Gym Romance 01

571 0 0
                                    

“Let's go, one more time! Easy lang, 'wag magmadali,”

“One two, that's right, gandahan mo pa ng bira, yan! Nice one!”

Puro papuri ang naririnig ni Jessica mula sa trainer niya kaya pinag-iigehan pa niya. Makalipas ng ilang oras sa one-on-one sparing session sa boxing, lumipat naman sila sa battle rope.

“Nice, ang laki na ng improvement mo, ituloy-tuloy mo lang ang attitude mo na yan, Jess,” sumandal sa equipment ang trainer niya habang nakaupo siya sa bench, nagpapahinga.

“Thanks, coach,” napangiti siya habang nagpupunas ng towel sa leeg at mukha.

“Nga pala, need ko pa lang magpaalam saglit, you know naman, kasal ng pinsan ko, need kong pumunta ng Cebu for her wedding.”

“Bakit sa Cebu naman? Di ba dito naman sila nagkakilala ng fiancé niya?”

Nagkibit-balikat ang trainer niya. “Dun kasi pinanganak si Dwight, mas gusto ng magulang nung guy na dun sila ikasal,”

Napatango na lang si Jessica. “Bata pa yung pinsan mo di ba, Coach Dave,”

“Oo, 24 lang, may five years gap sila nung guy. Pero okay na rin yun, at least pareho na silang stable bago sila nagpakasal,”

Napatango na lang ulit si Jessica. “Regards kay Jenna, tsaka sa magiging baby nila, 3 months na ba yung tiyan niya?”

“Oo, kaya nagmamadali na, wala kasi talaga sa plano yung pagbubuntis niya pero, ano pang magagawa, andyan na yan, kinukuha nga akong ninong, ang dami ko nang inaanak, pero wala pang sariling pamilya,”

“Ikaw naman kasi, maghanap ka na rin kasi ng asawa,” malamang biro niya sa binabaeng trainer at kaibigan na rin.

“Marami pa akong pinapaaral,” sabay talikod nito.

“Pakikamusta na lang ako sa kanila,”

“Sana kasi sumama ka, hahanapin ka nun,”

Umiling siya. “I'm too busy, Buti nga naisisingit ko pa 'tong workout ko,”

“Ikaw, bahala ka, ang daming Afam dun, ikaw rin,” lumakad na ito palayo.

Di sana mahahalata na babae rin ang puso nito dahil sa tikas ng katawan at may mukha rin naman kahit Moreno kaso sa kilos at pilantik ng daliri, confirmed. Paminta talaga ang kaibigan niya.

Kinuha na ni Jessica ang tumbler at towel niya bago tinungo ang locker room para makapag-shower na siya. Nasa paghahalungkat siya ng gym bag niya nang mabangga siya sa isang matigas na bagay.

“Fuck! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,”

Napaatras siya sapo ang noo. “Excuse me, ikaw kaya ang di nakatingin,” saka niya pinasadahan ng tingin ang lalaking bumangga sa kanya.

Ganundin ang ginawa nito sabay ngisi na nakakainis. “Gym Babe pala, sorry Miss ah, pero pass ako,” sabay talikod at hakbang palayo.

Napapikit at napanganga nang sabay si Jessica sa naging asta ng lalaking iyon. “Hoy, antipatiko ka!”

Lumingon ang lalaki nang nakakunot ang noo.

Umuusok na ang tenga niya at isang masamang salita pa galing dito, lilipad ang flying kick niya. “Ang kapal naman ng mukha mo, mukha ba akong cheap na babae sa 'yo?”

Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, yeah, you look like one,”

“Aba talaga naman,”

“What is going on here? Jess, anong nangyari?”

Saka dumating ang kaibigan niya at ilang coaches ng gym. “Oh my God, Henson,” sabay hila sa braso niya. “Girl, anong nangyari?”

VIRTUES & VICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon