Litrato 05

179 0 0
                                    

Madaling araw umalis sa condo si Bea para sumipot sa call time na s-in-et ng RM niya. Kasama na niya sa van si Jaja na nakakanganga pa habang natutulog, may neck-pillow, naka-jacket at kumot na nasa gilid niya habang siya naman, binabasa ang script.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa takbo ng istorya na nasa script at mamangha sa husay ng batang director na si Wyndell. Nalaman niya rin mula kay Jaja na debut nito sa mainstream cinema ngunit hindi na rin baguhan dahil tatlo na ang nagawa nitong short film at isang indie film.

Na-attached na agad siya sa character na gagampanan niya at tama nga si Jaja, walang small role sa bawat palabas o pelikula, lahat importante kahit mga small acts lang. Kaya hindi na rin niyang inasam na makuha ang lead role.

Sa realidad naman talaga, may mga nangyayari na senaryo na minsan mas malala pa kaysa sa nakasulat o nakatalakay sa isang palabas o pelikula na madalas, nilalagyan pa ng ibang atake.

Gaya ng nakasulat sa script ng movie. Nagandahan siya kahit na di siya masyadong pamilyar sa same sex relationship at parenthood. Pag-aalaga ng anak na di naman nanggaling sa kanila at pagtatanggol sa mga nanghuhusga sa mga taong iba sa karaniwan.

Tomboy kasi ang role niya at talagang ang layo sa totoong siya. Napapanahon din dahil nagsisimula nang mag-out ang mga tao na kabilang sa gay community.

Hinanap niya yung scene 42 na dati na niyang nabasa ngunit wala. Kaya tinanong niya si Jaja, ginising pa talaga niya dahil gusto niyang balikan yun at aralin na rin.

“Wala, ibinalik ko sa writer, utos kasi ni Direk, may babaguhin daw,” tapos sinubukang bumalik sa pagtulog ulit.

“Ha? Eh di ba tapos na yun? Anong dapat baguhin? Bakit?”

Yamot na nagkamot ito sa ulo. “Ewan ko, bakit ako ang tinatanong mo? D'at tinanong mo na si Direk, nandun ka na eh,” tapos nagtalakbong. “Utang na loob! Patulugin mo muna ako,”

Napalingon tuloy ang nagse-cellphone na RM niya tapos bumalik ulit sa pagtitipa sa phone o paglalaro? Pansin niya, hindi palasalita at nakikihalubilo masyado ang bago niyang road manager.

Wala na siyang nagawa, kapag natutulog talaga ang kaibigan, ayaw nitong paistorbo kaya nahulog na lang siya sa pag-iisip. Mukhang babaguhin nga ni Wynne ang script para sa kanya.

Yun kasi ang eksena na may bedscene siya sa kapwa niya artistang lalaki. Isang rape scene kasi iyon. Medyo graphic at sensitibo talaga dahil tinatalakay ang mga karahasan na sinasapit ng mga gaya ng character niyang lesbian at maging kaibigan na bakla na gagampanan ng main lead kasama ang kapareha nitong babae.

Tungkol sa unconditional love kasi ang movie ng dalawang tao na hindi pareho ng kasarian at paniniwala ngunit nagmahalan. At dahil supporting lead siya, ang character niya ang may gusto sa main lead na babae.

Kaya naman nagustuhan niya dahil kakaiba at napapanahon ang tema ng pelikula. Kaya lumaki ang paghanga niya sa direktor, kay Wyndell, dahil alam nitong gamitin ang napapanahong paksa at pagiging makapuso para sa mga gaya ng mga karakter sa pelikula na kabilang sa di pa lubos na maunawaang komunidad.

At natauhan siya bigla dahil hindi naman pala ito masamang tao. Bagkus, inaalala pa nga nito ang iba maging ang kapakanan niya sa gagawing pelikula.

Mukhang tinotoo talaga nito ang sinabi nito sa kanya nung huling nagkita sila at nag-anuhan.

Naalala niya bigla iyon at napangiti. Kahit na dalawang beses pa lang silang nagtalik at hindi pa niya lubos na kilala ang binata, nagkaroon agad ito ng lugar sa puso niya. Hindi niya maitatanggi na nakuha nito ang katawan niya at puso niya.

Saka niya naalala ang sinabi ni Jaja at ang pinsan niya. Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya binabati. Sa loob-loob niya, mali talaga siya na hinusgahan agad niya ang pinsan at ang batang girlfriend nito gawa ng edad at estado nila sa buhay.

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon