Train 03

185 0 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Addie sa inaasta ni Ian. Dapat hindi na siya magtataka pero iba pa rin pala kapag nararanasan na niya. Ganito pala magselos ang isang lalaki.

Hindi naman kasi siya sanay. Yung ex niya nga na matagal niyang naging ka-fubu, ni hindi nga siya inaalala, kahit pa harap-harapan siyang may kausap na ibang lalaki, wala lang sa ex niya.

Pero pagdating kay Ian, bakit ganun? Ang labo lang para sa kanya.

Tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot. “Hello Chels, yeah yeah, papunta na nga, di ba?” pinindot na niya ang elevator button.

At nung bumukas, sumakay na siya at pinindot ang ground floor.

“Bilisan mo, may ipapakilala daw si Reagan, baka type mo,”

“Pass muna 'ko, Chels,”

“Ha, teka bakit? Bago yan ah, Addie,”

Napabuntong hininga siya. “Basta, mahabang kwento, chika ko na lang pagdating ko dyan, kumpleto na ba tayo? Sina Colleen at Mads, 'andyan na ba?”

“Nag-chat ako eh, nag-reply naman, Otw na rin daw, bilisan mo na, Addison, para makapagnomnom na tayo na may kasamang chikahan,”

Natawa na lang siya. “Sige na, I'll see you there, bye!”

Bumukas na ang elevator kaya naglakad na siya palabas ng apartment. Naghintay lang siya sandali bago dumating ang TNVS car pool niya.

Nung malapit na siya, nag-chat ulit siya sa mga kaibigan niya.

Bumaba na siya pagkabayad saka dumiretso sa entrance ng isang nightclub. Sinalubong naman siya ng kausap niya sa telepono na si Chelsea.

“Oy, long time no see!”

Bumati rin siya ng beso-beso at yakap.

“Kamusta ka na, girl?”

Ngumiti lang siya. “Eto, maganda pa rin,” sabay flip ng mahaba at straight niyang buhok kaya tumawa ang kausap niya.

“Naka-extension ka ba ulit?”

“No, natural na 'to,”

“Ahh, ang haba ng hair ah,”

Humagikgik sila pareho. “Tara, nagpa-reserved na kami ng table sa taas,”

Nagpa-clear muna sila sa attending guest relation officer at nagbayad ng entrance fee saka siya iginiya ng kaibigan sa itaas na parte ng club.

Dinig na ang maingay at masayang vibe ng mga tao na nasa dance floor sa baba.

Mayroon din naman sa itaas pero mas secluded nga lang at may hiwa-hiwalay na partition para sa mga big group o sa mga gusto lang ng private space mula sa ibang nasa loob ng club.

“Oy, girl!” bungad ng isa sa tatlong kaibigan niyang naabutan nilang nag-uusap habang nakaupo sa lounge seat.

Bumeso ulit siya at yumakap. Maging yung dalawa pa.

“Kamusta na, Addie, ang tagal mong nawala sa limelight ah,” wika ni Clare at umusod pa para makaupo siya.

Tinanggap naman niya pati ang inabot na martini glass mula sa binabae nilang friend na si Reagan.

“Thanks, Baks,” sabay ngiti sa kausap. “Wala eh, na-busy ako sa work, ang hirap na kasing abutin ang quota namin for this quarter, nakakaburat,”

Natawa lang ang mga nakarinig. Sanay na kasi sila sa bastos at ugaling kanal niya. Puro rich kids ang kaibigan niya pero marunong makisama at makibagay. Lalo na ang tatlong ito na kagaya niyang loka-loka rin.

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon