Arrange Marriage with an Unknown Guy
Chapter 18: Tula
Hayami's POV
Napailing ako nang tawagin ni ma'am name ko for the debate. Ito na naman si ma'am, palibhasa natapos agad ang topic. Trip na naman ang tanungan portion.
"Ms. Rodriguez? Come on, si Mr. Dela Vega ang makakalaban mo."
Gulat akong napalingon kay ma'am. Lumingon ako kay Hiro na ngayon ay nakakibit-balikat sa harap at nakatitig sa akin.
Sht, mabilis na namula ang buong mukha ko.
Bigla kong naalala iyong mga nangyari sa rooftop no'ng nakaraang araw! Syempre wala naman kababalaghan ang naganap.
Flashback...
"How the fck did you know about that thing?" gulat na tanong niya.
Tumawa ako at kinindatan siya.
"Kuya Felix told me about the guy that I'll marry sana. He told me your full name so ayon iyong reason kung bakit ko nalaman."
Nakita ko kung paano siya manlumo at napatitig sa akin.
"I can't marry you, Hayami. Ayokong gamitin ka ni Dad bilang pambayad niya sa mga utang niya sa company."
I smiled at him, cute talaga nitong mokong na ito. Puro ako na lang iniisip.
"So okay lang naman hindi matuloy ang kasal natin basta don't iwas-iwas me! We can be friends naman!"
Napahampas siya sa noo niya.
"Nagsinungaling ako, galing akong Germany at hindi sa Canada."
"I know! Sinabi ni Kuya Felix na tumakas daw iyong taong papakasalan ko dapat." Tumawa ako nang makita ko siyang namumula.
Napatakip siya ng mukha niya.
"YOUR BROTHER IS GETTING TO MY NERVE!"
Humagikhik ako at lumapit sa kaniya.
"Huwag mo akong iwasan, okay?"
Dahan-dahan ko siyang niyakap.
"I can be your friend, kahit hindi mo na ako ligawan. Okay lang, I can't afford to lose you."
Akala ko magmamatigas siya pero naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
"No, I'll court you."
Mabilis na nanlaki ang dalawang mata ko.
"H-Ha?"
Mabilis na sumilay ang ngisi siya. Ayan na naman siya sa ngisi niya, bumalik na iyong dating Hiro na nakilala ko!
Nawala ang flashback sa utak ko nang marinig kong tinawag ni Ms. Garcia ang apelyido ko.
"Ms. Rodriguez?"
Napahinga ako nang malalim at pumunta sa harapan. Bwisit, kakainin yata ako ng buhay ngayon.
"Ang tanungan portion natin ngayon ay tungkol sa love!!" natatawang sigaw ni Ms. Garcia.
Napangiwi ako sa narinig ko. Jusko? Seryoso si ma'am?
"Kayo ay malayang huhusga at papanig sa kung saan niyo gusto."
Halos magwala ang mga kaklase ko sa harapan namin. Samantalang si Amber naman ay kinindatan ako. Oo nga pala, okay na kami ni Amber. Hindi naman ako napaplastikan sa kaniya. Iba na kasi iyong trato niya sa lahat ngayon. Feeling ko nga ay may something sa kanila ni Dane.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with an Unknown Guy (COMPLETE)
Novela JuvenilHayami's parents want her to marry this unknown guy when she turns 18. Unfortunately, she didn't expect that she would marry the guy that she hated the most. However, as the day passes by, her feelings learn to develop from hatred to love.