.

"Gulat na gulat ah? Hindi ka nag-aral ano?" galit na tanong ni Sir.

"S-Sir, I d-don't know."

Natawa si Sir at galit na tumingin kay Amber.

"Huwag puro makeup ang atupagin iha, ha? Balita ko balak mo mag-take ng nursing sa college yet ang tamad mo mag-aral!"

Napangiwi ako, masyadong personal iyon ha. Umikot ang mata ni Sir at huminto ito kay Hiro.

"Mr. Dela Vega, stand up and answer my question."

Tumayo si Hiro at nakipagtitigan kay sir.

"It is because of the ratio of their volume in their outer surface area," confident na sagot nito.

Nakita kong napatango-tango si Sir. Zaragosa.

"Very good, ganiyan dapat! Hindi kung ano-ano inaatupag niyo!"

"Ms. Rodriguez, stand up!" Napatayo ako dahil sa boses ni Sir.

"If the volume increases by the cube, then the surface area increases by what?"

Napalunok ako, hindi ako nagbasa kagabi.

"I think it is increased by the square."

Tumaas ang isang kilay ni Sir. Zaragosa.

"You think?" natatawang tanong ni Sir.

"Okay, very good."

Napaupo ako at napahinga nang malalim. Tumama pa sagot ko.

"Nice, you're as smart as me ha," natatawang sabi ni Hiro.

Napalingon ako sa kaniya, ang mata nito ay na kay Sir na ngayon ay ginigisa ang mga kaklase ko.

"Mr. Dela Vega, if the mitosis is the common type of cell division in eukaryotes. Then what was the cell division for prokaryotes?"

Tumayo si Hiro.

"Binary Fission," maiksing sagot ni Sir. Zaragosa.

"Why?" tanong ni sir.

"It is unnecessary for prokaryotes to undergo mitosis since prokaryotes do not have a nucleus and other organelles due to the absence of internal membranes," confident na sabi nito habang diretsong nakatingin kay Sir.

Hindi ba siya natatakot sa panot na iyan? Parang wala lang sa kaniya habang sumasagot kay Sir eh.

"Wow, you impressed me with your answer and the way you answered my question, Mr. Dela Vega. Keep it up."

Napangiwi ako nang makita ko iyong side niya na mayabang. Kinuha ko ang tumbler ko para uminom ng tubig.

"Yabang mo," ngiwing sabi ko sabay tungga sa tumbler ko. Yabang is real talaga pagdating sa kaniya. Ang asim talaga ng mga lalaki kapag nagyayabang like what? Nilagok ko na ang tubig ko.

"Crush mo naman," natatawang sabi ni Hiro dahilan para masamid ako.

Halos maluha ako sa pagkasamid.

"Are you okay Ms. Rodriguez?" tanong ni Mr. Zaragosa sa akin.

Natatawang tumingin si Hiro kay Sir. Zaragosa.

"She's fine, Mr. She is probably thinking of someone," natatawang sabi niya kay sir.

Lumapit ito sa akin ng konti at bumulong.

"And that someone, that was me."

Itutuloy...

Yohann Angeles

Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon