Litrato 01

354 1 0
                                    

“Nice shot! Good take!” 

“Oh dito naman, harap ka naman dito,” 

“Good! One more! Nice!” 

Yun lang ang tanging naririnig na bukambibig ng mga photographers kapag kumuha ng litrato kada posing ni Beatriz habang naka-red, flowy at backless na gown, nunca dahil ito ang propesyon niya bilang isang modelo at ginagawa na niya simula pa nung dise-syete anyos pala hanggang ngayon na bente otso na siya, nakaka-boost din ng kumpiyansa niya ang mga papuri lalo't banidosa siyang tao. 

Umanggulo pa siya para ipakita ang kurba ng katawan at humaba siyang tingnan sa likod ng lente. Medyo hindi kasi siya katangkaran. 

“Okay na, ang gaganda ng kuha Miss Bea, breather muna tayo, resume natin ang shoot after fifteen-minute break,” sabay pasok ng babae na over-all director ng shoot at pumalakpak pa. “Break time, fifteen minutes lang.”

Umayos na siya at piniling maupo sa easy chair sabay hablot ng cellphone at nagbabad sa social media. Binuksan ang Instagram app at nag-like ng mga pictures at post ng mga f-in-ollow na artista at Kpop artists. Napadaan siya sa feed ng kanyang pinsan at medyo napataas ng kilay. 

Nasa bakasyon kasi at halatang nag-e-enjoy sa beach ng Boracay kasama ang girlfriend. May kuha pa na magkayakap at nakahalik sa pisngi ng pinsan niya. Sinipat niya ang bagets nitong dyowa at kinilatis. Maganda ang katawan, mestisahin, matangkad at maganda ang mukha. 

Nainggit siya na may halong imbyerna. Paano nakahanap ng girlfriend na maganda ang nerd niyang pinsan na walang ginagawa kundi mag-online games at magkulong sa kwarto? 

Ang weird, feeling niya ginayuma ng pinsan niya o kaya date rape. Well, for all she knows, mahilig manood ng porn at may pagkamanyak ang pinsan niya. Kawawa naman yung girl, mukhang nakuha agad ng pinsan niya ang virginity nito. 

“Sinong ini-stalk mo?” sabay silip ng stylist-slash-PA-slash gay friend niyang si Jaja sa likuran niya. “Owww, ang pogi!” 

“Pinsan ko, si Clinton. Nasa Bora kasama ang bagets na jowa,” initsa na lang niya ang phone niya sa dressing table. 

“Ay, pak. Oh!” dinampot at sinipat naman nito. “In fairness sa pinsan mo, may abs,” 

Napaikot niya ang mga mata niya at kinuha ang magazine sa gilid at tumingin na lang ng magaganda sa babasahin. 

“Ang ganda ng girl ah, kaso mukhang bata pa, ilang taon lang 'to?” 

“Twenty two, Di mo ba nabasa yung mismong caption? 22nd birthday nung girl,” mataray na sopla niya. 

“Ay oo, teka, di ba kaedad mo lang ang pinsan mo? 28th na rin siya, di ba?” 

Napaikot na lang ulit niya ang mga mata. Ayaw na ayaw niya sa lahat yung nababanggit ang edad niya. Naba-bad trip agad siya. 

“Sabi ko nga eh, ang taray! 6 years gap, love conquers ages talaga, mukhang bagay naman sila. Ang ganda ng lahi, tisay at tisoy ang magiging anak nila,” 

“Ikuha mo na nga lang ako ng snack, 'asa'n na yung iced coffee ko?” 

“Ito na nga eh,” sabay abot nito ng Cafe Americano sa kanya at tissue. “Red day mo ba ngayon? Bakit ba ang init ng ulo mo?” 

“Eh kasi ang ingay mo, nagpapahinga ako di ba?” 

“Echusera,” lumakad naman ito palayo. 

At dahil palagi niyang kasama ang kaibigan, sanay na sanay na ito sa masamang ugali niya. 

Tinanaw pa niya kung saan ito pupunta bago niya tinapunan ng tingin ang phone niya sa table. Kinuha niya ulit at pinasadahan ng tingin ang mga posts sa feed ng pinsan niya. 

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon