Arrange Marriage with an Unknown Guy
Epilogue:
Hayami's POV
2 years later...
Nakasimangot akong kumakain habang kasama si Hiro at masamang nakatitig sa kaniya. Tumaas ang isang kilay nito.
"Yes? What's wrong babe?" tanong nito at parang wala talagang siyang naalala.
Bwisit! Hindi niya talaga naalala na anniversary namin ngayon?!
"WALA!" singhal ko at madiin na tinusok ang steak.
Matagal siyang nakatitig sa akin at parang binabasa niya ang nasa isip ko. Mabilis niyang hinawakan ang palad niya at pinatong ang bisig niya sa lamesa.
"You won't act that way babe if there's nothing wrong," kalmadong sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin at tinignan ang oras sa wall ng restaurant. Alas dyis na pero wala? Hindi niya talaga naalala?
"Are you done eating? Hahatid na kita sa inyo."
Mas lalong sumama ang loob ko sa sinabi niya. Tumango na lang ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Nakita kong inalok niya ang kamay niya na hawakan ko pero hindi ko pinansin iyon at nauna akong lumabas sa restaurant. Bwisit, hindi niya naalala? Madalang na nga kami magkita dahil busy pareho schedule namin.
Narinig kong tumunog ang phone niya dahilan para tumigil kami maglakad papunta sa parking lot.
"Baby, a second." Hinalikan nito ang noo ko at sinagot ang tawag.
Naka-loud speaker ang phone niya kaya rinig na rinig ko kung babae o lalaki kausap niya.
"Yes, Father. I'm with my girlfriend."
Hindi ko na pinansin ang usapan nila at masama talaga ang loob ko. Gusto kong umiyak ngayon. OA na kung OA pero ang sakit kaya. Madalang kayo magkita tapos nakalimutan pa niya special na araw niyong dalawa.
Napatingin ako sa kaniya na marinig ko na babae na ang kausap niya. Pakiramdam ko ayan iyong secretary nila sa office nila.
Halos kumulo ang dugo sa boses ng babae na kausap niya. Putragis, secretary ba niya iyan? Bakit ang landi magsalita?
Hinayaan ko lang sila mag-usap.
"Miss? Are you okay? Can you please talk to me appropriately? I don't like the tone of your voice. I'm with my fiancée," inis na sabi nito dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
F-Fiancée?!
Kinindatan ako nito at ngumisi siya.
"Yes, pass all the necessary files tomorrow. I'm gonna end this call, bye."
Mabilis niyang binulsa ang phone niya at patakbong lumapit sa akin sabay yakap. Napaiwas ako ng tingin, gusto ko talagang umiyak. Bwisit.
"Baby, happy 2nd anniversary to us."
Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko. Mabilis akong napanguso at nangilid ang luha ko. Nakita kong nagulat siya sa reaksyon ko.
"H-Hey, why are you crying? Damn it."
Marahan niyang pinahid ang luha ko.
"Akala ko nakalimutan mo na."
He cupped my cheeks.
"Nakalimutan? I won't, this date is too special for me to forget. I really kept this date in my pocket," biro niya at hinalikan ang pisngi ko.
"B-Bwisit! Pinasama mo loob ko!" singhal ko sa kaniya habang patuloy na bumabagsak ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Teen FictionHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.