Introduction Part 1

788 4 0
                                    


Mga istorya na kathang isip na may makatotohanan tema at paksa. Tunghayan at basahin ang buod na nilalaman ng bawat kwento.

*Renta*

Hindi makalimutan ni Dwight nung minsang matanaw niya ang isang dalaga na nakatira sa isa sa mga paupahan nila. Nabighani agad siya at naghangad na mapasakamay ang dalaga na nagngangalang Jenna, na kapatid ng dati niyang nakarelasyon. Dise-otso pa lang si Jenna at bente tres na siya.

Ang pakikipagkaibigan na may nakatagong motibo, hanggang saan dadalhin ng binata ang kagustuhan niya at ano ang magiging kapalit?

*******

*Gym Romance*

Maprinsipyo, matapang at mature, ganyan ang katangian na meron si Jess, isang public attorney na madalas magbabad sa gym para manatiling fit at maging responsable sa katawan.

Sa di inaasahang pagkakataon, makikilala niya ang isang taong galit sa isang tulad niyang nagpe-feeling class at sosyal. Buwisit na buwisit siya kay Henson, isang mayaman na negosyante at nakabangga niya isang araw sa gym. Ang akala kasi nito, isa siyang slay queen na madalas laman ng Tiktok at ilang social media platforms.

Ngunit ang galit at inis nila sa isa't-isa, maari nga bang maiba at maging kabaligtaran sa nauna?

********

*Kalaro*

Bata pa si Lenlen ay kapitbahay na niya ang binatang nagngangalang Clinton sa maliit na compound ng lugar nila. Mapag-isa at madalas wala ang mga magulang kaya naman laging nasa labas siya o di kaya nakikikain kung saan. Sanay na siyang laging pinababayaan at walang nag-aaruga.

Dala ng kasabikan at kapangahasan, pilit niyang ginugustong mapalapit sa binata at laging nagpapansin para lang makuha ang atensyon nito.

Madali namang uminit ang ulo ni Clinton kapag binuburaot siya ng batang si Lenlen. Kahit na dise-otso na at dalaga na, bata pa rin ang tingin niya rito dahil nakita niya kung paano ito lumaki sa lugar nila.

Ano ang mangyayari kung ang batang makulit, gustong makipaglaro sa kanya, at ang laro ay hindi na pambata.

********

*Litrato*

Bea did modeling for a decade and a year. Marami na siyang nagawang proyekto at napatunayan, ngunit sa pagdaan ng mga panahon, nawawala na rin ang kinang, nawawala na rin ang kasikatan.

Sa desperasyon niya manatiling relevant at relatable, pinili niyang pasukin ang pag-aartista kahit pa wala naman siyang pormal na kasanayan. Pwede naman siya dun dahil maarte nga daw siya sabi ng kaibigan.

Ngunit sa hindi niya hinagap na pagkakataon, isang mapagbirong tadhana ang naglagay sa kanya para makitang muli ang lalaking naka-sex niya ng isang gabi.

Si Wyndell ang direktor ng pelikula na kung saan siya gaganap. At ang nakakagulat, hindi nito gustong matapos na lang ang ugnayan nila nang basta-basta.

Ano ang gagawin niya para makuha ang role at ano ang kaya niyang isakripisyo para sa pag-ibig?

************

*Manika*

Dala ng desperasyon at walang lugar na tatanggap, pinili ni Via na pasukin ang madilim na mundo ng prostitusyon. Hindi dahil sa hindi niya kayang humanap ng ibang trabaho kundi dahil sa kababaan ng loob at pagsisisi sa sarili dahil siya ay isang makasalanan.

Sa loob ng magulo at miserableng mundo iyon, nakilala niya si Gelo, ang lalaking unang nakakuha ng pagkabirhen niya.

Ang pagsasama nila ay wala sa plano ngunit ang pag-ibig ay walang pinipiling lugar, sitwasyon at tamang tao.

Mapagtagumpayan kaya nila ang hamon ng buhay, o malulunod na lang sa makasalanang mundong pinili nila?

********

Maging matalino sa mga desisyon, maging mabuti sa kapwa at maging bukas ang isip. Ito ay mga kwento na hindi man hango sa totoong tao, ngunit tumatalakay sa realidad at mga sitwasyong nangyayari sa tunay na buhay.

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon