Cosplay 03

48 0 0
                                    

Natapos ang pag-aalala nila nung dalawang beses nag-negative ang result ng PT ni Sylphie. Akala talaga ni Aivan, nabuntis na niya ang girlfriend niya. Ilang araw lang din, dinatnan ito kaya napahinga sila sa aktibidad nila sa gabi. Sinasamahan na lang niya ito sa unit nito dahil alagain ito kapag meron.

Binibilhan niya ng pagkain, minamasahe at sinusunod ang gusto dahil ganun naman siyang boyfriend. Biro nga nito, kung siya na raw ang makakatuluyan nito, hindi na ito magrereklamo, sobrang maalaga daw kasi siya at loyal pa kaya wala nang hahanapin pa ang dalaga, sa kanya pa lang, kuntento na ito sa buhay.

Na ikinatuwa naman niya. Ganito na kasi siya mula pa nung bata. Laking lola kasi siya dahil ang nanay niya, nagtrabaho rin nung bata pa siya para may ipangtutos sa araw-araw na gastos, dahil hindi naman agad nakasampa ang tatay niya sa barko, marami pang nilakad na dokumento at ilang permit para makasakay.

Hindi talaga siya nakatikim ng buong pamilya, nakikipamilya lang din siya sa mga pinsan niya na kasama niyang lumaki sa poder ng lola niya sa nanay. Kaya naman, masasabi niyang sabik din siya sa kalinga ng isang buong pamilya. Yung may tatay at nanay na gagabay sa kanya kapag may mga kalituhan at mga sitwasyon mahirap, may aagapay sa kanya.

Hindi gaya ngayon, na parang mag-isa na lang niyang tinatahak ang landas niya at tila nagiging suliranin pa ang nag-iisang magulang na meron siya. Galing siya sa unibersidad at dahil matagal ang klase niya, gabi na siya nakauwi.

Naabutan niyang may kausap ang inay niya sa kusina. Napatingin siya nung nasa sala siya dahil naulinigan niya ang boses ng isang lalaki.

“Sa uulitin, ah, Don, ikaw madaya ka rin eh,”

“Sige, basta kapag may sira, tawagin mo lang ako,”

“Nay?” gulat na bulalas niya.

Sabay pang napatingin sa direksyon niya ang dalawa.

“Aivan, ikaw pala, nakauwi ka na, 'Nak,” hindi magkandatuto na usal ng inay niya.

“Opo, Nay,” saka niya tinapunan ng tingin ang lalaking katabi ng kanyang ina.

Sa unang tingin pa lang, alam na niya. May nangyayari na hindi niya alam.

“Ditas, ano…mauna na 'ko,” saka siya tiningnan pero hindi nagtagal. “Van, uwi na 'ko,”

Hindi siya umimik at hinayaang lumagpas sa kanya ang lalaki.

“Gusto mo na bang kumain, Van? Nagluto ako ng tinolang manok, paborito mo yun, di ba?”

“Kailan pa kayo…”

“Ha?” agad itong humarap sa kanya.

Hindi na nito kailangang sabihin, sa kilos pa lang, basa na niya. May nagbago sa nanay niya, naging palaayos at hindi na rin naglalasing, akala niya okay na ito at naka-get over na sa tatay niyang manloloko, yun pala…

May ibang lalaki nang nagpapaligaya sa nanay niya.

“Kaibigan ko lang si Dondon, anak,”

“Hindi na 'ko bata 'nay, alam ko, isang tingin ko pa lang…”

Saka niya tinapunan ng tingin ang pasa at ilang marka sa leeg nito. “Siya ba may gawa niyan?”

“Anak, wala kaming ginagawang masama,”

“Wala naman akong sinasabi 'nay, okay lang naman sa akin kung iibig ka ulit, pero sana, pumili ka naman nung matino, yung kaya kang buhayin,”

Napayuko ito na para bang bata na nahuli sa kasalanan. “I'm sorry, anak, nalungkot lang ako, kailangan ko ng karamay, siya lang kasi ang kayang…”

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon